Sabrina | Ang isiping kailangan akong patayin ng lalaking mahal ko para lang maibalik ang katahimikan sa mga mundo ay para na ring pag-iisip ng isang magandang wakas ng magpakailanman. Kailangan kong lumayo sa kanya kung gusto kong mabuhay at kung gusto ko namang tulungan ang Regency para maibalik ang katahimikan ay kailangan kong hanapin si Emerson at sabihin sa kanyang kailangan niyang kitillin ang buhay na minsan niyang iniligtas. It's not his fault at all. Kasalanan ito ni Ergott. Dahil sa kagustuhan niyang makapaghiganti ay ginamit niya si Emerson para magawa ang plano niya. Para maisakatuparan ang lahat ng ito. Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ay si Emerson pa ang napili niya?
Paulit-ulit na nilatigo ni Martha ang buto't-balat kong katawan. Paulit-ulit niya rin akong sinugatan gamit ang iba't-ibang klase ng mga patalim. Patuloy lang akong nakakaramdam ng sakit at hapdi ng mga sugat pero paulit-ulit lang din akong nagigising at ang salitang "KAMATAYAN" ay malayo na sa'king bokubolaryo. Araw-araw patuloy akong nananalangin na sana ay matapos na ang bangungot na ito at makahanap na ng paraan si Emerson. Pero sa pagdaan ng mga taon (or at least inakala kong taon) ay unti-unting nawala ang paniniwala ko sa lahat ng bagay maging ang pagmamahal at paniniwala sa Diyos.
Nakatali pa rin ako sa lubid sa gitna ng silid na iyon nang mamulat ang aking katawan. Lapnos-lapnos na ang balat ko at nang minsang masilayan ko ang sarili ko sa pilak na pinto ay hindi ko na makilala ang hubo't-hubad kong katawan. Wala akong nagawa kundi makisali sa mga iyak at pagtatangis ng mga iba pang kaluluwang nakakulong sa impyerno.
Malamig ang silid ngayon at tila nakakapaso na ito. Naisaisip ko na lang na isa na naman itong pagpapahirap na pinaplano ni Martha. Lalong lumakas ang ihip ng malamig na hangin sa malawak na silid pagkuwa'y biglang nagliyab ang apoy sa buong silid at para na naman akong iniihaw sa init. Nagsusumigaw akong muli ng tulong pero walang dumating.
Tanging si Martha lang. Tuwang-tuwa sa kalagayan ko. Hindi siya nasusunog sa apoy. Benepisyo na siguro iyon ng mga demonyo dito sa impyerno. Ang halakhak niya ay lalong lumakas habang papalapit siya sa'kin. Nakasuot siya ng itim na dress at ang anyo niya ay mas lalong nakakatakot dahil mas kita ko ngayon ang kabuuan ng kanyang balat na pulang-pula at mas lalong nanlilisik ang kanyang mga maiitim na mga mata. Ang dila niya ay patulis na animo ay mas lalong delikado kung pati ang laway niya ay isang sandata o masasabi ring lason.
"M...M...Martha, p-para mo n-nang awa... hirap na hirap na 'ko," muli kong tangis para sa kaunting simpatiya.
Tumigil siya sa kakahalakhak at tinaasan ako ng kilay. "No mercy allowed, darling," mahina niyang sabi gamit ang kanyang matining na tinig.
"Pero Martha... alam mo naman siguro kung gaano kahirap para sa'kin 'to hindi ba? M-minsan din naman tayong naging m-magkaibigan."
Nag-iwas siya ng tingin sa'kin saka suminghal. "Kaibigan? Hindi tayo naging magkaibigan Sabrina. I just was in the picture because I have to make sure everything is all in place so don't say na naging kaibigan mo 'ko." Muli siyang humarap atsaka pinagdaop ang kanyang mga palad. Sa muling paghihiwalay ng mga ito ay naglabas naman siya ng maliit na patalim na hindi ko nakita kung saan nagmula. Alam kong gagamitin na naman niya ang mumunting patalim na iyon para sugatan ang kalunos-lunos kong katawan.
"Martha, please," muli kong habag sa kanya.
"Sorry, darling, hell policy."
Idinantay niya ang patalim sa pisngi ko at dahan-dahan niya akong ginilitan. Natiis ko ang sakit dahil kulang pa iyon para ilarawan ang tunay na sakit. Muli niya akong ginilitan sa may gitna ng noo ko pababa sa'king ilong. Tumulo ang dugo. Nagliyab ang paligid. Napansin ko ang pagtataka sa mga mata ni Martha na para bang may nangyayaring hindi maganda at masasabi kong hindi niya iyon nagugustuhan.
"Shit! Hindi ito maari!" pagsusumigaw niya.
Unti-unti ay nawawala na parang abo ang katawan ni Martha.Sinusubkan niyang gamitan ng itim na mahika pero hindi ito gumagana. Wala akong ideya sa nangyayari sa kanya pero mukhang mawawala na siya ng tuluyan dahil ang hawak niyang patalim ay nahulog na sa may sahig at wala na siyang kamay na pangpalulot dito. Napaluhod siya habang patuloy na nagsusumigaw. Kasabay ng matining niyang pagkahol ay siya din namang paglaki ng apoy sa silid na tumutupok sa'kin. Para kaming nasa isang konsyerto ni Martha na nagpapaligsahan kami ng pagsusumigaw. At sa muling pagkisap ng aking mga mata ay wala na ako sa impyerno. Nasa silid na ako ng bahay namin kasama ang mga magulang ko. At ang sumunod na naramdaman ko ay ang panunuyot ng aking lalamunan at alam kong mula rito ay ligtas na ako.
BINABASA MO ANG
When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]
Ciencia FicciónNailigtas ko ang buhay ng babaeng pinakamamahal ko na si Sabrina. Pero kapalit nito ay ang digmaan ng iba't-ibang mundo. At may nag-iisang solusyon para matapos ang lahat ng kaguluhan at iyon ay ang.... [The Final Book of WHEN SABRINA WENT MISSING] ...