A/N: Wooosnh! Uyy comment naman kayo guys ^ω^ and please don't forget to click the star below the end of this part. It would be a great help for me hihi thankie!
----------------------------------
Kunwari wala na lang talaga akong naririnig.
Nagsimula nang maglecture si sir and then after niyang magdiscuss is nagpa activity siya na by partner pa. Yung kapair daw namin is bale yung katabi na namin para hindi na daw magsialasan at magsitayuan sa kanya kanyang upuan.
So bale ang isang row dito ng upuan from left to right may apat lang na chairs. Napalingon ako sa kanan ko nang makita ang dalawa kong kaklase na nagsi-usugan na nang mga upuan para makalapit sa isat-isa. At ako naman napakamalas kasi paglingon ko ng kaliwa si Ruel pa!>_<
Hindi ako gumalaw na parang nastick na ako sa kinauupuan ko.
Nagulat na lang ako nang hatakin ng lalaking yon ang upuan ko at alam kong very light lang ang weight ko kasi hindi naman ako katabaan pss. tama lang naman. Masyadong malakas ang pagkakahigit niya sa upuan ko dahilan para magkaharap na kami ngayon at mapagitnaan ng dalawa niyang hita ang akin na tiklop na tiklop dahil alam kong nakapalda lang ako. What the heck krass! I mean ex crush! Pinapafall mo ba ako?
" Antagal mo eh matatapos na sila magsisimula pa lang tayo" smirk niya sakin matapos tingnan ang mga kaklase namin na busy sa kanya kanya nilang papel.
Napalunok ako.
" A-ano ba? Di ka makapag a-antay? Lalapit lang naman ako kasi obvious naman na ikaw ang partner ko"
Tugon ko dito saka umusog ng konti paatras mula sa kanya at umiwas ng tingin sa mukha niya.Kinuha ko ang tablet paper sa bag ko.
" Hindi ako marunong mag antay eh kaya sana bayadan mo na rin utang mo" sumalumbaba ito na parang engot
"h-hoy ! Isalugar mo naman ang pani-ningil m-mo diyan! Ta-tapusin na natin to" wika ko sakanya habang nagsimula nang magsulat ng sagot namin para sa activity.
Shocks ang awkward ko sakanya eh! Kaya hindi na lang ako kumibo at ako na lang ang sumagot ng lahat ng katanungan sa activity naming yon.
Sabi ng prof namin kapag tapos na daw eh pwede nang umalis kaya after I finishing our work pumunta na agad ako sa unahan para iabot kay sir ang papel namin na ako lang naman ang nag effort na sumagot! Isinuot ko na ang bag ko para diretso na din kaagad labas.
Nakapagtataka lang ah. Paano ko naging kaklase si Ruel sa second period namin? Eh hindi ko naman siya napansin nung unang pasukan pa ah. Tsaka katatapos pa lang ng unang buwang ng first semester ah bat ganon?
Maybe bagsak siya sa isang teacher kaya mas pinili niya yung prof namin na yon? Or baka naman baliw na talaga siya at sinusundan niya ako sa utang ko sakanya? Tsss. This can't be. Nag assume ba ako? Or pinapaassume niya ako?
" Roxanne? May payong ka? " bungad sakin ni Loli. Hindi ko inaasahang uulan pala kasi kanina ang init init pa ng araw so I don't expect na ganito bubuhos ang ulan ngayon.
" Wala nga eh, pwedeng makisukob? " ani ko kay Loli na handa nang buksan ang payong.
" Sorry bes si Mark kasi walang payong eh sabay na daw siya sakin. S-sorry hehe" turo niya sa boyfriend niya na hindi ko napansin na nasa tabi niya pala kanina pa.
Ngumiti ako nang mapait.
" Asus okabels lang! Sige gora na kayo aantayin ko na lang na tumila ang ulan haha mauubos din naman yang tubig sa ulap na yan" tugon ko sakaniya habbang itinuturo ang langit na imposibleng tumila kaagad.

BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Jowang Jowa Na
Novela JuvenilNAGHAHANAP PO AKO NG BOYFRIEND halata naman sa title diba? -- These days mas marunong pang lumandi ang mga grade 7 students kaysa sa mga katulad ko! Dinaig pa nila akong nineteen years nang nag exist sa mundo wala pa ring fafa na humingi ng mga k...