Unang Kabanata

328 9 4
                                    

Bata pa lamang kami nang kami'y unang nagkita. Magkaibigan ang aming mga ama. Sa Los Angeles pa yun, nagbakasyon sila at dun na nagta-trabaho si daddy.

Isang gabi sa aming bahay, dumating si daddy na sabi "Hon, darating daw yung kaibigan kong si Jeremy. Babakasyon daw sila dito sa LA ng isang buwan". 

Masayang masaya naman si mommy, mahilig yun sa mga bisita eh. 

Ako naman, dun lang sa kwarto ko, naglalaro ng Barbie doll. Hindi ko naman yun pinansin. Sanay naman din ako sa mga bisita.

Kinabukasan, sinundo ako ni mommy ng maaga sa school para makapag-bili ng bagong damit. Binilhan nya ako nitong gray na coat at pink stockings. Agad kaming umuwi ng bahay at binihisan ako. Anim na taong gulang palang ako noon, hindi pa ako sanay na magbihis mag-isa. Tapos bumaba si mommy at hinanda ang buong bahay at ang guest room sa kabilang hall.

"Mommy, who's coming?" tanong ko.

"Your Tito Jeremy is coming, baby. Please behave" sagot at payo ni mommy.

"Anyone else?" pahabol kong tanong habang naghuhugas pa sya ng pinggan.

"Yes, Tita Faye, Ate Jaileen and Dylan" sagot nya ulit nang nakangiti.

Hindi ko nalang tinanong kung sinu-sino yun. At umakyat agad ako sa kwarto ko. Hindi naman ako yung tipong mahilig makipag halu-bilo. Naglaro nalang ako habang hinihintay yung mga bisita nung hapong yun.

Ilang oras ang lumipas hanggang narinig ko si daddy na tumawag sa akin mula sa baba. Sumunod naman ako.

At dun ko siya nakilala.

"Debb, this is your Tito Jeremy" pakilala ni daddy sa isang matangkad na lalaking nasa harap ko. Maputi siya at mabait ang mukha. "This is Tita Faye, his wife" tinuro ni daddy yung maganda ring babae sa tabi ni Tito Jeremy. "Ate Jaileen, their eldest daughter.." turo nya din sa magandang batang babae na kumaway sa akin.

"This is Dylan, their son"

Siya na yun. Yung mas matangkad sa akin na batang lalaki.

"Dylan is 8 years old. Ate Jaileen and Dylan go to school in the Philippines" dagdag ni daddy. Gwapo siya, kamukhang kamukha ng mommy niya.

"Ahh, siya nga pala. This is Debby. Our only little princess, Deborah". 

Noon, hindi pa ako ganun ka interesado sa kanya. Yun ay hanggang lumipas ang 2 linggo at nagkasundo kami. Lagi kaming naglalaro ng taguan. Pareho din kaming mahilig ng ice cream. Tapos sabay kaming nanonood ng TV.

Siya si Dylan Gabriel Uy.

Ako naman si Deborah Carla Rodriguez.

At magsisimula ang aming kuwento sa pagbalik namin sa Pilipinas, 8 taon na ang nakalipas. Ako'y labing apat na taong gulang na at siya'y labing anim na taong gulang na din.

 Ang baho naman pala dito sa Pilipinas. Akala ko kung anong bango rito. He! 

Ang dami nilang sinasabing maganda dito, halos wala nga eh! E, babalik nalang kaya ako sa LA, maganda pa dun. Sariwa pa ang hangin.

Psh.

Ang boring ng airport. Ito na ang pinagmamalaking Ninoy Aquino International Airport nila? My god. Ew.

"Gayle, wag ka nang sumimangot diyan. Di bagay sayo" patawang na sabi ni daddyy.

"Eh am panget naman pala dito! I'm an American citizen and I believe it's best that I go back home" demanda ko.

"Stop complaining Deborah. Tumigil ka na nga" dagdag ni mommy.

I can't believe I'm still here. I want to catch the next plane bound for Los Angeles.

Ilang Saglit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon