Yohann's POV
Hello Bitches.
Yohann Moises here.I'm a transferee here at Star Institute School.
Nagtransfer ako dahil gusto ko ng bagong adventure. Boring kasi yung dati kong school.
Ang weird lang ng mga kaklase ko, diba dapat masaya sila dahil may magaganap na party. Their reactions are somewhat makes me....
More thrill.
----
Naglalakad ako sa corridor ng school. Papunta ako ngayon sa lata building.
Pati tawag sa building ang wierd haha.Lata ang tawag sa building dahil malamang gawa sa lata. Napaka init pa man din doon.
Habang naglalakad ako may napansin akong room.
Hindi na nagagamit yung room kaya naman pumasok ako saglit.
Wala naman masyadong laman maliban na lang sa mga upuan na sira at gamit sa electronics.
Palabas na sana ako ng may makakuha ng atensyon ko .
Isang libro?
May kalumaan na yung libro. Bubuklatin ko na sana ito ng may pumasok na matandang janitor.
Anong ginagawa mo dito ineng? Bakit nasa iyo yang libro na yan?Janitor.
Ah wala po. Nakita ko lang po dito.
Natakot ako sa tono ng pananalita ng janitor. Binitawan ko na yung libro at nagtungo na sa room.
Jusko! Bakit ang wiiiieeerrrddd nila.
Rosa's POV
Katatapos lang ng pang last period namin. Nandito ako ngayon sa gate at hinihintay ko sina Celene at Thea.
Sabay sabay kaming naglalakad papunta sa mga service namin.
Medyo malayo din kasi yung school sa mga paradahan. Kailangan mo munang maglakad.
Sa ganitong paraan din kami nagkwekwentuhan tungkol sa maghapon namin.
Rosa beks! Kanina ka pa ba? Tanong ni Celene sakin.
Hindi naman.
Beks! Kain muna tayong siomai sa bayan. Thea
Hindi ako pwede. Uuwi ako agad. Baka maiwan ako ng service ko. Tsaka madami tayong homeworks. Sagot ko kay Thea
Alam mo thea imbes na lumamon ka. Mag aral ka muna, para hindi ka napapahiya. Hala sige! Lakad na. Pangangaral ni Celene sa kanya.
Itong si Celene akala mo laging may tinatago eh. Pa mysterious si atii.
Dati ko pa napapansin yun. Ewan ko nga paano ko naging kaibigan to. Wait, alalahanin ko.Flashback
Grade 7 kami nun. First day of school. Lahat ng estudyante nasa ground. Syempre flag ceremony muna.
Diko alam kung saan ako pipila dahil hindi ko pa alam ang section ko noon. Tsaka wala akong kakilala dito. Matapos ang flag ceremony ay pinaiwan kaming mga grade 7 para iannounce ang section namin.
Unang tatawagin ay mga nakapasok sa SSC o Special Science Class. Sila yung mga nagtake ng exam para makapasok jan. Sila din yung may mga advance subject.
Next na tatawagin ay yung first section para sa regular class. Kinakabahan ako baka hindi ako matawag.
Natapos ng tawagin ang boys. Tingin ko nasa 12 lang sila.
Rosa Mae Advincula!
Biglang tinawag ang name ko. Yes! Nasa first section ako.
Matapos tawagin ang pangalan naming lahat ay pinapunta na kami sa kanya kanyang room.
Naupo ako sa dulo. Nahihiya pa akong makipagkilala sa kanila.
Hi!
Biglang may babaeng lumapit at tinabihan ako. Ang wierd lang kasi nakangiti nga siya pero parang may ibang ibig sabihin na ewan.
Ako nga pala si Celene Doromal. Ikaw anong pangalan mo? Pagpapakilala niya sa akin.
Hello! I'm Rosa Mae Advincula. Nice to meet you. maligayang bati ko din sa kanya.
Makikipag kamay sana ako sa kanya kaso bigla niya akong niyakap. Nagulat ako dahil may ibinulong siya sa akin.
Ibang lenggwahe kaya hindi ko naintindihan. Nginitian ko na lang siya.
May kasama siya pero hindi siya nakikipag usap sa amin busy siya sa pakikipag daldalan sa iba.
Siniko siya ni Celene.
Bakit ba Celene!? Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya.
Ahh.. Hi Precious Althea Amor here. Mannaseo bangawoyo!
Umayos ka Thea. Pinapairal mo naman pag ka lukaret mo. Pagsaway sa kanya ni Celene.
Naadik na sa kdrama yang babaeng yan kaya na-aadopt niya na "daw" ang lenggwahe nila. Wag mo na lang pansinin. Celene.
Tinawanan nalang namin si Althea
Nawiwirduhan talaga ako sa kanya. Si Althea okay naman. Pero si Celene. May kakaiba talaga sa kanya sa mga ngiti at mata niya parang may nililihim?
End of flashback
Ah. Oo pala dahil pala doon kaya nagkakilala kami.
Palaisipan pa rin sa akin ang mga salitang ibinulong niya sa akin. Kapag tinatanong ko siya tungkol doon iniiba niya ang usapan.
Aish! Di bale na nga lang.
Althea's POV
Nasaan kaya sina Jamaica at Donnabelle?
Kanina pa ako nag iikot sa campus pero wala akong mahagilap na impaktang mga babae.
If you're wondering who they are.Mga kaklase ko at sila yung mga kasama ko sa Arnis.
Yes. Arnisador ako.
Pang self defense na din in case may mangyari. Noong una ayoko talaga nito pinilit lang ako ng nanay kong walang pakialam sa akin but then I find it interesting.
Nagamit ko din naman ito sa pagsali sa competition.
Thea!
Biglang may tumawag sa akin. Hindi ko mahanap kung sino ito. Napatingala ako at nakita ko sila sa rooftop.
Thea dito dali! Dito tayo mag prapractice. Pag tawag sa akin ni Jamaica.
Agad naman akong nagtungo sa hagdan para umakyat doon. Bago pa man ako maka akyat ay may napansin akong libro sa lapag.
Nagtaka ako kung bakit may libro dito. May kalumaan na ito. Binuksan ko ito at binasa ang title
L...los...su..sue.no..ños y la rea..lidad?
Los sueños y la realidad. Pag ulit ko dito.Ano to? Anong salita naman to?
De javu?
Parang narinig ko na to ah.
Thea ang tagal mo naman. Pinasundo ka na ni coach sa akin akala nila may nangyari na sa inyo. Donnabelle
Ano yang hawak mo? Nakalagay ba diyan ang history ng family niyo? Haha. Pabasa nga!
Aagawin na sana ni Donabelle ang libro ng bigla ko itong tinago sa bag ko.
Ah..eh oo. Nandito history namin.
Tara na sa taas.Okay if you say so. Sagot ni Donabelle sa akin.
Ewan ko bakit ko tinago ito. May pakiramdam kasi akong may kakaiba dito. Lalo na yung title.