Chapter 40:
Phoebe Jai
Nandito na kami sa Van, they decided na van ang gamitin tutal madami kami ngayon. Si Kiersten ay nagkotse kasama si Kaleah, Devon at Gavin.
Ewan ko ba sa trip ng mga 'yon. Ang driver namin ngayon ay si Reighn, nasa shotgun seat naman si Addy. Nasa dulo ako at ang katabi ko ay ang kambal. Ang gulo nga nila eh, kanina pa nag aaway. They're playing mobile legends.
Dahil wala din naman akong magawa dito. Matutulog nalang ako para naman makapag pahinga. Aga ko kayang nagising.
Gavin Hayes
"Hey Kiersten. Paano kayo nakakasigurado na hindi sila Viena ang tunay na BSG?" Curious na tanong ni Devon. Kahit ako ay napalingon dahil sa tanong niya.
"Simple lang naman, We just observe them." deretsong sagot ni Brynn sa kanya. Observe? Ni hindi naman sila mga gangsters or what diba.
"But you and your friends are not gangsters right?" nababasa ba nito yung nasa utak ko? Tsk.
"Ahahahahahahahaha." agad kaming napalingon kay Kaleah ng malakas itong tumawa.
"Opps, Sorry hehe." sabi nito.
"Mr. Devon Pierce Santiago. You should shut your mouth." bakas sa mukha namin ang gulat ng banggitin ni Brynn ang buong pangalan ni Devon. Sa information namin Devon lang ang pinapakilala.
"Paano--Kaleah? Nalaman niyo na ba kung sinong sumugod satin?" hindi na natuloy ni Devon ang sasabihin niya ng biglang magtanong si Brynn kay Kaleah.
Kahit kami ay napatahimik dahil sa tanong nyang iyon. Napalingon ako kay Kaleah na nagaalinlangan kung sasabihin ba o hindi.
"Go on." sabi ni Brynn na para bang alam niya ang iniisip ni Kaleah.
"Okay. Uhmm, kasi Brynn... A-ano e-ehh. Ang R-Russ Gang." That gang, saan ko ba narinig yon.
"At may isa pa kaming nalaman." nakita ko kung paano mawalan ng ekspresyon ang mukha ni Brynn.
"What is it?" bakas sa tono ng pananalita nito ang lamig.
"Toxic Princess was Keisha. At ito pa, Si Gray at TP ang namumuno sa Russ Gang." biglang bumilis ang takbo namin. kita ko ang galit at panggigi-gil sa mga mata ni Brynn.
"Calm down, Brynn." mahinahong sabi ko sakanya. Di nagtagal ay medyo huminahon na siya.
"Anong balita sa UW?" medyo mahinahon padin niyang tanong. Teka? UW?
"May pinadala ang mga Senior dito sa Pilipinas para ipahanap tayo." sagot naman sa kanya ni Kaleah.
Nalilito na kami, at tila parang namumuo sa aking isipan na isa silang mga gangster. Napa preno nalang ng malakas si Brynn ng biglang may humarang samin na mga naka motor at dalawang van.
"Speaking of?" medyo natatawang sabi ni Kaleah.
"Call Addison to take care. Mauna na kamo sila doon. Dito lang kayo, ako muna kakausap sa kanila." akmang baba ito ng bigla kong pigilan.
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
Teen FictionKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...