Chapter 1: Ang Simula

5 0 0
                                    

Isang araw sa pangkaraniwang panahon ay mayroong mag-asawang nais magka-anak. Sila ang mag-asawang Lucita at Drofeo Dimurot. Pinuntahan ng mag-asawa lahat ng baryo, nanalangin araw araw sa diyos at sinubukan lahat ng ritwal upang sila ay magka-anak. Sa kasamaang palad pagkatapos ng kanilang mga pinagagawa ay di sila pinagkalooban ng isang anak. Tila nabalot ng lungkot ang mag-asawa dahil di pa sila nabibiyayaan ng isang anak. Kaya't minabuti ng mag-asawa na magbalik sa baryo ng Vergas. Hapong-hapo si Lucita ng makarating sila sa kanikang tahanan kung kaya't inalalayan siya ni Drofeo. Lumipas ang mga araw na hindi man lang dinatnan si Lucita ng galak at saya sa kanyang sarili dahil sa kalungkutang nadarama niya. Habang siya ay nakadungaw sa kanilang maliit na tahanan na gawa sa matibay na uri ng kahoy at ang kanilang bubungan ay yari sa pinagpatong-patong na dahon ng buko may mga babaeng dumaan sa harap niya, ang mga babaeng iyon ay sila Helga, Dorothea at Burga na walang ginawa kung di siraan, kutchain at gawan ng kwento ang lahat ng tao na nasa kanilang baryo nila palibhasa'y nakapangasawa ng mga Kano (Amerikano)Kung kaya't ganun na lamang sila kung umasta. "Oh Lucita! Kailan pa dadapuan ng sanggol ang iyong sinapupunan? Tila tatanda kang dalaga!" Sambit ni Helga kay Lucita. Hindi umimik si Lucita sa sinabi ni Helga at ginatungan pa ito ni Burga "Totoo nga siguro na mga baog ang mag-asawang ito kung kaya't di man lang magka-anak eh!" Sabay halakhak ng tatlo.

Sa pagkakataong iyon ay umimik na si Lucita. "Kung wala kayong magandang sasabihin marapat na siguro na magsi-alis na kayo rito, kayo lamang ay mga tagapasira ng araw ng mga tao rito!" Sambit ni Lucita. Nagtaasan ang mga kilay nila Helga, Dorothea at Burga sa galit nila sa sinabi ni Lucita. Nagsi-datingan ang mga tao at pinagtitinginan sila kaya't kumaripas sila ng takbo papa-uwi sa kanilang mga sariling tahanan upang di mapahiya pa lalo.

Si Lucita naman ay di pinansin ang mga taong nakamasid sa kanya. Mula sa malayo nakita ni Lucita na paparating na si Drofeo galing sa trabaho nito bilang tagapangalaga ng mga hayop ni Sr. Fernan na kilalang mayaman sa kanilang baryo. "Mahal tila nagkagulo rito at ang daming tao na nakatingin? May nangyari bang masama rito?" tanong ni Drofeo. Umupo si Drofeo sa silyang gawa sa nara habang hinihintay ang kasagutang hinihingi niya kay Lucita. "Wala naman mahal, pumarito lamang sila Helga at ang mga kasama niya." Sagot ni Lucita.
Kumunot ang noo ni Drofeo sa sinabi ni Lucita." Ang mga babaeng yun! Paniguradong may mga sinabi na naman ang mga iyon na hindi maganda!" Sambit ni Drofeo. Kinausap ni Lucita si Drofeo na huwag na lamang niya pansinin sila Helga dahil matagal na siyang sana'y sa pangungutya ng mga ito.

(Sa mundo ng Estrafus)

Sa mundo naman ng Estrafus kung saan naninirahan ang mga tao na may kakaibang kapangyarihan ay Mayroong reyna na nagsilang ng isang sanggol na babae. Si Reyna Vietris at ang kanyang asawa na si Haring Perilio ay labis na natuwa sa kanilang unang anak. Ang sanggol na iyon ay sadyang may angking kagandahan na tila magpapalambot sa puso ng mga kalalakihan sa kanyang paglaki. Ang kanyang mata ay kakulay ng isang metal na karaniwang ginagamit sa paggawa ng ispada at ang kaniyang bibig ay kakulay ng isang matinik na rosas na namana niya sa kaniyang inang reyna at ang kanya namang ilong ay hindi katangusan at ang kaniyang buhok ay itim, ngunit may mga kulay metal na hibla na namana naman niya sa kaniyang amang hari.

Nang siya ay isinilang labis na nagalit ang kapatid ni Reyna Vietris na si Prinsesa Vernon. "Dapat ng mawala ang sanggol na iyon dito sa palasyo! Hindi ako papayag na maagaw niya ang trono sa akin!" Sambit ni Vernon sa kaniyang unika-iha na si Demetris.
Isang gabi, Pinlano ni Vernon na paslangin ang sanggol na hindi pa napapangalanan. Gamit ang mahika na niya ginaya niya ang wangis ni Haring Perilio. Upang hindi siya mahuli na nagpapanggap isang engkantasyon ang kanyang pinakawalan. Engkantasyon na lubahang kay sama.

"DEMUNDO EL LITRATO DE HURI PERILIO"

Isang itim na usok ang lumabas mula sa silid ni Vernon at nagtungo ang usok na ito kay sa kinaroonan ni Haring Perilio.

Eliarthea at ang Ginintuang OrasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon