Simula

84.7K 2K 781
                                    


                                                                   SIMULA

"Ang isang  pangit na katulad mo ay dapat mahilig din sa mga pangit na bagay! Isa kang weird na bata! Mas mukha ka pang multo kesa sa bata eh. Hindi bagay sa iyo ang magandang manika! Dapat mga nakakatakot na bagay!!"

Iyan ang sabi sa akin ni mommy, umiiyak ako dahil sinira nya manika na ibinigay sa akin ni yaya. Hindi daw bagay sa akin ang ganitong manika dahil pangit ako.

Marami na syang masasakit na salitang sinabi sa akin at pinagmamalupitan nya rin ako na hindi ko alam kung bakit sya nagagalit sakin. Iniwan daw sya ni Daddy at nangbabae daw ito, ano naman ang kasalanan ko sa nangyari?

"Lumayas ka nga sa harapan ko!!! Layas!!! " pag tataboy sa akin ni mommy kaya agad akong umalis at nagtungo sa aking kuwarto.

Umiiyak ako sa isang sulok sa madilim kong kuwarto ,hindi ako takot sa dilim dahil pakiramdam ko itinatago ng dilim ang isang pangit na katulad ko sa mga taong humuhusga sa akin.

Imbes na magagandang manika, puro laruang bungo, mga nakakatakot na maskara at mga manikin  na kita ang iba't ibang parte ng organs ng tao ang ibinibigay sakin ni mommy.

Ilang taon pa ang nakalipas ay binawian ng buhay si mommy sa sakit sa puso, sa akin nya iniwan ang mga kayamanan at ariarian nya dahil ako lang naman ang nag-iisang kamag anak nya.

Simula pagkabata ay nabuhay ako sa kadiliman, minsang lang ako lumabas ng bahay namin dahil natatakot ang mga tao sa akin at tanging ang yaya ko lang  at ang kaibigan kong si Rico ang nagsilbing pamilya ko.

Hindi nila ako iniwan kahit marami ang may ayaw sa akin dahil mukha daw akong sadako. Kaya kahit papano ay masaya akong malaman na naririto sila para sa akin.

Naging hobby ko na ang pangongolekta ng nakaktakot na bagay tulad ng mga bungo,horror movies, at iba't ibang pang Halloween na mga bagay. Marami akong manikin na nakakatakot, sila ang naging kaibigan ko bukod kay Roki at Yaya.

Marahil totoo nga ang sinabi ni mommy na isa akong weird na babae, walang magkakagusto sa isang tulad ko. Kaya habang lumalaki ako ay unti unti ko ng nakakasanayan ang pagigung mahilig sa nakakatakot na bagay at ang pagtatago sa dilim.

Hindi ko narin pinagpatuloy ang pag-aaral dahil kahit hindi na ako magtrabaho ay malaki naman ang iniwang pamana sa akin ni mommy na hindi naman agad mauubos kahit nasa early 70's na ako ng aking edad.

Pero kahit ganun ay hindi parin ako iniwan nila yaya dahil nag-aalala wila sa akin dahil wala ng mag-aalaga sa akin kaya kada linggo ay bumibisita sila sa akin  at madalas ay kasama ko si Roki sa simple at luma pero nakakatakot kong bahay na dinadaanan pa ng nagliliparan pang paniki tuwing hapon.

Ngayon isa na akong ganap na dalaga,pero heto at nakakatakot parin ang itsura at postura ko. Walang pinagbago maliban nalang sa mas lalo akong pumuti at humaba ang itim na itim kong buhok na may bangs hanggang ilong ko na tumatakip sa mata ko.

Mas lumaki at bumigat narin ang aking dibdib at nagkaroon ng kurba ang aking katawan kahit na narito lamang ako sa bahay. Pero ganun parin ang panananmit ko. Lagi akong  nakasuot ng puting bestida hangang talampakan ko, at mas dumami rin ang koleksyon ko na bungo na laruan o display,ito kasi ang pinaka paborito kong .

Dahil para sa akin,BUNGO IS LIFE!! 💀😏

Heaven's POV

Naririto kami sa isang bar na pagmamay ari ng pamilya namin,kumpleto kaming magkakapatid dito maliban nalang sa mga mas nakakabatang kapatid namin.

Si Beast tahimik na umiinom, yung kambal na sina Cronux at Cronus nagsi-share sa isang babae at nakikipagflirt dito, si Zane ayun may kasapakang costumer na takot awatin ng mga guard at ibang tao. Si Lightning naglalaro ng ML sa cellphone nya.

Dahil masyado na akong nabobored ay tumayo na ako,narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng mga kapatid ko pero sumenyas ako sa kanila na aalis na ako.

Hindi pa man ako nakakalabas ay hinarang na ako ng isang babaeng may makapal na make up sa mukha. Pasimple pa nyang ipinapakita ang dibdib nya kaya lihim akong napairap.

"Umm Heaven alam ko na bobored kana kanina pa kaya heto oh
um-order  pa ako ng Blue Berry Cake para sa iyo,heto tanggapin mo" malanding sabi nya at iniabot sa akin yung cake na mao-order sa isang restaurant sa kabilang kanto nitong  malapit dito sa bar.

Kinuha ko ang cake  habang malamig na  nakatingin sa kanya, napangiti sya sa ginawa ko at narinig ko namang nagpalakpakan ang mga kasama rin yata nyang mukhang pokpok sa suot ng mga ito.

"Heaven baka gusto mong pumunta sa place ko  you know para naman mas magkakilala pa tayo at mapaligaya ki-"

Hindi nito naituloy ang kanyang sasabihin dahil inihampas ko sa mukha nya yung cake na binigay nya sa akin. Narinig ko na nagtawanan  ang mga kapatid ko na nanonood pala sa amin.

Hindi ko sila pinansin at naglakad na lang ko paalis, binangga ko rin ang mga alipores nung babae kaya natumba ang mga ito sa sahig, lahat ng taong nakakaslubong ko ay agarang tumatabi. Takot na mapagbuntungan ko ng inis.

Nakakasawa ng palagi kang hinahabol ng mga babae,siguro nga mas makakabuti kung ikasal na ako.  Tutal nasa right age na ako.

Biglang sumagi sa isip ko ang babae na kinahuhumalingan ko , napangisi ako ng maisip ko na baka ito na ang panahon na hanapin ko sya. Sya lang ang babaeng gusto kong pakasalan at wala ng iba

"It's time my future wife..."

Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon