Nov 5, Nanalasa ang isang bagyo, noong ang mga araw na iyon ay pinaglalamayan pa ang labi ni Drofeo.
Labis na pighati ang naging hangin sa bayan. Ang mga tao'y nakiisa sa pakikiramay ng pamilya ni Lucita. Maghahatinggabi gabi na ng si Lucita ay nagtimpla ng kape. Ang mga taoy taimtim na nagdarasal ang iba nama'y nagsusugal at ang iba naman ay naiidlip na sa kanilang kinauupuan. Habang nagtitimpla ng kape si Lucita, Isang tinig ang kanyang narinig. Kinilabutan si Lucita ng mga sandaling iyon.
"Mahal...alagaan mo ng mabuti si Eliarthea, dahil ako'y lilisan na dito sa mundong ibabaw" bulong ng isang boses na nagmula sa kung saan man.
Lalong kinilabutan si Lucita sa kanyang narinig, lalo pa't siya lamang ang nasa bahay at ang kanyang anak na si Eliarthea at si Menchang ay nasa lamay ng mga oras na iyon.
Nagmadaling nagtungo si Lucita sa mismong lamay nang makasabay niya ang isang babae na may dala-dalang bayong. Sa pagmamadali ni Lucita hindi na niya nagawa pang kilatisin kung sino ang nakasabay niya. Habang papalapit si Lucita sa mismong lamay ng kanyang asawa, ang mga talahib na kanyang nadadanaan ay tila sumasayaw at napansin niyang parang may laging nakamasid sa kaniya. Kaya sa takot ni Lucita ay kumaripas siya ng takbo patungo sa lamay ng kanyang asawa.
(Sa mundo ng Estrofus)
"Mga bobo! Dalawang bata lamang di niyo pa nagawang habulin!" Bulyaw ni Demetris sa mga kawal niya.
Pinalayas ni Demetris ang mga kawal at pinarusahan niya ang ilang kawal na di nagtagumpay na mahuli ang magkapatid na lobo.
"Mahal na Reyna Demetris, may nais makipagusap sa iyo mula daw siya sa lupain ng mga tao " sambit ng isang kawal.
"Well, mula sa mundo ng tao? Papasukin mo!" Utos ni Demetris.
Isang babae ang pumasok at tila may dala itong importanteng mensahe. Nagpakilala ang babae bilang Herathia.
Isiniwalat niya sa reyna ang mga ginagawa ng tao. Sabi ni Herathia ang mga tao raw ay unti-unting nakakatunog na sa mga ginagawa ng mga kapwa nila Engkantada. Isiniwalat niya rin sa Reyna na mayroong isang tao na may kakayahang makita ang mga enkantadang tulad niya.Dumating ang mga ministro ng enkantada sa kaharian Estrofus, tila nababahala ang mga ito sa dalang balita ni Herathia. Minungkahi ng mga ministro na dakpin ang babaeng nakakakita sa mga tulad nilang enkantada. Dahil maaring siya na ang maging sanhi ng pagtuklas ng mga tao sa lupain ng mga enkantada at engkanto. Dali daling ipinatawag ni Demetris ang mga Kawal.
Nangamba si Demetris na baka malaman ng mga ministro ang mga kabalbalan niyang ginawa, kaya naghugas kamay siya sa pamamagitan ng pag-uutos sa mga kawal na hanapin at dakpin ang babaeng nakakakita sa mga tulad nila.
"Mga kawal! Hanapin niyo at dakpin ang babaeng sinasabi ni Herathia! Ngayun na!" Pasigaw na utos ni Demetris.
Nagulantang ang mga ministro sa asal ng reyna, kaya napatanong ang isa sa kanila na medyo bata-bata at kulay pula ang buhok na nakasuot ng gintong susi na si Reynian.
"Mahal na Reyna Demetris ikaw ba ay galit? At tila ang init ng iyong ulo?" Tanong ni Reynian.
Galit ang mukha ni Demetris ng marinig niya ang tanong ng binata, ay biglang naging maamo ang mukha niya.
"Hindi ako galit, ganito lamang kalakas ang aking boses. Masanay na kayo mga ministro dahil ang mga tao rito'y sanay na sa akin" wika ni Reyna Demetris.
Nang marinig iyon ng mga kawal at mga dama ay biglang nagbulungan ang mga ito na tila ba may pinaguusapan silang di maganda. Buti na lamang ay hindi sila nakita ng reyna kundi lahat sila ay makakatikim ng parusang pagtanggap ng sampung sampal mula sa reyna.
BINABASA MO ANG
Eliarthea at ang Ginintuang Orasan
AventuraSi Eliarthea ay isang matapang, matalino at magandang babae. Sa edad na 12 taong gulang namulat siya sa isang mundong punong puno ng sikreto. Matutuklasan niya na ang Ginintuang orasan ay tila may mga sekretong nakatago. Kaya sa pagnanais niyang mal...