Kong maari pa sanang ibalik ang lahat
Kong maaari pa sanang kalimutan ang mga ala-alang masalimuot
Ng dahil sa nararamdamang sakit at pootAy 'di sana nakalimutan na kita
Nakalimutan ko na ang mga ala-ala
Na nagdulot sa akin ng troma
Na ang magmahal ay di basta-bastaMinsan tinatanong ko maari pa bang kalimutan
Ang taong minahal ko ng lubusan?
Ngunit ang mga katanungan ay hindi mahahanapan ng kasagutanBakit nga ba ikaw pa
Sapagkat ang dami namang iba
Kung maari lang sana
Ibahin ang nalang ang nadarama
Para maibsan ang sakit na dinadamaNgunit oras nga naman
Mapaglaro ng lubusan
Kay daling lumipas
Ngunit ang ala-ala ay hindi kukupasNgunit sino nga ba ako sa inaakala ko?
Taong magisang nagmamahal sayo?taong nagpapanggap na masaya?
Ngunit ang katotohanan ay nagdurusa?O taong tanga na lagi ng umaasa
Na meron pang pag-asa
Ngunit wala naman palaMaaaring lumipas ang oras at panahon
Ngunit hindi mabubura ang ala-ala ng kahapon
Kong saan minahal kita ng lubusan ngunit hindi mo naman sinuklian.-stealing is a sin!
-plagiarism is a crime!
-Dont steal no one's property if you dont want me to destroy your own property.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Makata
RandomSa panahong ako'y nalulumbay lapis at papel sa akin ay dumadamay. Sinusulat ang mga salitang hindi masabi sabi sa harapan ng madla. Mga tulang aking ginawa para sa taong kaparehong kong nakakaranas nito.