Chapter 1

1 0 0
                                    

The Fantasy's Secret

Chapter 1

Nakangiwi akong bumangon habang mahigpit na nakahawak sa wrist ko. Kahit anong higpit nang hawak ang gawin ko ay hindi nito maalis ang hindi ko maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng kaliwang palad ko. Parang hinihigop nito ang lakas ko.

Napasigaw ako nang mas lalo itong sumakit. 'Di ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Pakiramdam ko nanunuot sa bawat parte ng katawan ko ang sakit. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napapikit nang mariin.

Pinilit kong tumayo kahit pa ramdam ko ang bigat ng bawat paghinga at ang panghihina ng katawan ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo nang mapaupo ako at sumigaw ulit. Sobrang sakit. Hindi ko kaya.

Pinilit ko pa ring tumayo at binuksan ang pinto. Tinapat ko sa faucet ang aking kamay at hinayaang umagos ang malamig na tubig sa palad ko. Unti unti ding nawala ang sakit. Habol ang hininga akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili.

Ilang araw na akong ganito. Ilang gabi na akong ginigising ng sakit na 'to.

Pinagmasdan ko ang palad ko. Wala akong nakikitang kakaiba. Normal na palad lang kaya 'di ko maintindihan kung sa'n nanggagaling ang sakit na 'yon. Nagpatingin na rin ako pero wala naman silang nakikitang mali.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

"Bliss anak... Buksan mo ang pinto. Okay ka lang ba?"

Naghilamos muna ako at nag-ayos ng sarili bago siya pinagbuksan.

"Anak, ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Nginitian ko naman siya.
"Ayos lang po ako"

"Sigurado ka ba anak?"

Tumango naman ako.

~~~

"Oh, saan ka pupunta anak?" saad niya habang naghuhugas ng pinggan.

Hinalikan ko siya sa pisngi saka kumuha ng sandwich na gawa niya at inilagay sa bag ko.

"Sa library, Ma" nakangiti kong saad.

Kumunot naman noo niya.

"Oh siya sige, mag-iingat ka ha?"

"Opo, Ma" saad ko bago lumabas.

Sumampa na 'ko sa bike ko.

Ilang araw na 'kong pumupunta sa library. Public library na open sa lahat. Buti naman hindi nagtataka si Mama lalo na't bakasyon ngayon.

Hinahanap ko kung ano nga ba 'tong nangyayari sa'kin. Naghanap na 'ko sa internet pero ang laging sinasabi o lumalabas ay supernatural power. Ayokong maniwala dahil walang gano'n sa mundo. Kung nag-eexist man ang fantasy, sa isip lang 'yon ng mga tao.

Sa laki ng library, 'di ko alam kung ilang araw o buwan pa ang gugugulin ko.

Nagulat ako at awtomatikong napatigil nang biglang may sumulpot na kotse at bumusina.

Ramdam ko ang bilis nang tibok ng puso ko. Muntik na 'ko do'n, ah.

Bumaba naman ang sakay nito.

"Pasensya na po, kuya"

"Pasensya?! Bulag ka ba, Miss?! Pa'no kung nagasgasan ang kotse ko? Pa'no kung naaksidente ako?! May pambayad ka ba?!"

Nadismaya ako sa sinabi niya. Talagang sarili niya lang ang iniisip niya?

Nagulat ako nang akma niya 'kong sasapakin.

"Pasalamat ka at babae ka kundi magugulpi talaga kita!"

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Napayukom na lang ako ng kamao. Ang yabang din ng isang 'to. Kaya madaming salot sa lipunan. Kaya madaming nag-aaway sa mundo. Sarili lang ang iniisip.

"Umalis ka na diyan at talagang sasagasaan kita" huling saad niya bago pumasok sa sasakyan niya.

Kinalma ko ang sarili ko bago nagpatuloy. 'Kala mo kung sino!

Napangiwi ako nang maramdaman ang unti unti na namang pagsakit ng palad ko. Ininda ko lang ang sakit at nagpatuloy.

Ilang segundo nang tuluyan na 'kong napatigil at napahawak sa wrist ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Gusto kong sumigaw pero pinipigilan ko dahil nasa public place ako. Ito na naman ang paghigop ng lakas ko.

"Anong nangyayari sa kaniya?"

"Okay lang ba siya?"

Napapikit ako nang mariin at tumingala. 'Di ko na napigilang sumigaw. Ba't kailangang dito pa?

"Miss, okay ka lang ba?"

Tiningnan ko siya na bigla niyang ikinagulat at ikinaatras. Para siyang nakakita ng multo at nagmamadaling tumakbo.

Lumipat ang tingin ko sa palad ko. Can I just die? Para akong pinapatay nang paunti unti sa sakit.

Nabaling ang atensyon ko sa taong biglang humablot sa kamay ko. Habol ang hininga ko habang nakikipagtitigan sa kaniya. Naramdaman ko ang unti unting pagkawala ng sakit at ang normal kong paghinga. May kung anong pumapasok sa palad ko na dumadaloy sa buong pagkatao ko.

"Kailangan na nating umalis dito" seryoso niyang saad at hinila ako.

Nanatili akong nakatingin sa likod niya. Sino siya? Sa'n niya naman ako dadalhin?

Napatigil ako na ikinatigil niya. Tumingin siya sa'kin.

"Wala na tayong oras"

"Bitawan mo 'ko" saad ko at binawi ang kamay ko.

Napahawak ako sa kamay ko. Sino siya para basta na lang ako hilahin at dalhin kung saan?

Tinalikuran ko siya.

Nagtama ang paningin namin ng isang lalaking nakabusiness attire na nakangisi. May dalawa pa siyang kasama sa likod niya.

Hindi ko sila pinansin at naglakad na. Kinuha ko muna ang bike ko. Sasakay na sana ako nang may humila sa'kin.

"Ano ba! Bitawan mo 'ko! Sino ka ba?!" inis na saad ko.

Nagulat ako nang may kung anong pwersang humatak sa'kin patalikod.

Naramdaman ko na lang ang pagsakal sa'kin nitong lalaki na nakangisi kanina. Napaubo ako. Ramdam ko ang pagkakapos ng hininga ko sa higpit nang pagkakahawak niya sa leeg ko. Nagpumiglas ako.

Napapikit ako nang mariin at pilit na tinatanggal ang kamay niya. Anong ginagawa niya? Sino ba sila? Anong kailangan nila sa'kin?

"Sa wakas nagkita na rin tayo, Catalina"

Catalina? Hindi ako si Catalina. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa. Katapusan ko na ba? Nahihirapan na 'kong huminga. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa wrist niya kasabay nang unti unting pagpikit ng mga mata ko. Sumagi sa isip ko si Mama.

Sorry Mama...

The Fantasy's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon