"Kian!" Narinig kong sigaw ng isang babae habang patakbong lumalapit sakin.
"Kian!" Pahabol nitong sigaw. Nanatili lang ako sa puwesto ko hanggang sa makalapit na siya.
"Argh! Ang bobo mo!" Naiinis na wika nito. Mas lalo akong natawa dahil sa magkasalubong nitong kilay.
"Ako bobo?" Natatawang kong tanong sa kanya. She pouted her lips at binatukan ako bigla. Tsk. Brutal talaga kahit kaylan.
"Alangan namang ako diba?" Nakasimangot na saad nito.
"Uy, kunwari galit para lambingin ko ng lambingin." Pang-aalaska ko sa kanya. Asar niya akong tinignan at hinampas sa balikat.
'Aww... Pag dito ako nakasal mapapadali ang buhay ko.'
"Ano bang-"
"I love you Quinn Santos. Hountoni hountoni daisuki!"
"I... I hate you..." She blushed and looked away
***
"Isang hakbang pa. Isang hakbang na lang susukuan na kita!!! Isa pang hakbang tapos na tayong dalawa!" Bakla man tignan. I'm crying in front of her.
"I'm sorry... I'm sorry Kian..." Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Akala ko babalik na siya sakin. Akala ko titigil na siya sa paghakbang palayo pero muli niyakong tinalikuran.
"Pag huminto ka, ipaglalaban pa kita. Pag lumingon ka, magpapaturok ulit ako ng anesthesia..." Mahinang sambit ko habang nakatingin sa papalayo niyang likuran. Pero ni minsan hindi sya huminto. Ni minsan Hindi siya lumingon...
Siguro nga isa kaming tangent line. Pinagtagpo pero hindi itinadhana.

BINABASA MO ANG
SANA (ONE SHOT)
Short StoryAasa tayo sa napakadaming sana. Join this complicated story of his bestfriend-his secret lover.