chapter 7:
there's also a time that even jinky have no money, she still think a way to fulfill the needs of my uncles bipolar. nakakainis no?
tapos kung walang pera si jinky ay sisigawan nya at ipapahiya pa kahit sa harapan ng maraming tao? aba! di na tama yun! ilang beses nang tinulungan ng tita ko si ate jinky na wag sundin ang mga ipinapautos ng sira ulo kong tito. sinabihan na rin syang hiwalayan yun pero ang laging sagot nya? eto..
"wala eh.. mahal ko yung tao kaya kahit nasasaktan na ako hindi ko pa rin kayang makipaghiwalay sa kanya."-
ang sweet sanang pakinggan kaso nga lang, nakakabobo sya minsan.. hindi nya kasi iniisip na minsan kailangan mong sundin kung ano ang sinasabi ng utak mo para hindi ka na maaabuso..
yun kasi ang wala sya.. ang mag isip.. oo, mahal nya yung tao pero tama pa bang ipagpatuloy ang isang relasyon na walang magandang kahihinatnan.. kasi sa sitwasyon nilang tatlo, ang gulo-gulo tignan.. sakit sa bangs my god! why am i even handling their problem anyway?
imagine? asawa versus kabit? ang swerte naman ng tito nyo tsong!. pang hari lang ang peg?.
well i must say, hari naman talaga ang tito ko.. hari sa mga kalokohan at kasinungalingan!. baliw rin madalas lalo na kapag nakainom.. well, kailan ba sya laging hindi lasing? araw-araw na ata eh.. maliban nalang kung may sakit sya sa tiyan at ulo at iba pang katawan. sana matuluyan na lang sya! haha joke lang.. mahal ko yung tito ko kahit baliw yun..
may one time pa nga oh? niloko nya ang isang staff sa resort.. sabi pa nya..
"pre alam mo ba? isa akong chairman sa baranggay namin.. lahat ng mga taong nakatira don miski pamilya ko ay sinusunod ang gusto ko kasi nga takot sila sakin.. ako kasi ang pinakamayaman sa buong baseco.."-
tawa kami ng tawa sa mga pinagsasabi ng tito ko.. at ang mga nakakaloka pa ay napaniwala nya talaga yung staff! nag pa-autograph pa ang lintik! yung tito ko namang buang ay feel na feel.. akala mo nanalo sa eleksyon dahil sa sobrang kayabangan! letsugash! langya yan!
sabi pa nya..
"oo! dati akong tanod sa baranggay namin na namominate bilang kagawad dahil nga sa sipag at bait ko pa.. kaya ayun, tumakbo ako bilang chairman nung nakaraang eleksyon dahil maraming nagtulak sakin.. may maganda daw kasi akong puso kaya sigurado daw silang magiging maganda ang buong baseco sa panahon ko.."-
langya sya... lahat ng sinasabi nya sa kausap ay kabaliktaran naman sa katotohanan... isa kamo syang napakalaking disaster sa buong maynila! haha yabang talaga amp!
isa pa..
"kaya ayun, tuwang-tuwa ang ang mga tao dahil nanalo ako bilang chairman nila! simula nun, bumuti ang kalagayan ng baseco.. kaya nga ngayong eleksyon tatakbo naman ako bilang gobernador ng maynila eh.."-
pigil ang tawa namin nun habang pinapakinggan syang nagmamayabang sa staff na todo puri pa sa kanya! langya! ang tanga lang ng staff! hindi ba nya alam na sobrang obvious na kabaliktaran lahat ng sinabi sa kanya ng tito ko? ang bobo lang..
paano ba naman kasi? kung susuriin mong mabuti ang physical na kaanyo-an ng tito ko eh bagsak na bilang chairman.
imaginin nyo.. isang jeep ang gamit naming sasakyan imbis na Van kung mayaman nga sya. isa na yun bilang patunay na sira ulo ang tito ko.
pangalawa, nakasando lang sya nun tapos ang itim pa nya. may hawak pa syang dalawang bote ng red horse sa magkabilang kamay nya tapos nakaboxer shorts with tsinelas na sira-sira ang talampakan pa sya diba?
pangatlo, lasing sya.
at ang pang-apat, wala pang ligo ang tito ko. isali mo lang walang tulog kaya nagmukha syang isang main watch list ng drug user sa buong maynila!
haha! ang tanga lang ng kausap nya hindi man lang napansin ang kilos ng tito ko.. todo papicture at paghanga pa ang tanga-tangang staff... kaya tinawanan lang namin sila..
mga parehong may sayad sa ulo!

YOU ARE READING
this is me, this is real (COMPLETED)
Cerita Pendekthe story of my life.., lahat ng mga nakasaad sa kwentong ito ay pawang kalokohan lamang.. Amen.. hahaha.... tawa kayo dali! sige na please? ayan... hahaha... good dog! now i've found, who i am there's no way to hold it in.. no more hiding who i wan...