Ito na ang isa sa isang daang tulang isusulat ko para sayo
Aking uubusin ang mga salitang matyagang nagtatago,
Mga salitang natatakot na mawala mula sa aking puso,
Mga salita na sana'y nagkaroon ng boses nung ika'y nandirito,
Mga salita na magiging tula na lamang para sayo.
Magsisimula ako sa pinakaumpisa
Kung saan ako'y iyong inaruga nung musmus pa
Kung saan ika'y naging kalaro, kaibigan, yaya, at ama
Kung saan pinangako mong kailanman hindi ako mag-iisa.
"Hindi ka nag-iisa' ay isang simpleng pangungusap
Na kung sayo magmumula, parang nasa alapaap
Para bang abot na abot ang mga pangarap
Ngunit hindi na muling maririnig kaya lahat ay nagiging mailap.
Ama, sana ang mga talatang ito'y paliparin ng hangin
Dumating sana sa iyo ang aking mga dalangin
Marining mo na rin tulad ng dati ang mga hinaing
At sa pangalawang buhay, ikaw pa rin ang ama, aking hiling

BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay Ama
PoetryAgosto taong 2015 nang mawala ang aking ama. Mula noon, nagsimula akong magsulat ng tula para sa kanya. Ngunit habang tumatagal hindi kinakaya ng aking mga kamay ang mga saita at tugma na sinisigaw ng puso. Kaya susubukan kong ipagpatuloy ang mga...