Chapter 154

2.7K 53 4
                                    

STANLEY'S POV

"Asan si Gel?" Renjie asked.

I heave a sighed.

"Nasa isang stall nang street foods, kakain daw siya pinauna ako dito." Sagot ko.

"Kamusta usapan niyo?" Napatingin ako kay Wency then umiwas din nang tingin.

"Maayos na nagpaalam sa isa't isa." Sagot ko.

"Then better." Ani Rey.

"Pupuntahan ko si Gel, kayo kumain na din kayo kung saan niyo gusto then magkita-kita tayo dito lang madami tayong pupuntahan after." Rico said then umalis ito.

Hindi ko man lang nakita kay Gel ang sakit, ang pagtutol sa kasalan, nag-expect ako na magsasabi siya na magiging reason ko para hindi ko itutuloy itong kasalan pero wala ehh, wala siyang pinakitang pagtutol.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa kanan ko. Bryan was standing near me.

"Psh, ikakasal nga diba paanong hindi magiging ayos 'yan?" Bernie said.

Oo ikakasal pero di lang nila alam kung ano talagang nararamdaman ko, kung ano talaga ang gusto ko.

"Let's go, kumain na tayo." Bryan tapped my shoulder. Sumunod ako sa kanila. Sa isang italian resto kami pumasok, ang iba sa ibang resto din, ako kasama ko sina Bryan, Gessalie, Bernie, Danila, Jane and Renjie.

"Stanley sigurado ka bang papakasalan mo si Abby?" Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Gessalie.

"Kasi kung di naman huwag mong ituloy ikaw din magsisisi sa huli tandaan mo hindi madaling mag-asawa lalo na kung hindi mo naman talaga mahal ang papakasalan mo. Ikaw ba mahal mo talaga siya? Or napilitan ka lang dahil sa isyung nangyari sa inyo? Kung wala ka naman talagang ginawa sa kanya panindigan mo hindi iyong pumayag ka na lang dahil iyon ang gusto nang mga tao sa paligid mo."

Nakuyom ko kamao ko. May point siya pero ayokong madisappoint sina Dad sa akin.

"Papakasalan ko siya." Sagot ko.

Sinulyapan ko sila nagkatinginan sila then nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko mahal si Abby, kailangan ko lang talaga gawin, iyon at iyon pa din ang reason ko, wala nang iba.

"Hindi mo ba pagsisihan ito? Kapag may nalaman kang iba? Paano kung huli na?" Napatingin ako kay Renjie.

"Kapag ikasal ka na hindi mo madaling matatakasan iyon, tulad nang pamilya ni Abby na ang gusto nila masusunod I am doubt if you could turn Abby down, hindi magiging madali ang kumawala." Ani Bryan naman.

All of them against I and Abby's wedding. And I understand dahil alam nila ang storya nang relasyon namin ni Gel and Gel was one of their good friend.

"Naisip ko na iyan and I am fully ready." Sagot ko.

"Okay bahala ka." Renjie said.

"Change topic na." Ani Gessalie, Bryan open other topic hanggang sa matapos kami.

Lumabas kami nang resto after naming magpahinga nang ilang minutes, tapos na din ang iba and I saw Gel with Rico laughing together. Pinagmasdan ko si Gel, siya naman talaga ang pangarap kong dalhin sa altar, ang babaeng pangarap kong makasama, ang babaeng nais kong maging asawa pero hanggang pangarap na lang iyon dahil hindi na mangyayari ang bagay na iyon.

Hinagod ko nang tingin ang kabuuhan niya, tuluyan na siyang mawawala sa akin.

"Guys!" Kumunot noo ko nang madinig ang tinig ni Arvin na sumisigaw.

"Tsk, anong problema mo?" Bulyaw ni Wency. Nilingon ko ito, parang babae kung maglakad. Tsss, sarapa batuhin.

"May nadiscover kami ni Wesley halikayo dali."

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon