Amanda's POV galing ako sa trabaho ko nag lalakad ako ngayon dito sa village Na tinitirhan ko papunta sa aking apartment ng mapadaan ako sa isang bahay ang daming tao Di ko sila kilala lahat bago lang kase ako dito sa village na to yung dating village kase na tinitirhan ko masyadong delikado madaming namamatay dun mapa bata,matanda,babae o lalake man namamatay kung Di wakwak ang muka ei tadtad ng saksak ang mga namamatay kaya napag desisyonan ko na umalis nalang doon kase halos Buwan buwan May na mamatay kaya lumipat ako dito sa village na to...sakto habang nag lalakad ako May nasalubong akong babaeng mga nasa 40 pataas ang edad kaya napag desisyonan kong tanungin ito.. "Ate Ate ano pong meron?" Tanong ko dito "May namatay kaseng dalaga doon grabe tadtad ng saksak ang katawan At halos Mawasak na ang tiyan" sagot Nito na agad namang nag patayo ng balahibo ko.. Di na ako nag dalawang isip na Lapitan ang dalaga na sinasabi ng matandang babae ... nilapitan ko ito nasa harap lang kase nag bahay nila ang bangkay ng dalaga mga ilang kanto lang ang layo mula sa apartment ko.... Pag kita ko palang sa bangkay parang masusuka ako na ewan talaga ngang kawawa ang lagay nito halos Di na sya makilala mga nasa 17-18 lang ang edad ng dalaga... nakita ko din ang mga magulang nya ata na iyak ng iyak... para akong nanlumo sa nakita ko Di ako nag tagal at aalis na sana kaso di ko mapigilan ang sarili ko na makinig sa usapan ng mga Tao.. "Sino kaya ang May gawa nyan kay Luna" "Nako napaka bait ng batang yan" "Oo nga ang talino pa" "Walang puso ang gumawa nyan sakanya" "Demonyo Kamo ang bait bait ng batang iyan grabe halang ang kaluluwa ng gumawa nyan" "Kawawang Luna napaka bata pa nya" "Wala ng ibang inisip ang batang yan Kundi ang pamilya nya ngayon wala na ang ka isa isang anak nila" "Kawawa naman ang mga magulang ni Luna" Di nako nakinig pa at umalis na sa kinatatayuan ko At agad na umuwi sa apartment ko at nag hilamos ng muka di parin mawala sa isipan ko yung nang yari sa dalaga ang daming magagandang salita ang narinig ko mula sa mga matatanda Kanina........kawawa naman ang pamilya nito....
sino kaya pumatay sakanya?halimaw ata pumatay sakanya grabe,napaisip ako at biglang nahilo hilong hilo,bigla akong bumagsak sa kama.
nanaginip ako na nasa tapat ako ng bahay nila luna,yung dalagang namatay,nakita ko din parang kamukha ko na pumasok sa bahay nila luna,may dalang matalim na kutsilyo.sinundan ko ang kamukha ko sa loob ng bahay nila luna hindi ko alam kung gagawin nito.
"AHHHHHHHHHHHHHH! AHHHHHHHHHHHHHHH! WAG PO WAG PO"tili ng isang dalaga
tumakbo ako papasok sa bahay nila luna at nakita kong nakahandusay sila luna at tadtad ng saksak.
nakita ko din ang kamukha ko na tinatadtad si luna ng saksak.
sumisigaw ako ngunit di ako marinig ng aking kamukha.
hinawakan ko ang aking kamukha at tinanggal ang kamay niya sa pagkasaksak kay luna.
bigla itong tumingin sa akin ng masama.
"CRINGGG CRINGGG CRINGGG" nagising ako bigla at hilong hilo parin.
bat ko kaya napanaginipan yun?
ako kaya ang pumatay kay luna?
END OF CHAPTER 1
Reproduction or usage of this literary piece in any form by any means is strictly prohibited without the permission of the Author.
CTTO OF THE PHOTO USED AS BOOK COVER
YOU ARE READING
KILLER SINCE 15* (The Undiscover Past)
Short StoryMeet Amanda the girl who has an innocent mind, Amanda just want a peaceful and happy life, but what if she discover something about her Past? will she survive? Or kill her self? Follow Amanda in her story about finding freedom and the untold story...