Thank You for reading.. :)
Naiinspire lang talaga ako dun sa batang laging tumatawag sa akin ng Ate Cute at Ate Ganda..
Hindi naman kasi ako cute at hindi rin ako maganda. Ge. Yun lang.
This is not my own story okay.
Read at your own risk. I'm not good at speeches.
P.S. I'm a mobile writer most of the time so beware with the errorS (with Capital S)
~emptyheart
Status: On-Going/Revising/Editing
Chapter One
" Ren, may naghahanap sayo sa labas" si Fer habang inilalapag ang ipinakisuyo kong Chuckie chocolate drink at chocolate cake sa table ko. Breaktime namin ngunit di na ko nag abala pang lumabas. May mga nira rush akong report na kailangan kong ipasa before the month end.
"Lexie lalabas ka ba? Pakisabi naman sa mga bisita ko pasok na lang sila" wika ko na nakatutok pa din sa monitor ang atensyon.
"Sure Dear.. " sagot naman ni bakla. Alex talaga pangalan nito pero mas prefer nyang tinatawag na Lexie. You know na.
Allowed naman kami magpapasok ng guest lalo na at malaki naman yung office space.May kanya kanya kaming table at chairs in front to accomodate client.
"Good Afternoon Sir, Ma'am.. Have a sit please. Ano pong maipaglilingkod ko?" Nakangiting tanong ko sa mag asawang lumapit sa table ko. One look at them at mahinuha mong may sinasabi sila sa buhay. In short, They look rich.
"I am Mildred Evangelista and this is my husband Charleston" nakangiti wika ng babae na nakipag handshake sa akin. Ganundin ang asawa nito.
"Jyrene Villania Ma'am/ Sir"
"Villania? We thought you're Mr. Frederico Peralta's daughter" tila alanganing wika nito.
" No. Ma'am.. I'm tita Alice and tito Fred's niece..I'm living with them"
"Oh I see.." nawala na ang pag aalinlangan sa mukha nito.
"Pasensya ka na sa pang aabala namin iha but we really need your help. By the way we're from the same subdivision. You're from Blk. 7 right? We're from Blk 5."
Napatango na lang ako. At hinintay ang susunod nilang sasabihin.
" Anak may naaalala ka bang tunatawag sayong Ate Cute or Ate Ganda? May nakapagsabi kasi saming playmate nya na ikaw daw yung babaeng kinagigiliwan ng anak namin"
Iisa lang naman ang batang tumatawag sa akin nun. Paul ata ang pangalan base sa narinig kong tawag sa kanya ng mga kalaro nya. Sa tantya ko nasa edad anim o pito. Madalas kasi naglalakad lang ako papasok ng subdivision kung saan nakatira sina tita Alice. Sya siguro yung cute na cute na batang laging nakaharang sa daan ko at nagsasabing 'Ate ang ganda mo! o kaya sumisigaw ng 'Ate Cute'. Maliban sa grocery store owner na kapitbahay namin, wala na kong ibang kakilala dun. Bahay-Trabaho lang naman kasi talaga routine ko.
Agad ko namang inilarawan sa kanila ang iniisip kong bata. Tumango naman sila bilang pagsang ayon.
"Oo anak. Siya nga yun, ang bunso naming si Paulo. Nasa hospital kasi sya ngayon at hinahanap ka nya. Ayaw nya kasing kumain at lagi kang bukambibig. Lagi nyang sinasabi sakin na kung pwede daw dalawin mo sya" pakiusap ng ginang. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito.
"Sige po. Saan pong hospital? Susunod na lang po ako after ko pong makapag out" walang pag aatubiling wika ko. Kaya pala tatlong araw ko ng di naririnig ang boses na nakasanayan ko na ding marinig. I always have a soft heart for kids.
"Salamat iha. Maraming Salamat. Ipapasundo ka na lang namin, Inaasahan naming darating ka" wika naman ni Mr. Charleston.
"Anak, di na kami magtatagal ha, baka hinihintay na kami ni Paul. See you later.. " nakangiti namang humalik pa sa pisngi ko si Mrs. Evangelista.
"You're welcome po" hinatid ko lang sila palabas ng pinto at gumayak na din pauwi. Postpone na lang muna ang iniisip kong pag oovertime.
Lumapit naman sa table ko si Fer na alam kong pasimpleng nakikinig sa usapan. Same with Lexie. Birds with the same feather flocks together.
"Naniniwala na talaga ako sa lakas ng Charm mo Neng, pati bata naoobsessed"
"Baliw! Napakamalisyosa mo! " Natatawang asik ko sa kanya.
"I told you sister, yan lang friend natin ang walang confidence sa sarili nya" sabat naman ni Lexie.
"Before this nonsense talk goes further and further, Dyan na nga kayo.. See you tomorrow mga kapatid"
"Anong 'see you tomorrow? Huy bakla Saturday na bukas. Naiwan mo na naman yung sense of time mo" pagtatalak ni bakla. Before pa ko makapag react kinuha nya na ang mini calendar sa table nya at kulang na lang isampal sa mukha ko. Tama sya. Wala talaga akong sense of time. I even thought Its thursday pa lang.
"Eto naman. Alam ko naman yun. Iniisip ko kasing baka pwede tayong mag mall bukas" palusot ko.
" Say that again Ren-bee at baka bumenta. Ikaw? nagyayayang mag mall, as if I don't know na gagawa ka na naman ng excuse if ever, home buddy" nakataas kilay namang wika ni Fer. Mas trip ko kasing magkulong sa bahay pag weekend kaya tila napagod na din silang magyaya sakin gumimik kung saan saan.
"Hands Up na ako! I need to go. Enjoy your dates" Tinungo ko na ang pinto. Nagniningning naman ang mata ni bakla ng mabanggit ko ang salitang 'Dates' . Sino naman kaya ang kawawang lalaking napagtripan nito.
Itutuloy....
~emptyheart
BINABASA MO ANG
My Little Brother's Obsession
Teen FictionThree Words, Eight Letters. I Hate Her. I don't even know why. Maybe because of her childishness, angelic face, Wisdom or Is it with her Remarkable smile? Or maybe because I found the reason why my little brother adore her so much. Did my brother o...