Autumn here! Kumusta kayo? Please do follow me po, I'll follow you back :)
Konting trivia lang, this story is very special to me since somehow nakakarelate ako sa heroine noong kabataan ko, ayiii... Kinikilig ako, pero hindi nagka-amnesia si unang landi. Pero sana kasi... Hahaha. Please vote and recommend this your friends. Ciao!"Tita, hayaan mo na lang kasi ang Venice na yun, whoever she is. Or better yet, mag-asawa ka na lang ng hindi ka na binu-bully ng babaeng iyon."
Maang na napatitig si Bianca sa mukha ng kausap na pamangkin, kasalukuyan silang nagbi-video call dahil hindi daw ito makakauwi para bisitahin siya. Tinawagan kasi niya itong umuwi over weekends dahil namimiss na niya ito. Subalit hindi daw ito pwede umuwi dahil medyo busy ito sa trabaho. That she understands, nagtrabaho din siya sa isang kompanya noon bago niya napagpasyahang balikan ang first love, ang pagsusulat.
"Hoy Krishna, asawa? Ano ba yang pinagsasabi mo? Porke't malaki ka na at hindi mo na ako kailangan ipagtutulakan mo na akong mag-asawa?"
Krishna rolled her eyes. She simply looked like her older sister when she do that. Kopyang kopya nito ang mukha at ugali ng kanyang ate Beatriz.
"Ang sinasabi ko lang ay tumatanda ka na, tita. Gusto mo bang dalhin namin ni Trey habang buhay ang guilt na hindi ka nakapag-asawa ng dahil sa amin?"
Napailing nalang si Bianca sa sinabi ng anak-anakan. When the twins are in their teen years, masyadong gahaman ang mga ito sa atensyon, to the point na itinataboy pa ng mga ito ang mga manliligaw niya. Hindi naman niya ininda ang ugaling iyon ng kambal dahil natural lang sa edad ng mga ito noon na maging atensyon seeker. Bukod pa sa hirap ng pag-cope up ng mga ito sa pagkawala ng nanay. She devoted her time in raising them. Lahat ng manliligaw niya noon ay umuwing luhaan.
"Ikaw na lang kaya ang mag-asawa, Krishna? Nasa edad ka na rin, ng may apo na akong aalagaan?"
"Tita! You're so impossible! I'm only 22, ipapamigay mo na ako? Hay naku, ako na lang ang maghahanap ng date para sayo. May mga matatandang binata dito sa company, may mga good looking naman, I'll set a blind date for you, is that okey with you?'"
"I'm not a charity case, Krishna, drop the topic. What I need is you to come home one of these days okey? Isang buwan ka ng hindi nakakuwi dito sa atin. Si Trey nga kakagaling lang dito kahapon."
"Awww... sorry tita, di na bale, papasalubungan na lang kita. Gusto mo ng crochet set?"
"Huh? What's with crochet?"
"Para hindi ka mabore, spinster starter pack list number 1." Sinundan pa iyon nito ng bungisngis.
Nanlaki ang mga mata ni Bianca ng marealize kung ano ang pino-point out ng pamangkin.
"Ang batang ito, how dare you to make fun of me! Makikita mo pag umuwi ka dito."
Mukhang gusto pang makisali ng pamangkin niya sa bandwagon ng mga taong gusto na siya ipalagay sa tahimik. Na as if naman na madali lang iyon gawin. Well, hindi naman siguro masyadong mahirap but it is just that hindi iyon parte ng daily basic necessity niya. Hindi naman siguro siya ipapatapon sa Mars sakali mang umabot siya ng kuwarenta and still single.
"So hindi na muna ako uuwi? Go na ako tita, tapos na ang break time, ciao!" maya maya pa ay nawala na ang mukha ng pamangkin niya sa cellphone screen.
She sighed again. Namimiss na niya nag batang iyon. Hindi na naman ito makakauwi. Tiningnan niya nag oras sa kanyang wristwatch, maaga pa naman, kung hindi ito makakauwi, siya na lang ang pupunta dito. Iso-sorpresa niya ito.
.......................
Muling dumako ang tingin ni Bianca sa wall clock ng sala sa apartment ni Krishna, it says quarter to 9. Kanina pa siya paroo't parito sa maliit na sala subalit walang Krishna na dumarating. Nakapasok siya doon dahil may susi siya niyon, pinagawaan siya ni Krishna para daw kapag pumunta siya doon ay hindi na siya maghihintay pa na dumating ito para makapasok lang. Kanina pa niya ito tinatawagan subalit operator lang ang sumasagot. Alam niyang 9-5 ang office hours ng pamangkin kaya't hindi niya maiwasang mag-alala na wala pa ito sa bahay nito sa mga oras na iyon. Impossibleng na traffic. Tapos na ang rush hour. Posibleng gumimik, o may party na dinaluhan, subalit bakit nakapatay ang phone? And what's bothering her so much is that hindi niya ito matawagan. Kung ano ano na namang worst case scenarios ang pumapasok sa isip niya.
BINABASA MO ANG
30 Days with You (Completed)
RomansaBianca and Trevor met and fall in love in college. Subalit dahil sa hindi inaasahan ay nakipaghiwalay si Bianca sa kasintahan - where Trevor got on an accident the night after they broke up. Nagka-amnesia si Trevor, hindi na maalala si Bianca. But h...