Chapter Three

5 0 0
                                    

Lannah.

Hinintay ko kung kailan magigising ang peste dahil kahit sumigaw ako ay hindi ito nagising kaya dahil hindi naman ako ganyan ka sama ay umupo ako sa katapat na bench.

Ilang minuto pa bago ko siya nakitang gumising at nagunat.

Napamura ako nung nakita ko na si Seon ito.

Siya pala yung nangulat sa akin?

Napatingin siya sa akin at kita ko yung pagkunot ng noo niya.

Aaminin ko na nakikita ko ang mga mukhang katulad sa kanya sa mga asianovelas lamang na nasa laptop ko. Gwapo na gwapo siya katulad ng kuya niya. Nung nakita ko siya sa malapitan napagtanto kong hindi sila twins dahil may uniqueness sa mukha nila na wala ang isa. Mukhang may angles lang na magkapareho sila but ngayon na silang dalawa ay nakita ko sa malapitan ay hindi naman sila magkamukha. May mga katangiang pisikal lang talaga sila na magkapareho.

"And you are here to talk about yesterday night, right?" Sabi niya kaya tumango na lang ako at tinignan ko ang galaw niya.

Isang bagay na napakabaliktad sa kuya niya ay ang galaw nilang dalawa.

Nakita ko siyang umupo na parang boss na nasa drama.

"Sinong naghatid sa akin sa kwarto? At bakit mo ako tinakot peste ka?" Tanong ko pero hininaan ko yung mura ko.

Bumuntong hininga siya at tumayo na parang aalis na kaya sumunod na lang ako sa kanya habang nakapamulsa siya.

"Huwag kang mag-alala. Ang kuya mo ang naghatid sayo. " sabi niya at tumingin siya mula sa abaga niya sa akin at nakita ko na parang pagod palagi ang mga mata niya yung parang mamamatay na bukas. Timing na tumunog yung bell sa bulsa niya dahil humangin kaya bago pa ako makalakad ay malayo na ang nalakad niya mula sa akin.

Naaalala ko si Tomoe sa kanya na nasa pinanood ko na anime eh.

Hindi ko na siya nakita nung nasa parte na ako ng maraming estudyante.

Si kuya pala yung naghatid sa akin? Kaya pala may haha yung text niya. Bobo ba si kuya? Di man lang niya ako ginising eh.

Hindi ako dumiretsho sa dorm dahil feel ko ang boring na nung school life ko kung wala akong friends kaya umupo ako sa bench at tumingin sa mga estudyante sa paligid. Socializing huh?

"Hello!" Napatingin ako sa babaeng huminto sa harap ko at nakangiti ito at hindi ko matatangihang hindi ngumiti pabalik. There's just that charm in her smile that can make everyone smile too.

"Hi.." Sabi ko.

"I'm Tallie.. And by the way! Are you now okay? Nakita ko yesterday that someone was carrying you.." Sabi niya at inabot niya ang kamay niya sa akin para makipagshake hands kaya tinanggap ko naman yun.

"I'm Lan. Okay lang ako.. Mukhang na pagod lang ako kaya ganon.. Hehehe" Sabi ko at bigla siyang umupo sa tabi ko.

Ang ganda niya.. Yung parang inosenteng ganda.

Tumingin siya sa orasan niya at nagpaalam na siya.

"Uhm.. Mauna na ako hah? I'll talk to you again if magkita man tayo.. Busy sched eh.. Be well! Bye!" Sabi niya at tumakbo na.

Naglakad na din ako patungo sa dorm room ko. On my way ay nakita ko ang bulletin board at nakita ko na si Tallie pala ay ang vice president ng student council and si Leo yung President.

And may nakapaskil din na nakatop sa exam namin last month and nakita ko na si Tallie ang nangunguna. Ang galing naman pala niya!

"Hey, Lan." Nabigla ako nung biglang sumulpot si Leo sa gilid ko at ang lapit ng mukha niya sa akin habang kagat kagat niya ang isang ice pop na kulay red.

Maybe UsWhere stories live. Discover now