Matapos ang pitong taon nila na magkasintahan ay tsaka na naisipan magpakasal nina Lheica at John. Pareho na silang nasa wastong edad at pareho silang tanggap sa kanikanilang pamilya. Kaya nang sila ay ikasal, wala na silang nakasagupang hadlang sa kanilang pag iisang dibdib. Nang magkasakit ang ina ni Lheica, nakita ni John ang pangangailangan para umakyat na ng barko kahit na kakakasal pa lamang nila. Hindi naman tumutol ang asawa niya.Masaya si John na sa pangwalong buwan nilang mag-asawa ni Lheica ay tila hindi napapatid ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Kakabalik niya lang muli mula sa anim na buwan na pagbabarko. Dalawang buwan na siyang nananatili sa Maynila. Akala niya ay manlalamig sa kanya ang asawa.
Gayunpaman, isang bagay ang bumabagabag kay John dahil kagagaling niya lang sa doctor. Nalulungkot siya at natatakot sa magiging reaksyon ng asawa ngunit ay nilakasan niya ang loob niya na sabihin ang kanyang nalalaman rito.
"Love, may sasabihin ako sayo," sabay na bigkas nila habang magkatabi sila sa kama.
"Ano yon, Love?" tanong ni Lheica sa kanya. Kinukob siya ng takot kaya ngumiti na lamang siya at pinauna na ito.
" Ikaw na muna, love."
"Sige," masayang pagpayag nito. Nakita niya ang sabik na mata ng asawa at di maikubling ngiti sa mga labi nito. "Buntis ako, love. Magiging daddy ka na! Magtu-two months na si baby!"
Niyakap siya ng asawa niya sa sobrang saya nito. Lalo siyang natakot na sabihin ang totoo rito. Na hindi na niya makakasama ito ang baby na dinadala nito. Gumanti siya ng yakap sa asawa niyang mapagmahal.
"Ano nga palang sasabihin mo, love?" Tanong ng mapagmahal niyang asawa. Ng napakamapagmahal niyang asawa.
"'Wag kang mabibigla, Love, ha?"
Rumihistro ang pagkabahala sa mata ng kanyang mapagmahal na asawa nang tumulo ang luha niya. Tumango naman ang mapagmahal niyang asawa bago siya haplusin sa likuran dahil umiiyak pa din siya."Love, anong problema?" Tanong ng mapagmahal niyang asawa.
"...Baog ako, love," tugon niya sa mapagmahal niyang asawa na nagmahal na ng iba habang wala siya.

BINABASA MO ANG
Sweet and Bitter One Shots
Teen FictionSweet things: Edible/not edible, Addicting, Memorable. Bitter Things: Heart breaks, memories. One shot Story.