Chapter 9: Sa condo ng VJ Infinity
===========
JIJEY'S POV
===========
Yung kinantahan ako ni Vincent yun na pala ang last performance nila. Kasi matapos kami magyakapan, nagpaalam na si Lloyd. Tapos nagclose na yung mga curtains. Tinext ko naman si Elouise na umuna nalang sila sa kotse. Dun kasi kami dumaan sa backstage. (A/N: Alangan naman. Sige try nyong dumaan sa curtain. Yung kita ng tao!!) WAG NANG EPAL!!! Anyways, hinawakan ni Vincent ang kamay ko yung parang magkaholding hands kami. Agad naman kaming inasar ng ibang band members.
''AYIIIIEEE!!! Ano yon??? Ano daw yun??' pangaasar ni Lee.
'' Pre, umamin ka nga. Kayo na ba?'' tanong ni Lloyd.
'' How sweet.'' sabi ni Aaron
'' Naman. Gumaganon si Vincent!'' sabi ni Renz. Pero lahat ng yun tinawanan lang ni Vincent. Ako naman tungong tungo na doon kasi feeling ko namumula na ako. Biglang lumapit sa amin si Eonni.
'' Eyy, Vincent, kayo ba ni Jijey? '' tanong ni Eonni. Napatunghay ako.
'' EONNI!!!! HINDI!!'' sabi ko.
'' Amin na!!!'' sabay sabay na sabi ng ibang members ng banda.
'' Hindi kami ni Jijey. But I do like her well, not yet love pero.... she's my type.'' nakangiti niyang sabi. Owwwwkaaay???Sige na, oo na, aaminin ko na...... na KINIKILIG AKO!!! Type daw nya ako!!!! Like niya daw ako!!! Konting tulak nalang maiinlove na siya sa akin!!! Kyaaaaa!!! Well, napangiti nalang ako.
'' OYY ANU YANG NGITING YAN?!''
''AY TINAPA!'' napatago ako sa likod ni Vincent. Kasi ba naman nakatungo ako biglang sisilipin ni Eonni ang mukha ko sabay sundot sa bewang ko. Diga nga malakas ang kiliti ko doon.
'' Eonni naman eh!!!! Aatakihin ako sa puso!!'' sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.
'' Asusss.. eh ano yung ngiting yun?'' tanong ni Eonni
'' Ha? Anong ngiti?'' painosente kong tanong.
'' Kita ko yun. Namumula ka pa nga. Kinikilig ka noh?'' tanong ni Eonni. Eonni naman, wag mo akong ibuking.
'' Eonni, palangiti naman ako ah!'' sabi ko.
'' Asuuus.. Oy ikaw Vincent. Kung manliligaw ka sa kapatid ko, magpaalam ka muna sa akin!'' sabi ni Eonni. Gosh, ano bang sinasabi ni Eonni?
'' Yes, Manager!'' sagot ni Vincent.
'' Let's party!!'' sigaw ni Lloyd kaya ayun dumeretcho na kami sa van nila. Tinext ko ulit sina Elouise na umuwi na sila kasi niyaya ako nina Vincent. Pinaggigitnaan ako ngayon ni Eonni Cher at ni Vincent. Ganito ang position namin.
DRIVER || AARON
EONNI CHER || AKO || VINCENT
RENZ || LEE || LLOYD
Oh, diba? Si Aaron nakaheadset nanaman. Sina Rez at Lee, natural! Nagkukulitan. Alam niyo, parang sila talaga ang magkakatuluyan sa storyang ito, diga? (A/N: TOINKS! May dinestined ako para sa kanila noh! Kaya tumigil ka jan!) Oo na!!! OA much teh? Ahemm, si Lloyd naman, may tinitingnan ata sa cellphone. Si Eonni Cher, kanina pa akong kinekwentuhan. Pero ni isa wala akong naintindihan. Bakit? Kasi ginagawa ko nanaman ang hobby ko. Ang pagtitig sa aking mahal na prinsipeng si Vincent. At si driver? Ayun nagdadrive. XD
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Teen FictionAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)