STANLEY
"Mr. Stanley M. Chrome, tinatawag ka sa main office, may bisita ka."
Oy, himala't may bisita ako ngayon ah, first time na may bumisita simula noong... Nevermind, tumayo ako't lumabas ng selda. Matagal tagal na rin akong nakakulong, pft. Nakulong lang nang dahil sa maling akyusasyon, kaiyak naman. Sobrang tahimik lang ng buhay ko e, 'bat pa ako 'yong napagbintangan.
"This...–" "Alam ko, 'wag mo na 'kong pagsabihan." Sambat ko bago pa man niya 'ko sabihan, alam niyang matagal na 'kong nakakulong dito tas may pa 'this way-this way' pa siya. "STAN–!" Papasok palang ako't agad namang tumalikod at di na tinuloy ang pagpasok sa office. 'Bat nandito 'yong gago.
"Oy, teka, teka, teka lang." Pagpupumigil niya sakin at pinapasok ulit ako. "Bakit ka nandito, hangal?" Tanong ko agad habang pinaupaupo niya ako sa isang silya at siya naman humarap sa'kin nang nakasimangot. "Anong klaseng mukha yan?" Nakakapagtaka lang, ngayon niya lang ako binisita simula noong araw na 'yon.
"Ano ba kailangan mo?" Pagbabasag ko sa katahimikan, 'di na ako natutuwa, lalo na sa mga pakulo niyang ganito, at kung ano man pakay nito sakin, malamang 'di na naman to maganda. Bigla namang nagbago aura niya't tumayo upang isarado iyong pinto. "Gusto mong makalabas dito diba?" Biglang tanong niya na dahilan upang mapalingon ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" Kung magpapakatotoo ako, oo, gusto ko. Gustong gusto ko ng makalabas dito, 'di naman dapat talaga ako 'yong nakakulong, ginawa lang nila akong pain sa mga pulis at pinalabas na kasalanan ko lahat. Nakakaputa lang.
May inilabas siyang papel at nilagay sa lamesa. "You can decode codes right?" Tinignan ko iyong papel na nilagay niya sa mesa. ' VLRAFAXDLLAGLY ' Agad naman nagtagpo mga kilay ko habang binabasa ko yung mga letrang nakasulat. "Anong kagagohan to, Luis?" "If you can decode that right, sasabihin ko sayo. At pag hindi naman, ewan ko. Choice ko na 'yon."
Tinignan ko ulit iyong papel at sinuri ang mga letra ng maayos. "V, L, R, A, F– May bolpen ka?" "Meron" Sagot niya't binigay sakin 'yong sign pen na Dong-A Fine – TECH 0.2. "Seriously, now?" Tanong ko habang kinuha iyon ngunit nagkibit balikat lang siya't umalis. Napailing lamang ako at binaling ulit ang aking atensyon sa code. Matagal tagal na rin akong 'di nakapagdecode. Sana nama'y alam ko pa.
"V L R A F A X D L L A G L Y" Bigkas ko habang sinusulat ang mga letra sa papel. Anong klaseng code kaya ginamit nila dito, kung keyboard sequence kaya na code gagamitin ko... "CSKQYQBRSSQUSN?" Puta, ano yan- natawa na lamang ako sa unang code na ginamit ko. Napakagat ako sa aking mga kuko habang sinusuri ang code. "Kung hindi keyboard code 'yong ginamit..." Napaisip ako't pilit nirecall lahat ng mga codes na naexperience ko noong nag aaral pa lamang ako. "What if..." Sinulat ko buong alphabet letters at tinignan ulit iyong code. "What if ito 'yong code na ginamit ni Vaughn noon–." Sabi ko't sumulat na naman ng panibagong sequence ng alphabet letters sa baba mismo 'nung una kong sinulat ngunit this time, sa letrang 'X' ako nagsimula. Bale, A as X... "A 3 letters back code." Napangiti ako't sinulat ang phrase na nadecode ko.
'YOU DID A GOOD JOB'
BINABASA MO ANG
OUTLAW | m.yg
Misteri / Thriller"Gusto mong makalabas dito diba?" "Anong ibig mong sabihin?" "You can decode codes right?" ' VLRAFAXDLLAGLY ' "Anong kagagohan to, Luis?" "If you can decode that right, sasabihin ko sayo, at pag hindi naman, ewan ko. Choice ko na 'yon." - 𝐎𝐔𝐓𝐋𝐀...