Chapter 54 ~ Sigawan
Mia's POV:
"Wag masyadong magpapagod Mia. 'Yung mga pagkain na hindi pwede sayo ay iwasan mo. 'Wag kang makulit." Habilin sa akin ni Mama. Kanina pa nga ito at kung anu-ano ang inihabilin sa akin.
Inihahatid namin siya ni Bryle sa gate at naghihintay doon ang driver niya. Nakauwi na ang ibang bisita at siya na lang ang natira.
"Ikaw naman Bryle! 'Wag puro trabaho ang atupagin mo! Alagaan mong mabuti itong si Mia tsaka layu-layuan mo 'yang si Lian ha? Makakatikim na sakin sinasabi ko sa'yo." Inis na sabi nito kay Bryle.
"Mom!"
Pagpapatahimik niya sa nanay niya. Ang akala niya siguro ay hindi ko alam ang pinaggagawa niya noong nasa Paris pa kami.
"Oh ano? 'E sa totoo naman 'e! Huwag ka nang magkaila pa." Katwiran naman ng nanay niya. Mukhang mag-aaway pa yata sa mismong harapan ko. Napailing-iling ako.
"Mia lalabas ulit tayo bukas ha? Pagpasensiyahan mo na lang ako kung mahilig akong magpasama na magshopping." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Papagudin mo lang siya Mom! Diba nga sabi mo,wag siyang magpapagod?" Sarkastikong tanong ni Bryle kay Mama. May point din naman si Bryle.
"Just shut up na lang. Tutal hindi ka namin gagambalahin!" Inis na sabi ni Mama. Away na talaga to! Exciting!
"Saan ba kayo pupunta? Sa Mall?" Tanong ni Bryle habang napapatingin sa akin. Pero agad rin namang nag-iiwas ng tingin.
"Yeah."
"I want to come." Desididong saad ni Bryle. Napatingin naman kami sa kaniya kung seryoso ba siya?
Sa pagkakaalam ko, ayaw ng mga lalake na sumama kapag nagpasama sa kanila ang mga babae kung magshoshopping sila?
"Are you sure? Kailan ka pa nagkagusto na sumama sa akin na magshopping?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mama. Ibig sabihin, hindi sumasama si Bryle kapag nagshoshopping si Mama?
"Gusto ko lang sumama dahil sa asawa ko." Walang ganang sagot ni Bryle. Napairap ako sa kaniyang sinabi.
Sinungaling.
"I should go. Una na ako sa inyo. 'Yung mga bilin ko Bryle at Mia ha?" Saad ni Mama. Nagbeso-beso muna kami bago sumakay siya sa kotse.
"Kamusta ka naman dito habang nasa France pa ako?" Tanong ni Bryle sa akin at napatingin ako sa kaniya. Ngayon na lang kami ulit na nagkausap ng kaming dalawa lang.
"Ayos lang."
Sagot ko at nauna nang naglakad. Hindi ko alam kung sumunod siya. Medyo may sama pa rin ako ng loob sa kaniya dahil sa ginawa nitong panloloko sa akin.
Wala rin ako sa mood.
"I really busy there doing paper works in my company and kailangang matapos agad kaya hindi na muna ako nakauwi. Ang I'm sorry about my attitude towards you noong nasa France pa tayo." Saad nito na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
Anong sabi niya?
Humarap naman ako sa kaniya at galit siyang tinignan. So, ako pa yung pinagmumukha niyang tanga dito? 'Yung trabaho na naman niya ang ginawa niyang rason!
"Pwede ba Bryle! Hindi mo ako maloloko kaya tigil-tigil mo 'ko sa mga rason mo na wala namang katotohanan!" Sigaw ko sa kaniya.
Wala akong pakealam kung marinig ng kapit-bahay namin ang boses ko. Ang importante, nagkakaderetsuhan na kami ni Bryle ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...