Chapter 56

20.7K 379 20
                                    

Chapter 56 ~ Pasa

Mia's POV:

Nakasunod sa amin ang kotse nina Melon at Brenda. Nasa unahan nila kami at patuloy na tumatakbo ang kotse. Tahimik kaming dalawa at walang nangahas na basagin ang katahimikan.

Ang akward.

Sinubukan kong magpatugtog ngunit agad din niya iyong inihinto at sinulyapan ako ng panandaliang matalim na tingin. Napabuntong-hininga ako.

"Next time, 'wag ka nang pumunta sa mga ganoong lugar." Saad nito. Napakunot noo ako at binalingan siya ng matalim ring tingin.

Umismid ako.

"Nakipagsuntukan ka. Anong gusto mong gawin ko? Matutulog ng mahimbing?" Sarkastiko kong tanong.

"Then you can wait outside!"

Malapit na kami sa subdivision pero heto kami at kakasimula pa lang na magtalo.

"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam na nakikipagsuntukan ang asawa mo sa bar na 'yun! Ako kaya, makipagsabunutan sa bar, tutunganga ka lang ba sa labas?!"

"You should stay outside! For Pete's Sake, you're pregnant and you can't go inside the bar. How come they let you in?!" Nagtataka na nitong tanong pero sumisigaw pa rin.

Napairap ako.

"Sinabi naming kakilala ko ang nakipagsuntukan at pinayagan kami pero sandali lang."

Saktong nakatapat na kami sa bahay at tuloy-tuloy niya itong ipinasok sa gate. Sa pinto, nakaabang doon si Manang.

"You didn't wait for me outside kaya ganoon ang nangyari sayo." Paninisi nito sa akin. Hindi man lang ako inalo ng sarili kong asawa bagkus pinagalitan pa ako.

Mas lalo akong nainis. Hindi sa kaniya kundi pati na rin sa sarili ko. Aminado akong may kasalanan rin ako sa nangyari pero masisisi niyo ba ako?

Lumabas rin ako ng kotse at sinundan siya. Hindi ko na rin nabati pabalik si Manang sa sobrang panggigigil kay Bryle.

"Pakipot pa kasi!"

"Sana hindi ka na lang nagpunta sa Bar na 'yun ng ganiyan ang suot mo!" Humarap siya sa akin at pinasadahan ang aking damit. Pati damit ko ay pinuna niya.

Nakadress ako pero hindi naman katulad nito ang dres na sinusuot ko sa umaga at may jacket namang nakasuot sa akin. Kaya ano ang ikinagagalit nito sa suot ko? Ilang sandali pa akong nag-isip at napagtanto ang gusto niyang iparating?

Ikinahihiya ba niya ako?

Dumaan ang kirot sa dibdib ko at naluluha siyang tinignan. Naging marahan ang kaniyang mukha at kita ko ang kaniyang pagsisisi.

"Hindi ko na alam kung anong isinuot ko dahil nag-aalala ako sayo. Asawa mo 'ko Bryle kaya natural na pupunta ako doon at sunduin ka. 'Wag kang mag-alala, sa susunod hindi na kita papakealaman pa."

Hindi ko na hinintay pa itong magsalita at tumuloy na sa aking kwarto. Pagod na ako.

Nagpalit ulit ako ng damit at nahiga sa kama. Pero ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ng may kumatok sa pinto. Pumasok si Bryle habang may hawak na gatas sa kamay.

"You should drink this."

Hindi ako umangal at kinuha ang gatas. Umupo ito sa aking tabi at pinanuod akong uminom. Rinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.

"He was my friend before. I mean, not totally my friend but we know each other." Saad nito na nagpataka sa akin.

Sino?

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon