Chapter 2: Ang Buhay ni Eliarthea

5 0 0
                                    

Maliwanag ang buwan na tila ba kay payapa ng kalangitan. Ngunit, sa kabila nito ay ang alingawngaw ni Eliarthea.

Di magkamayaw ang kanyang mga magulang sa iyak niya sa dis oras ng gabi.

"Ungaa ungaaa...weheh..ungaa".

Napatingin si Drafeo kay Eliarthea, "napakapalad namin na nabiyayaan kami ng isang magandang anak."

Matapos painumin ng gatas si Eliarthea at napatulog na niya ito. Nahimbing na rin sa pagtulog si Drafeo.

(Makalipas ang pitong taon)

"Ina? Totoo ba ang mga diwata sa kakahuyan?" Tanong ni Eliarthea.

"Anak sabi ng lola ko, totoo daw sila at naninirahan sa ibang mundo." Wika ni Lucita.

"Ina? Makakapunta ba tayo doon sa kaharian nila?" Tanong ng makulit na si Eliarthea.

"Anak, ang mga tulad nilang engkantada lamang ang makararating sa mundong iyon" sambit ni Lucita.

Patuloy pa rin ang pangungulit ni Eliarthea sa kaniyang ina, hanggang dumating ang dapithapon ay dumating si Drafeo dala ang isang supot.

"Anak? Balita ko kinulit mo na naman ang iyong ina tungkol sa mga enkantada sa kakahuyan?" Tanong ni Drafeo.

"Saan mo naman nalaman yun mahal?" Tanong ni Lucita.

"Sabi ni nanay Melchang, ahh anak may regalo ako sayo dahil bukas birthday mo na diba?Ano bang date yun anak?" Sambit ni Drafeo.

"Ama, maraming salamat nag-abala pa ho kayo, dapat ipinambili niyo na lang yan ng pagkain, para nabusog ako...Ama..ahmmm October 21,2001" sambit ni Eliarthea na may malaking ngiti.

"Anak, ang takaw mo talaga at ang bait-bait mo pa" sambit ni Drafeo.

"O siya! Tama na yan magsikain na tayo, may inihanda akong lechong manok, dali baka unahan tayo ng mga pusang gala!" Sambit ni Lucita.

Kumain sila ng masaya, nang matapos sila binuksan ni Eliarthea ang supot na regalo sa kanya ng kaniyang ama. Laking gulat niya ng makita niya ang isang kwintas na maaaring buksan ang pendant.

At nakita ni Eliarthea ang litrato nila ng buong pamilya. Isinuot ito ni Eliarthea at kahit kailan hindi niya ito hinubad pa.

(Sa mundo ng Estrofus)

Naging malungkot ang kaharian ng mahabang panahon, kung kaya't napagpasiyahan ni Reyna Vietris na italaga si Demetris anak ni Vernon na maging bagong tagapagmana at tagapamahala ng kaharian.

Matapos gawin iyon ng Reyna, nagtungo siya sa himpilan ng mga tagapangalaga upang bisitahin ang punong hukom ng majika na si Revenum.

Si Revenum ay naitalaga bilang punong hukom ng majika noong 1800 at hanggang ngayon siya pa rin, dahil sa angking talino at lawak ng pag-unawa sa mga bagay-bagay sa paligid.
Ang hitsura ni Revenum ay sadyang napakatanda ,ngunit maliksi na tila siya ay bente anyos pa lamang.

Nang iwan ni Vietris kay Demetris ang kaharian. Naging buhay nga ito, ngunit puno ng pagdurusa at kaharasan.

Sa sobrang sama ni Demetris, maging ang mga matatandang dapat ay namamahinga na ay pinagbubuhat pa ng malalaking bloke ng bato upang maitayo ang kanyang statwa. Pati ang mga bata ay pinag-aararo ng sakahan at sa oras na sinuway nila ito hahambalusin sila ng buntot ng pagi. Nais man lumaban ng iba dahil sa kasamaan ni Demetris, hindi nila magawa dahil inilagay sa batas ng kaharian na sa oras na gumamit sila ng majika laban sa Reyna, ay mapupugutan sila ng ulo.

Namuhay sa takot ang mga mamamayan ng Estrofus, hanggang isang araw dumating si Rovious sa kaharian.

"Mahal na Reyna Demetris, magandang umaga" bati ni Rovious.

Eliarthea at ang Ginintuang OrasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon