Lily Jamira Mondejar
Mabuti na lang at walang Press pagdating namin ni Zyrus sa condo unit niya. Wala kaming imikan. Nakahinto lang kami rito sa parking area. Ang awkward din naman kasi.
"Sorry... dahil sa 'kin, nagka-issue ka tuloy. Nadamay ka."
He just sighed. He seems so problematic. "No worries. And actually, I want you to be with me."
Hayan na naman ang puso ko, syet! Why are his words always the ones that make my heart beat so fast?
"Why do you want me to be with you, Mr. Vlodz? Nilalandi mo ba 'ko?" He chuckled. Ewan ko mukhang tanga yata ako sa tanong na 'yon.
"I don't need to do that. You already own me. And I'm just waiting to own you, too."
Napanganga ako. Hindi pala niya ako nilalandi niyan, ha?! Mr. Vlodz, konti na lang at gusto na kita landiin pabalik. "Ang weird mo. Ako minsan, 'di ko alam kung kikilabutan ako o ano. Tara na nga."
Bumaba na siya ng kotse upang pagbuksan ako ng pinto saka niya ako inalalayang makababa ng sasakyan.
Whenever I was with him, I felt like a Queen. And a noble feeling swirled inside me with that thought. Hindi ko na lang iniisip na step brother siya ni Ace. Wala na akong pake sa kanya.
Nako po, kumusta na kaya si Chandrix? Baka masabunutan pa ako n'on kasi inuna ko pa ito kaysa sa kanya.
Baka ma-friendship-over kami. Pero hindi ko talaga akalain na buntis na si Chandrix? Alam na kaya iyon nila Tito Chard?
Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang floor ng unit niya. Wala kaming imikan habang tumataas na ang elevator. Pagkabukas ng elevator ay sabay kaming nagulat sa mga bumungad na Press sa 'min. Kaagad na pinindot ni Zyrus ang close button ng elevator.
"Shit!" bulong niya.
Pinindot niya ang pinakadulo na floor. Nakakainis naman ang mga paparazzi ngayon, para namang wala nang kalayaan ang mga artista. Buti na lang talaga hindi ako naging celebrity. Hindi lang ba makapaniwala ang showbiz industry na super ganda ng nali-link kay Zyrus?
At ako 'yon!
Pagkabukas ng elevator ay hinawakan niya ang kamay ko sabay hinila palabas at tumakbo. Lumiko kami at binuksan niya ang isang pinto. Bumungad sa amin ang isang hagdan.
"Papasanin kita para hindi mapagod ang mga paa mo." Tumalikod siya at yumukod nang konti. Nagtaka ako. Paano niya nalaman na bawal mapagod ang mga paa ko?
"Dali na," sabi niya.
Wala akong choice kundi sumakay sa likuran niya. Lihim lamang akong napapangiti kasi, ewan ko ba, kinikilig ako na natutuwa. Pagkapasan ko sa likuran niya ay umakyat na siya. Pagkalabas namin ay sinalubong ako ng napakaraming bituin sa kaulapan.
Nandito pala kami sa rooftop ng Grand Palanza Towers. Ibinaba na niya ako. Super caring niya talaga.
"May usual spot ako dito." Itinuro niya ang isang bench na nasa hindi kalayuan. At doon talaga ay tanaw na tanaw ang nagkukumpulang mga bituiin. Iba ang ningning nila ngayon at hindi ko alam kung dahil sa kasama ko si Zyrus, o ganoon na talaga ang kinang nila.
May naalala ako.
Si Zel.
Nagtutungo rin kami noon sa rooftop ng hospital upang mag-stargazing. Kung mayroon akong naaalalang tao dahil kay Zyrus ay si Zel 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/162003723-288-k522790.jpg)
BINABASA MO ANG
This Time She's Mine
RomanceLily Jamira Mondejar, the successful owner of The Lily's Lux Bar, struggles with the pain of a broken heart after the love of her life, Ace, left her three years ago. But when famous singer and actor Zyrus Denzel Vlodz walks into her bar and reignit...