#HSMFMEx
Please follow me on twitter @hunilooo"Kisses please kausapin mo naman ako!!!" nagmamakaawang wika ni Donny
"Donny tapos na tayo, please lang lubayan mo na ako, masaya na ako ehhh kaya please lang!!!" sagot ni Kisses
"Mahal kita Kisses, ganon ganon na lang yun, so bumalik na si Louis sayo kaya binabalewala mo na ako??? Tangina naman Kisses kung hindi ko pa nalaman sa kaibigan ko na nagkabalikan na kayo ng gago mong ex ehh hindi ko pa malalaman??? Akala ko ba mahal mo den ako??? Tangina tinulungan pa kitang kalimutan siya tapos ano nung nahulog na ako sayo wala na?? siya na uli ang pipiliin mo???? Ganon ka ba kadesperada at katanga para balikan yung taong iniwan at sinaktan ka???? galit na wika ni Donny.
Sa puntong iyon ay galit at lungkot na ang namumutawi kay Donny mababakas ito sa kanyang mga mata na tila nagtutubig na at gusto ng pumatak ng mga luha.
" Donny, Sorry, Oo mahal kita pero diba sabi ko naman sayo susubukan ko pa? Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Louis, kung gaano ako kadesperado pagdating sa kanya, Maniwala ka man sa hindi, sinubukan kong mahalin ka, sinubukan kong ituon lang lagi yung atensyon ko sayo, pero hindi ko kaya, kase kahit anong gawin ko, si Louis pa den ehhh, Oo desperada ako, ang tanga ko kase niloko at sinaktan na nga niya ako pero wala ehhh pag mahal mo mahal mo talaga kaya kung mahal mo ako please lang hayaan mo kong sumaya, Donny makakahanap ka den ng para sayo marahil yung pinagsamahan nating dalawa ay simula pa lang madami pa diyan Donny kaya please lang!!!.
Sa puntong iyon ay kasabay na nito ang pagpatak ng luha ni Kisses. Mahal niya si Donny dahil inalagaan siya nito ng iwan siya ni Louis pero hindi niya maitatanggi sa sarili na mas matimbang pa rin si Louis.
"Sumaya??? naririnig mo ba ang sinasabi mo Kisses?? hahayaan kitang sumaya habang ako papatayin mo sa sakit??? Kisses mahal kita ehhh, ganon ganon na lang ba yun?? Ginawa mo lang ba akong panakip butas? Ano bang gusto mong gawin ko para ako naman yung piliin mo?? Kulang pa ba??? Ganon na lang ba kadali sayo ang iwan ako kase bumalik na si Louis?? Hindi mo man lang binigyan ng konsiderasyon ang nararamdaman ko?? Alam mo para ka lang katulad nung ibang babae ehhh pare pareho kayong man..........
Bago pa man makatapos sa pagsasalita si Donny ay isang malakas na sampal galing kay Kisses ang tumambad sa kanya.
"Akala mo ba gusto ko ito Donny? akala mo ba hindi ako nahihirapan?? akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? wag na wag mo kong ikukumpara sa kanila Donny dahil ibang iba ako alam mo yan"
Sa puntong iyon ay walang ng nagawa si Kisses kundi ang iwan at talikudan si Donny, masakit man sa kanya ang naging desisyon niya ay alam naman niya na pagdating ng araw ay mapapatawad at maiintindihan din ni Donny ang lahat.
BINABASA MO ANG
He Save Me From My Ex
Short Story"Hinayaan mo akong mahalin ka kaya ngayon akin ka na" Sa buong buhay ni Kisses ay tanging si Louis at pag-aaral lang niya ang priority niya. Maganda siya, matalino, mayaman, kaya naman tinagurian siyang Queen Bee ng St. Celestine. Ngunit nang dumat...