"Kain pa."wika ko kay Blake dahil mukhang nahihiya pa. Dati naman ay makapal ang mukha nito, pero mukhang natakas na ata siya ng kakapalan. Mukhang napunta lahat yun kay Axl.
"Busog na ako, Kat."sagot niya habang hinihimas-himas ang tiyan niya.
"Tsk!"singit naman ng isa na nasa kaliwa ko. Ako kasi yung nasa gitna nila Blake at Axl. Pasimuno kasi si Bernadeth. Siya ang may kagagawan ng pwesto namin kaya ayan. Psh!
"Ate, pansinin mo naman si kuya Axl."singit ni April habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Axl.
"Matanda na yan. Kaya na niya."sagot ko at isang 'tsk' na naman ang narinig ko mula sa kanya.
"Eh, bakit si Kuya Blake? Matanda naman na siya, ha?"segunda naman ni Mae.
Ano bang meron sa dalawang magkapatid na 'to at kung makapagsalita ay parang may pinapaningan. Ba'ka pati sila ay kinakuntsaba din sila ni Bernadeth. Hsst!
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.
"Kaw? Gusto mo pa ba ng kanin?"tanong ko kay Axl na inilingan naman niya.
Kanina 'tsk' siya ng 'tsk', tapos ngayong pinansin ko naman na siya ay ayaw naman niyang magsalita.
Kinuha ko na lang ang baso ko at uminom ng tubig. Tutal busog naman na ako.
Kalahati lang ng tubig ang nainom ko mula sa baso ko at binaba ko na iyon. Pero nagulat na lang ako ng siya naman ang kumuha ng basong pinag-inunom ko at walang sabi-sabing ininom iyon.
"Ayeeee~"mahinang impit ni Bernadeth kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Darn! Yung puso ko kumakabog na naman ng napakabilis. Parang hinahabol na naman ito ng aso dahil sa sobrang bilis ng pagpintig niya. Kinikilig ako na parang ewan. Psh!
"Kuya Blake, laro tayo."yaya ni Mae sa kanya.
Hindi ko man lang napansin na tapos na pala silang kumain lahat. Hsst! Si Axl kasi eh! Lagi na lang akong nagiging lutang sa mga ginagawa niya.
"Kuya Axl, tara nood tayo ng horror."yaya naman ni April tsaka niya hinila-hila si Axl palabas ng kusina.
Ngayon, kaming dalawa na lang ni Insan ang natitira dito.
"Insan, pwede bang pass muna ako sa paghuhugas ng pinggan? May project lang kasi akong kailangang tapusin. Gahol na kasi ako sa oras, pero babawi din ako sayo bukas."paki-usap ni Bernadeth na sakin na tinanguan ko naman.
"Sige na. Tapusin mo na yan. Kailangan mo ba ng tulong ko?"tanong ko na agad naamn niyang inilingan.
"Salamat, Insan pero kaya ko na. Ikaw na muna ang magentertain sa dalawa mong prince charming."agad ko siyang simaan ng tingin dahil sa sinabi niya. Pero 'tong pilya 'kong pinsan ay tinawanan lang niya ako.
"Umalis ka na nga."inis 'kong wika sa kanya na tinawanan naman niya bago siya umalis dito sa kusina.
Niligpit ko ang mga pinagkainan namin at ng matapos ay naghugas na ako. Sana naman tumila na ang ulan. Ang tagal na kasi at ang lakas pa. Tsaka kung titila man ngayon ang ulan sigurado akong baha din doon sa labas ng kanto. Mababa kasi doon eh.
Nang matapos akong makapaghugas ay lumabas na ako para kamustahin ang mga pinaggagawa ng dalawang bata.
"Nakatulog na si Mae, Katryn."salubong sakin ni Blake habang mahimbing na natutulog si Mae sa kandungan niya.
Itong batang 'to dito na naabutan ng antok. Nakakahiya tuloy kay Blake.
"Si April din tulog na."wika din ni Axl habang hinahaplos ang buhok nito na nakapatong sa kanyang hita.
"Pasensya na. Nakakahiya naman sa inyo. Sige na, ako na magpapasok sa kanila."wika ko at binuhat na si Mae mula sa kandungan ni Blake. Napangiwi pa si Blake dahil sa pangangawit ng hita niya. "Pasenya na."
"Ayos lang. Basta ikaw."sagot naman niya tsaka ako tinapunan ng matatamis na ngiti.
Nginitian ko na lang siya pabalik tsaka na ako naglakad patungo sa kwarto nila Mae. Nang mailapag ko siya ay sakto naman ang pagpasok ni Axl habang buhat-buhat niya si April.
One big happy family!
Yan agad ang unang pumasok sa isipan ko na ikinangiwi ko, pero sa kaloob-looban ko ay masaya naman. Ano ba yan! Ano bang pinag-iisip ko?! Hsst! Tumigil ka nga Katryn!
"Hindi pa ba uuwi yun?"napatingin ako kay Axl ng magsalita siya.
"Mukhang hindi siya makakauwi. Paniguradong baha sa kabilang kanto."sagot ko sa kanya pero isang 'tsk!' ang isinagot niya.
Problema ba nito? Kanina pa siya tsk ng tsk. Nagmumukha na siyang ahas sa pinagagagwa niya.
"M-may problema ba? Kanina k-ka pa badtrip."medyo nauutal 'kong tanong sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa kanya.
"Wala."deretso niyang sagot na tinanguan ko na lang.
Kinumutan niya yung dalawang bata na siyang ikinangiti ko naman ng palihim. Mahilig din pala siya sa mga bata.
Nauna na akong lumabas sa kanya at saktong paglabas ko ang siyang pagbaba naman ni Blake sa kanyang telepono.
"Kat, kailangan ko ng umuwi. Mah sasabihin daw kasi si mommy sakin eh."nagmamadali niyang wika sakin.
"Pero, di pa tumitila ang ulan."
"Kailangan talaga ako ni mommy eh. Sige na mag-iingat naman ako."wika niya tsaka siya lumapit sakin at walang sabing hinalikan sa noo.
Ako naman ay napatulala na lang dahil sa ginawa niya. H-hinalikan niya ba ako? T-totoo ba y-yun?
"Tsk!"napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses na yun.
Si Axl. Papalabas na siya at dumiretso sa sofa. Pinilig ko na lang ang ulo ko ng mapagtanto 'kong wala na si Blake. Nakaalis na pala siya ng nakatulala ako. Hsst!
"Hindi ka pa ba uuwi?"tanong ko sa lalaking nakaupo sa sofa.
"Umuulan pa."sagot niya habang nasa t.v ang atensyon niya.
"Okay."sagot ko na lang sa kanya.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Nakakatuyo siya ng lalamunan eh.
Pagkakuha ko sa pitsel ng tubig ay sakto naman ang pagpasok niya.
Dumiretso siya sa sink at binasa ang hawak niyang panyo. Napakunot noo na lang ako dahil ginagawa niya.
Binalik ko sa ref yung pitsel ng tubig at nang tumalikod na ako sa ref ay halos nalumabas ang puso ko sa sobrang lapit ng lalaking nasa harapan ko ngayon. P-paano siya napunta dito ng hindi ko namamalayan?
Lumapit siya sakin na siyang ikinahakbang ko naman palikod at sagad na agad iyon sa ref.
"B-ba----"
"Ssssh."wika niya lang at tsaka idinampi ang panyo niya sa noo ko.
Pinunasan niya ang parte kung saan humalik si Blake.
"Wag ka ng magpapahalik pa sa kanya. Nagseselos ako."deretso niyang wika na ikinalaglag ng panga ko.
Yung puso ko ay tumitibok na naman ng napakabilis at yung tiyan ay parang may paru-parong nagliliparan sa loob.
Totoo ba ang mga narinig ko?
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
AçãoWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)