chapter 3

15 12 0
                                    

chapter 3:

i was 9 years old or 10 siguro---- bakit ba?! eh sa hindi na namin maalala ang edad ko eh?! bata pa ako masyado diba?! basta yun na yun! wag kang ano!. so ayun na nga, nawindang at gumuho ang buong syudad---wow taray! syudad talaga?! walang halong biro?joke ba yun?



nagulantang ang buong sambayanan ng mabalitaang namatay ang pinakamamahal kong lolo na papa naman ng papa ko. na-gets? kung hindi ay magsilayas kayo. chars! ayun dahil sa matanda na eh namatay sya.. sayang talaga! nakakamiss sya.. tatakbo pa naman sana sya bilang tanod sa susunod na taon. di bale, sa susunod na buhay na lang sya tumakbo. yung takbong jogging ba? 100 kilometers per minute, kakayanin nya kaya yun? syempre hindi! matanda na yun eh, nag iisip ka ba teh? utak mo rin eh no kakaiba! joke lang haha! syempre hindi sya tatakbo bilang tanod no? nakakatawa lang, tatakbo na nga lang sa eleksyon, tanod pa? nasaan ang utak  mo author? haha



(ikaw author na puro kalokohan na lang laman ng ulo mo! itapon kita sa nagliliyab na bulkang mayon gusto mo?!) 




so ayun, nakakamiss talaga sya dahil wala ng maingay sa bahay nya. (at kailan naman naging  magulo sa bahay nya aber? wala akong maalala).  wala ng mang-uutos samin na tumaya sa lotto mamayang gabi na kahit kailan, hindi naman nakatama sa lotto haha!.(hay lolo, namatay ka na nga lang at lahat hindi ka parin nakatama sa lotto! wawa naman ikaw.). wala nang mang-uutos samin na bumili ng pandesal tuwing umaga. at dahil wala na nga sya, wala na rin yung lalaking parating naglalako ng pandesal sa bahay nya..






yung lalaking--

"phundeshul! maenet puh!  phundeshuull??!"-






ang boring na tuloy sa bahay nya, pero okay narin yun dahil wala ng manggugulo ng ke' aga-aga.. wala ng mang-iistorbo sa mga taong tulog pa with matching tulo laway at nakangangang bunganga while hilik-hilik. haha.. nakakaloka lang.

.

wala naring sisigaw samin na parang microphone ang bunganga sa lakas ng boses.. wala ng mananakot samin tuwing hindi sumusunod sa mga utos nya.. at higit sa lahat, wala ng tititig samin na nakakatakot na mata ni lolo.. yung parang aswang dahil ang pula ng mata nya tapos nakadilat pa sobra, nakakagoosebumb! huhuhu!




at dahil patay na nga sya, syempre ano pa bang aasahan mo? malamang magsisiuwian lang naman ang mga pinakamamahal kong tito's and tita's. isali mo pa yung ibang kamag-anak namin na todo iyak pa at yung ibang mga kapitbahay naming tsismosa na nakikilasali rin sa iyak with matching OA sentence pa na...

.


"waahh!!! lolo! bakit ka ba namatay?! wag mo kami iwan please!!"-

"huhuhu! papa ko! bumalik ka please! gumising kaaaa!!"-


"kumpadre kooo! wag naman ganito oh?! nangako ka sakin na sabay-sabay tayong mamamatay diba?! huhuhu!"-




nagtaka tuloy ako bigla... tumingin ako sa kanilang lahat sabay lingon sa kabaong ng lolo ko with kadiri and curious face..


like what the--?!. seriously?!  patay na ang lolo ko tapos kakausapin pa nila?! ang masaklap pa, eh gustong gisingin ang bangkay ng lolo ko.. posible kaya yun?!




hindi ko na lang sila pinansin dahil tingin ko nasisiraan na sila ng bait.. ang bata ko pa kaya nun no?! anong alam ko sa mga ganoong ka OA na reaksyon?! duh?! nakakasira lang ng beauty!. mas mabuti pang maglaro na lang  ng tong-its saka ungoy-ungoyan kasama ang crush mo charots! haha..





at dahil nga dumating ang mga tita ko.... isang pangyayari ang hindi ko inaasahang magpapabago sa buhay ko..


this is me, this is real (COMPLETED)Where stories live. Discover now