chapter 23

47 3 0
                                    


Mj's POV

I cleared my throat before I start to tell her the story about what happened 3years ago.

"Umalis ako noon sa amin dahil pinipilit ako ni Dad na humawak ng isa sa negosyo niya,pero honestly Hindi ko talaga gusto ang trabahong iyon dati. Masidhi ang hangarin Kong maging isang piloto but they strongly disagreed about my decision.
Masyadong delikado daw ang trabahong iyon,pero naging sarado na ang isipan ko.

So when Dad told me that I'm such a disappointment masyado akong nagdamdam kaya't nilisan ko ang poder nila ng walang wala ako. Tanging kotse ko lang ang dala ko at konting bihisan noon.

Ipinangako ko sa sarili ko na magtatagumpay ako in my own way  and without their money.
Kahit Hindi ko na matupad ang pangarap ko at least maipakita ko Kay dad na may paninindigan ako na kaya Kong bigyan ng kabuluhan ang pangalan ko without him.

That night ay pangatlong araw na ng pagbibiyahe ko mula sa amin, pupunta ako sa kaisa-isang kaibigan ko na alam Kong mapagkakatiwalaan ko at Hindi ako basta bibitawan.

He's Arnold.

pagod na pagod na ako noon at nagugutom narin, pero wala na akong pera dahil naubos ko na ng panggasolina.

That time ay nakita kitang nakahandusay sa daan na walang malay. Hindi kita kilala pero nang makita ko ang mukha mo Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil labis akong nag-alala kaya't agad kitang dinala sa hospital.

Nang magkausap kami ng Dad mo inalok niya ako ng pera para sa kabayaran ng pagligtas ko sayo.
Kung tutuusin kailangang kailangan ko na ng pera ng panahong iyon but I refused to accept it dahil Hindi iyon ang dahilan kaya kita tinulungan.

So he asked me kung may kilala daw ba akong pwedeng maging bodyguard mo. Naisip Kong bakit pa ako maghanap eh kailangan ko nga ng trabaho para makaraos. Kaya't nagprisinta akong ako nalang ang gagawa ng trabahong iyon nang sa gayon may magagamit akong puhunan kung magkasweldo ako.

Nang malaman ng Dad mo ang surname ko ay nag alangan siya dahil matalik pala niyang kaibigan ang Dad ko at kilala niya ang tunay na katayuan namin sa buhay.

He even told me that he can give me a better job on his company but I still refused it,naisip Kong maraming makakakilala sa akin kung doon ako magtrabaho.

So he decided to accept me to be your bodyguard for my own sake.

Balak ko na sanang ipagtapat sayo noon ang tunay Kong pagkatao pero Hindi ko namalayang lumalim na pala ang nararamdaman ko sayo mula nong una kitang makita.
So I decided not telling you about it and my feelings on you dahil gusto Kong ayusin muna ang buhay ko para maging karapat-dapat ako sayo."

Mahabang kwento ko sa kanya .

Napasinghot siya ng huminto ako sa pagsasalita,Hindi ko namalayang umiiyak na pala siya!

"Pero bakit Hindi ka dumalo sa graduation ko?alam mo I'm expecting you to be my special guest at that time,nang Hindi kita makita sa graduation ceremony ay nagmadali akong umuwi dahil buong akala ko ay nandoon kalang at hinihintay ako. Excited pa naman akong marinig ang pagbati mo sa akin."

May hinanakit sa tono niya habang humihikbi.

"Sorry... Hindi ko alam..."

Masuyong itinaas ko ang baba niya at pinahid ko ang luhang namamalisbis sa pisngi niya.

"Hinanap kita kung saan saan umaasa ako na nagbibiro kalang at nagtatago lang sa isang sulok,but I really disappointed when at last I didn't found you at naglaho kanalang na parang bula."

"Pumunta ako sa graduation mo pero Hindi na ako nagpakita sayo."

"Really? Pero bakit? Alam mo bang halos mabaliw ako sa kakaisip at kakaasang magdodoorbell ka at bumalik ka?"

"Hindi ako nagpakita sayo kasi kung kinausap pa kita Hindi na ako makakaalis....
Kung alam mo lang kung gaano kahirap na lumayo sa taong pinakamamahal mo ..."

Biglang nagsikip ang dibdib ko nang maalala ang pangyayaring iyon.

Pero pilit kong hinamig ang sarili ko,Hindi ako maaring maging mahina sa harap niya.

Nagulat pa ako ng biglang umaliwalas ang mukha niya.

"Thank so much Mj..!"

"H-ha for what?"

Maang Kong tanong.

"For loving me as what I am...sa kabila ng pagsusungit at pangmamaltrato ko sayo Hindi ka sumuko..."

Nakangiti niyang wika.

Oh god..ang ngiti talaga niya ang kahinaan ko...

Kaya't napangiti narin ako.

"Ano bang magagawa ko mahal kita eh..."

Pinindot ko pa ang tungki ng ilong niya nakakagigil kasi eh..

*SL WORKS*

THANK YOU!

My Prince Butler ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon