[Bonus] See You Through My Eyes Part 1

928 11 0
                                    

[A/N: Kailangan muna basahin ang OS#1 See You Through My Eyes bago itong Bonus Story]


Sabi nga nila 'pahalagaan ang buhay dahil hindi mo alam kung kailan darating ang araw na mawawala ka' - para sakin balewala na ito dahil alam ko kung kailan ang huling hininga ko sa mundong kinatatayuan ko.


"Dylan! Umayos ka nga! Kailangan mong inumin ang gamot mo!" sigaw sakin ng Mama kong hindi ko alam kung totoo bang nag-aalala siya sakin o napipilitan lang dahil sa sakit na dinadala ko simula noong pinanganak niya ako at namana ko ito sa Lolo ko.


"Opo" matipid lang na sagot ko sakanya at saka ko siya tinalikuran gamit ang wheelchair na pina andar ko na papunta sa balkonahe ng kwarto ko.


Sanay na ang pamilya ko sa ugali ko simula noong hindi ko na kaya tumayo gamit ang dalawang paa ko. Gusto nila ako bigyan ng saklay pero inayawan ko yon dahil ayokong gumamit ng ganong bagay, mas komportable na ako sa de makinang wheelchair na meron ako na lalo akong nagmukhang mahina.


Payat. Malamya. Maputla. - eto ako ngayon, malayo sa mga salitang masayahin, makisig at magandang lalaki na nakasanayan ko noong nag aaral pa ako. Isama mo pa ang mayabang sa mga mata ng madaming taong ayaw at ilag sakin.

Wala na din akong pake alam doon dahil madaming buwan na din ang lumipas sa akin at hinihintay ko nalang ang araw na pinaka hinihintay ko....ang malagutan na ako ng hininga.



Kinabukasan


Dali dali kong pinindot ang emergency button na nakapatong sa side table ko dahil sa naninikip ang dibdib ko at hindi na ako makahinga. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa.


Wala pa sa limang segundo ay dumating na si Papa at Mama kasama ang personal nurse ko at nagmadali silang ilagay sakin ang kinaiinisan kong bagay na tumutulong sakin para makahinga ng maluwag.


Nakita kong lumuluha na si Mama at lalo akong nanghina sa mga pinapakita niya sakin habang si Papa ay tumutulong sa nurse sa pag aasikaso sakin. Sadyang bato lang ang puso ko sa Mama ko at ngayon ko lang napagtanto na nag aalala talaga siya para sakin.


"Madam, kailangan na po talaga ni Dylan na manatili nalang sa hospital. Nasabi naman po sa inyo to ng doctor niya. Mas makakabuti pong doon nalang natin siya alagaan" sabi ng nurse kay Mama na nasa tabi ko na.

"Lailin alam mo namang ayo—" / "Ipahanda mo na si Manong at sina Manang na ihanda na ang mga gamit ni Dylan, Melanie" pagpuputol ng Papa ko kay Mama.

Siguro kailangan na simulan ni Mama na tanggapin niya kung anong meron akong sakit para madali nalang sakanya na tanggapin din yon kapag iniwan ko na sila.


Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Mama na hudyat na yon para sumang ayon na din siya sa desisyon ni Papa.



Hospital


Nagbabasa ako ng librong binigay sakin ng nag iisa at bunso kong kapatid na babae. Gusto niya daw na bago ako sumama sa itaas ay dapat ko muna daw to mabasa. Ewan ko ba kung anong klaseng libro to, halatang pambata o teenager ang nagbabasa dahil sa summary story na nabasa ko sa likod ng libro.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon