MTP#30:Love is?

3.5K 63 7
                                    

Muli akong napatagilid dahil hindi ako makatulog. Nakakainis kasi si Axl! Kung ano-ano ang pinagsasabi niya kanina. Nagseselos? Asus! Maniwala. Pero infairness, kinilig ako nu'ng sinabi niya yun. Hsst! Kung di ko lang alam na first love niya si Rylee ba'ka nagtatalon na ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Although, kinikilig naman ako kanina, pero parang may pumipigil kasi nun eh. Hindi ko lubos madama ang kilig na nararamdaman dahil laging sumasagi sa isipan ko si Rylee na first love niya.

"Hsst!"buntong hininga ko.

Umupo ako sa kama ko at muling tinignan ang oras. Alas dose na at hindi pa rin ako makatulog. Kainis.

Labas ako ng kwarto ko at naabutan doon si Axl na pumapatay ng lamok. Hindi kasi siya umuwi dahil baha doon sa labas ng kanto. Paano namin nalaman? Syempre sinabi ng tanod na nagroronda kanina. Kaya ayan, hindi muna siya umuwi at matutulog na lang daw siya sa sofa.

Nagpalit siya ng pwesto tsaka niya sinampal ang noo niya. Sigurado akong lamok yun. Pinapapak na siya ng lamok. Kawawa naman yung taong tinitibok ng puso ko.

Lumapit ako sa kanya tsaka siya kinalabit. Agad naman siyang nagising at naupo.

"Bakit gising ka pa?"tanong niya sakin habang nakatingin siya sa mga mata ko.

Nailang naman ako sa mga tingin na pinupukol niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"D-doon ka na sa k-kwarto ko matulog."wika ko sa kanya habang nasa ibang direksyon ang paningin ko.

"Hm? Ikaw? Saan ka matutulog?"tanong niya sakin na nagpakamot naman sa ulo ko.

Oo nga 'no? Inooffer ko yung kqarto ko tapos ako pala ang walang pagtutulugan. Hay naku! Di bale na nga! Makikitabi na lang ako kay Bernadeth.

"Sa kwarto ni Bernadeth."sagot ko na tinanguan naman niya. "Sige na punta ka na."

Bumuntong hininga muna siya bago siya tumayo at iniharap ako sa kanya.

"Okay. Goodnight."wika niya sakin tsaka ako nginitian.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto ko at ako naman ay dumiretso sa kwarto ni Bernadeth.

Napangiwi ako ng makita ko ang kabuuan ng kwarto niya. Mga nagkalat na papel at construction paper ang nadatnan ko. Maging yung cellphone at kumot niya ay nasa sahig na din. Ang mas malala pa dito ay ang pinsan ko na pagod ma pagod. Humihilik pa kasi eh, habang nakadapa siya sa kama niya na parang palaka na napisa sa daan. Paano na ako makakasiksik niyang kung ganyan ang pwesto niya? Hsst!

'Tong babaeng 'to talaga. Babae nga kung kimilos, pero parang di naman babae kung matulog. Sinara ko na lang yung kwarto niya dahil tinatamad akong ayusin ang kalat niya.

Tumungo ako sa kwarto ng dalawang magkapatid at mahimbing din silang natutulog. Nakapatong ang paa ni May sa tiyan ni April, habang si April naman ay nakataas ang dalawa niyang kamay at mahimbing na natutulog.

Paano din ako sisiksik sa kanilang dalawa kung ying ayos nila ay parang orasan. Hsst!

Lumabas na lang ako at sa sofa na lang ako natulog. Isang gabi lang naman eh. Sana lang hindi ako maubusan ng dugo dahil sa mga lamok na kakagat sakin.

_______ _ _ ___
Nagpalit ulit ako ng pwesto ko ng maramdaman 'kong nasa malambot at nakakarelax na higaan ako. Ang sarap sa pakiramdam. Parang hindi ako natulog sa sofa.

Nag-inat ako ng katawan habang unti-unting minumulat ang mga mata. Nang nakapagadjust na ako ay  agad-agad akong napaupo dahil hindi ako sa sofa nakatulog. Nandito ako mismo sa kwarto ko.

B-bakit ako nandito? Hindi naman siguro ako naglakad ng natutulog.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng magbukas ito. Bumungad sakin si Axl na nakatopless. Kaya naman napalihis ako ng tingin sa pader.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon