Minsan akong isinama ng nanay ko sa palengke.
May hawak siyang bayong sa Isa niyang kamay tapos hawak niya ako sa Isa,
Bata pa ako niyan pero Tandang tanda ko.
Pagdating namin sa palengke
Binitiwan niya ako
Iniwan sa isang tabi at nangakong babalikan ako
Maraming mga tao at ibat ibang sasakyan,
Ingay dito at ingay doon
Naiinip ako sa paghihintay pero pinanghawakan ko ang pangakong babalikan
Nanatili ako sa dating pwesto at matiyagang naghintay
Gusto ko na umalis, sumuko at tigilan ang paghihintay
Gumagabi na rin at baka ako ay tuluyan ng kinalimutanPero hindi!
Kinabisado ko ang hakbang ng nanay ko at ang mga yabag niyang papalapit kung nasaan ako,
Bumalik si nanay binalikan niya ako.Naalala ko lang si nanay
Si nanay na ilaw ng aming tahanan
Ang pagmamahal niya ay walang kapantay
Sana ganun ka rin magmahalPero hindi ka nga pala si nanay
Iba ka nga pala
Ibang iba ka
Katulad ka ng buwan na iniwan ako nang dumating na ang araw
At hindi ka rin araw dahil hindi ka naman bumalik kinabukasanIkaw nga pala yung taong nag aya sakin ng larong taguan
Tagu taguan Maliwanag ang buwan
Tagu taguan na hindi ko alam kung ako ba ang taya o ikaw?
Siguro nga ako naging taya
Dahil ikaw ang nagtago at literal akong iniwanMarami akong katanungan na nasa iyo ang kasagutan
Mahal mo pa ba ako, o ako na lang ang nagmamahal.Katulad ng aking nanay
Binalikan niya ako sa matiyaga kong paghihintay
Nakalimutan niya ako pero binalikanPero hindi ka nga kase si nanay
Hindi niya ako sasaktan
Hindi niya hahayaang madurog ang puso ng tuluyan
Hindi ko nga pala kinabisado ang mga yabag mo
Matagal na rin naman mula ng magtago ka at tumalikod mula sa pagharap ko
Ang dati mong mga bakas ay nabura na ng luha na lumandas mula sa mga mata
Nakalimutan ko na, salamat at hindi ko kinabisaGagawa na lang ako ng panibagong mga bakas
Susundan ko ito palayo sa iyo
Palayo sa Daan ng sakit na tinapakan ko
Ayuko man lumubog sa proseso ng paglimot ngunit titiisin ko
Titiisin kong makawala sa kadenang apoy na itinali mo
Gusto ko na umahon at makita ang pampang na BagoAt sa oras na matapakan ko na ang pampang ng mga proseso
Bakas ko na ang makikita mo sa buhangin ng pagbabago
Hindi na Kita hihintayin katulad ng paghihintay ko sa nanay koIto ang huling bakas na gagawin ko
Kasalungat ng muling paglapit mo.
YOU ARE READING
YABAG at BAKAS
RomanceThis is my first work of spoken poetry, so I decided to show you guys my work. do not plagiarized the contents.Ask for permission.