<ACE'S POV>
Months have passed.. Our relationship has grown alot more stronger. Minsan nagkakatampuhan kami. Pero hindi yun nading hadlang sa pagmamahalan naming dalawa. 8 months na kami. Odiba ang tagal na. ^_^ Siguro sa iba hindi pa yun matagal pero dahil 1st boyfriend ko si Dale.. Masaya ako that it's turning out fine :)
Malapit na ang birthday ni Baby~ I'm so excited!! Makikilala ko na din yung Daddy niya. Remember, piloto yung daddy niya? That's why hindi siya masyadong umuuwi sa bahay nila.
Bakasyon nadin ngayon! Yes I'm freeeeeeeee! Hahaha. Pero nakakasama ko padin si Sam kahit papano. Si Ivy naman hindi ko parin alam anong nangyari sa bruhildang yun. But well.. I hope she's fine.
Madalas kaming magkasama ngayon ni Baby at pumapasyal sa iba't-ibang lugar. Minsan kasama namin sina Ace tapos minsan si Darren at Tita Carmela din. Yung mommy ni Dale ^_^
--------------
1 DAY BEFORE DALE'S BIRTHDAY......
*Kriiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiiiing!*
"Hi mama! Kumusta kana? I miss you!!!" sabi ko
"Anak, may importante akong sasabihin sayo. May sakit yung lola mo sa probinsya and you have to go see her. Maybe you can do it tomorrow." sabi naman ni mama. Nooo! Birthday ni Dale bukas eeh. =__=
"Eh mama.. Birthday po ni Dale bukas eh." >__<
"Paano na yan anak. Ang alam ko susunduin ka nina tito mo bukas ng umaga."
"Ihhhh mama naman ehhhh you know that I should be there sa birthday ni Dale.. Right?" sabi ko
"Oo anak alam ko yun pero isipin nila tito mo na inuuna mo pa yung boyfriend mo kesa sa mga relatives mo."
"Mama naman you know that's not trueeeee!" -__-
"I know anak but you have to listen to me." sabi ni mommy.
"Mom anong gagawin ko?"
"Maiintindihan ka naman ni Dale diba?"
"Siguro po." sabi ko.
"O sige na baby ko bye na. Be a good girl ha. I love you! Ingat ka palagi dyan."
"Okay mommy bye Iloveyou takecare." sabi ko
----------
Omo! Hindi ko alam anong sasabihin ko kay Dale? Should I tell him now? Siguro Kesa naman sabihin ko sakanya pag wala na ako. Hahahaha.
Calling.. Baby.....
Dale: Oh baby napatawag ka? Gabi na ah.
Ako: Baby.. Bad news. =___=
Dale: Bakit baby?
Ako: I have to go to the province tomorrow. Hindi ako makakapunta sa house party bukas. I feel so bad. Sorry baby.
Dale: Ganun ba baby? Nakakalungkot naman.. First birthday ko na kasama ka tapos hindi ka pwede. But.. I understand though.
Ako: Sorry baby. Wala kasi akong magagawa eh. I promise.. I'll make it up to you when I get home aright?
Dale: Okay baby promise yan ha.
Ako: Oo naman baby pakisabi nadin kay Darren at tita na sorry ha. I love you baby. Advance Happybirthday.
Dale: I love you more baby. I'll wait for you. Salamat baby. Goodnight.
*END CALL.*
------
Nakakalungkot. But well. I'm doing this because they need me. My lola needs me too. Importante din siya saakin no. Kaya I need to obey nalang. Sacrifice ohhhh sacrifice..... Hahaha
*
KINABUKASAN...
Anga aga kong nagising para makapag-ayos ng mga damit ko. I wonder kung how many days akong magsstay doon kina lola. I hope hindi naman ganun katagal. I will miss our home! >____<
"Anak ready kanaba?" sabi ni manang
"Yes manang, andyan na po ba sila?"
"Oo nasa sala na sila at naghihintay."
"Okay po baba na po ako."
Pagkatapos naman nun eh umalis na ako sa kwarto at bumaba. Pagkakita naman nila saakin eh natuwa sila dahil matagal ko na din silang hindi nakikita. Agad naman kaming umalis dahil para maaga din kaming makarating doon. Oh happy birthday baby ko T___T
Pagakaratig namin doon eh nakita ko yung mga pinsan ko na kasing edad ko lang. Si Ate Charie, Si Kuya Carlo, si Lenny at si Donna. Pinaka close naman kami ni Ate Charie dahil pinaka caring siya Okay enough said :p
*
"Lola, kumusta naman po ang pakiramdam niyo? Medyo okay na po ba kayo?" nakita ko si Lola na nakahiga.
"Oo naman apo ko, malakas pa ang lola mo" natawa naman ako sa sinabi niya,
"Si lola talaga palabiro!" sabi ko
"Salamat apo at dumalaw ka dito at matagal na kitang gustong makita." sabi ni Lola.
"Awwww. Lola masaya din po ako."
*
Pagkatapos naman noon eh nag-usap kami sa cellphone ni Dale. Ginreet ko siya shempre. Kaso dahil mahina yung signal, eh agad din namin in-end yung call. Aweeeee T___T Sabi niya eh tuloy padin daw yung party nila kasama sina Adriel, Sam at iba pa nilang mga kaibigan. Inggit ako <//////3
----------------------------------------------------------------------------------------------
<SAM'S POV>
Ngayon na ang araw na hinihintay ko. Ang araw na sasabihin ko na kay Dale ang totoo. Na ako yung kababata niya. Pero sasabihin ko ba na mahal ko siya? Parang mali naman ata ako kahit gustong gusto kong ipagsigawan sa mundo na mahal ko siya. Tch.
Papunta na ako kina Dale. Sabi kasi nila 8pm yung party. Karaoke tapos foodtrip at konting inuman. Occassion naman diba?
*
"HAPPY BIRTHDAY DALE!!!" sabi ko
"Salamat Sam! Sayang wala si Ace" sabi niya. Wala na nga si Ace yun padin yung iniisip. Pansinin mo naman ako oh.
"Ah hehehe wala yun." sabi ko.
*Karaoke here karaoke there, pagkain here and there. Beer everywhere.*
"Oh ano pare ang saya ng birthday mo pare salamat ah." sabi ni Adriel. Tapos na kasi yung party eh at medyo tinamaan na din sila. Ako eh umiikot na din yung paningin ko.
"Wala yun pare salamat ha." sabi ni Dale
"Anak ano, ihahatid mo ba si Sam o dito nalang muna siya matutulog. Sa kwarto mo. Tapos sa kwarto ni Darren ka nalang matulog."
"Ah sige po ma, dito nalang po siya. Delikado na din sa daan." sabi ni Dale. Ang swerte ko naman.
Hinatid naman ako sa kwarto ni Dale. Medyo lasing na din ata tong si Dale ah. Pero lalo siyang gumagwapo. ^______^ nung papaalis na si Dale, hinila ko naman siya at biglang hinalikan. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon.
"Ah! Ano ba Sam, hindi tama itong ginagawa mo." sabi ni Dale
"Bakit Dale? Wala namang masamang magmahal!" sabi ko. Lasing na talaga ako
"Lasing ka lang Sam."
"Lasing ako pero alam ko ang nararamdaman ko para sayo Dale!"
"Hindi ito tama. Kaibigan mo si Ace."
"Ako ito Dale.. Si Sammy.. Ang bestfriend mo.. Sorry Dale...." sabi ko tapos hindi ko na alam yung nangyari. Na knock out na ako.
------------
BOOM! TO BE CONTINUED.
BINABASA MO ANG
Then you found me.
RomanceHi. This is a story of Ace. A girl who found the one. :"> (Ang baduy hahahaha) Kung meron man pong kaparehas itong mababasa niyo, it is purely coincidence po. :DD