I'll be there(one shot)

446 15 8
                                    

I'll Be There (One Shot)

(c) SayItBetterOnline

_August 16,2014_

Tumingin ako sa magandang tanawin sa harap ko habang nakaupo sa damuhan kasama siya.

Tinignan ko siya at ngumiti.

Naalala ko naman ang una naming pagkikita at sa tuwing dumadating siya sa problema ko... Kahit gaano pa mang kaliit yun.

Yung iba nga, walang sense pa.

Natawa nalang ako at tumingin sa ulap.

Masaya ako sa tuwing kasama ko siya... Naalala ko nanaman ang panahong unang kami nagkita.

'I'll be there.'

~***~

"Uwahh!" Iyak ko. Nandito ako ngayon sa likuran ng college namin, dito sa may likod ng gym. Wala kasing tao ngayon at maaga pa din kaya umiyak ako dito.

Kung pwede lang sana gumulong dito dahil sa sakit na naramdaman ko, ay sana ginawa ko na.

Bigla nalang ako napatigil nung may nakita akong panyo sa harapan ko.

May Momo?

Tinanggap ko nalang iyon atsaka tumingin sa kanya para humingi ng salamat.

"S-salamat."

Ngumiti lang siya at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka umiiyak?"

"Ha?! Paano mo nalaman?!"

Tumawa siya nang napakalakas at sumandal sa pader.

"Hahaha! Malamang narinig ko, ang lakas kaya ng iyak mo!" Natatawa niyang sabi. "Atsaka, namumugto ang mata mo, para kang namatayan!"

Nalungkot ako bigla dahil sa sinabi niya.

Nagsisimula nanaman akong umiyak kaya ginamit ko ang panyo niya. Humagulgol na talaga ako. N-namatayan nga!

"O-oy. So, namatayan ka nga?!" Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya, naalala ko nanaman! "S-sorry! Di ko sinasadya! Hmm. Condolence?"

C-condolence?

Uwahhh! Bakit condolence, huhuhu. Anong ibig sabihin nun!

"Huwag kanang umiyak, p-pwede mo naman sabihin sa akin eh." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"T-talaga? May pagkabrutal ako kung nagsasabi ng nararamdaman?" Sabi ko sa kanya.

Nagulat naman siya. "Ha? I mean... 'Kay lang yun!"

Huminga muna ako ng malalim at sinimulan siya sapakin.

"Uwah! Namatay ang bestfriend ko! Huhuhu! Namatay siya!" Iyak ko at binatukan siya.

"A-aray!"

"Uwah! Wala na akong bestfriend!" Sinapak ko siya ng isa pang beses.

"T-teka.. Aray!"

Hanggang sa pagkatapos ko sa pagkwento sa kanya ay tumigil na ako.

Ang sarap ng pakiramdam!

"Feeling ko, naharass ako ah! Sakit!" Sabi niya. "Bugbog sirado talaga ako!"

"Eh, sabi ko nga sayo diba! Brutal ako!"

"Oo na, brutal ka na." Sarcastic niyang saad. Tumawa ako. "Oh, buti at tumawa ka na?"

Nagsimula naman ako umiyak. "Huhuhu. Ang bestfriend kong si Chuchu."

I'll be there (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon