Chapter 30
Aliona's P.O.V.
Mga sampung minuto na rin ang nakalipas. Sampung miuto na rin akong akong umiiyak ng pumasok si Nate sa kuwarto.
"Get out!"Sigaw ko sa kanya pero mas lalo lang siyang humakbang palapit sa akin.
"I said get out!"Galit kong pagkasabi. Tumigil siya sa paghakbang at nanatili sa kinatatayuan niya.
"Ganito mo na lang ba tatakasan ang lahat?Iiyak ka sa isang sulok tapos ano?You can't turn back."Aniya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Wala kang alam!Buong buhay ko sumusunod ako sa kanila. Buong buhay ko wala akong magawa. Buong buhay ko hindi ko man lamang magawang magdesisyon para sa sarili ko. Sa tingin mo ba hindi tamang umatras ako?"Iyak ko.
Humagulgol na ako sa pag-iyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa nakaangat kong tuhod. Ang sakit-sakit lang kasi alam kong kahit anong gawin ko ay susundin ko rin sila. Kahit anong iyak ko wala ring mangyayari. Ganoon naman palagi. It will never be different.
"I now know..."Narinig kong sabi ni Nate nasa gilid ko na ngayon.
Inangat niya ang ulo ko at hinawi ang buhok ko sa mukha at niyakap niya ako.
"You don't have to hide with those sorrows. You don't have to act brave. Sometimes you have to be weak and don't worry because someone will save you. I'm here and I will save you."Bulong niya. Mas lalo tuloy akong napahagulgol sa iyak.
Amoy na amoy ko ang pabango niyang mamahalin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Pinaghalo-halong sakit, lungkot, at saya.
I felt loneliness pero sa balikat ni Nate I felt warmness. Hindi man kapani-paniwala but he is my saviour.
Nakatulog ako sa balikat ni Nate. Hindi niya ako iniwan magdamag dahil hikbi ako ng hikbi. Nakailang ulit rin siya ng salitang 'it's okay'...'everything is going to be okay'. Alam kong napakasimple lang ng mga salitang iyon pero sobrang napapagaan naman ang loob ko. Lalo na kapag si Nate ang ang nagsasabi.
Pagkagising ko ay wala na si Nate sa tabi ko. Mga 9 na ng umaga. Siguro ay umalis na siya papuntang opisina. Pumunta ako ng banyo at sobrang namumugto ang mga mata ko. Marahil sa kakaiyak kagabi. Nagsimula akong maligo. Habang naliligo ako ay hindi ko mapigilan ang maiyak ulit.
Tumigil na ang mga mata ko sa pagluha. Marahil ay napagid na ang mga mata ko.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Nate na nakaupo sa sofa. Hindi siya naka-tux. Siguro ay hindi siya papasok sa trabaho.
"You're not going to work?"Tanong ko sanhi para magawi ang tingin niya sa akin.
"Not today. Not when I know you are not okay."Simpleng sagot niya lang pero sagad-sagaran kung kilabutin ako.
Nagtungo na lang ako sa refrigerator at kumuha ng maiinom. Kumuha ako ng can ng beer. Maaga pa masyado para mag-beer pero wala akong pakialam.
Nang iinumin ko na ang beer ay agad itong kinuha ni Nate. Siya ang uminom nito. Dere-deretso niyang ininom. Nakatulala lang ako habang pinapanood siya maubos iyon at ng maubos niya ay inilapag niya sa lamesa.
Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinatak ako palabas. Dinala niya ako sa kotse niya.
"Where are we going?"Tanong ko.
"Mall."He just simply answered.
Bababa sana ako ng kotse niya pero huli na ang lahat dahil ni-lock na ni Nate yung pintuan ng kotse. I guess I have no other choice.
YOU ARE READING
That Kind Of Love Is Fake
Teen FictionAlmost perfect but worthless! That's how her parents treat her... Para sa magulang niya she never did something right kaya namam never siyang nakapagdecide para sa sarili niya... Hanggang sa dumating sa puntong pati yung taong mamahalin niya ay desi...