It was Valentine's day when I met him, and his name is Gian Valentino.
-----
TINITIGAN ko ang sarili ko sa full-size mirror na nakapwesto sa paanan ng kama. Ngumiti ako sa sarili kong repleksyon at marahan na umikot para makita ang kabuo-an ng itsura ko ngayon.
"Okay na ba 'tong suot ko, Liz?"
Malalim na hininga ang narinig kong kumawala mula sa mga labi ng kaibigan ko. I am certain that a seven - year - friendship is an enough duration for me to know her well. At alam na alam ko na kung ano ang magiging reaksyon niya sa tanong kong iyon.
"Pang ilang beses mo nang itinatanong sa akin 'yan, Mira," napapairap niyang sagot sa akin. Kitang-kita ang nakabusangot niyang mukha.
Natawa lang ako. Napailing-iling. Sa ilang taon naming magkaibigan, alam niya na kung paano ako natatagalan sa salamin. At alam niya na kung paano ako kinakabahan sa tuwing may date ako kasama si Jake.
"Sagutin mo na lang, Liz," nangingiti kong saad ngunit itinatago lang ang pagiging kabado. Hinga nang malalim. Breath in. Breath out. Pero dahil siya naman ang kausap ko ay hinayaan ko na lang na sabihin sa kanya ng totoong nararamdaman ko ngayon. "Kinakabahan ako."
"Sus, kung kabahan ka, parang first time n'yo pang magdate ni Jake." Natatawa niya akong pinandilatan ng mga mata. "Hello! Umayos ka nga."
Tumikhim ako at tumalikod na sa salamin. "Ito pa lang talaga ang first formal date namin. Alam mo naman na palaging hindi natutuloy at napopornada ang mga usapan namin dahil sobrang busy niya."
Napabuntong-hininga siya sa harapan ko. "Bakit kasi puro trabaho 'yang boyfriend mo? Nagkukulang na nga sa oras para sa'yo pero mukhang wala ka namang sinasabi."
"Naiintindihan ko naman kaya ayos lang."
"Ayos lang ba talaga?"
Saglit akong natigilan.
"Babawi naman daw siya ngayong Valentine's Day," saad ko. Mas naging triple ang kabang nararamdaman nang narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. "Ito na, nag-text na."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at isinuot na ang pulang stilettos na kanina ko pa inihanda. Inayos ko sa huling pagkakataon ang sarili bago nagpasyang umalis. "Gotta go now, Liz. Ikaw na muna ang bahala sa apartment ha. See you later!"
Today's Febuary 14 and I want to spend the entire day with my boyfriend for two years - Jake. Umaasa ako na ngayong araw na ito ay matutuloy na talaga ang lakad namang dalawa. It's been months since the day when we had spent a great time with each other outdoors. Iyong dates na noon ay consistent naming nagagawa pero ngayon ay unti-unti nang hindi napagbibigyan ng halaga. Hindi ko na ata mabilang ang mga petsa sa planner ko na nilagyan ko ng ekis dahil sa mga dates namin na hindi natuloy. O kung natutuloy man ay wala namang kung ano'ng espeyal na nangyayari. At ngayong may pagkakataon na, hindi ko na sasayangin kahit isang segundo ng araw na ito.
I was the one who picked the restaurant where we would be having our dinner before we go to the beach. Maski ang oras kung kailan kami magkikita ni Jake ay ako pa ang nagdesisyon. He seemed to agree with all of those anyway.
Wala siyang kahit ano'ng angal. Tanging tango lang ang ginawa niya at pagsang-ayon. Minsan ay naiisip ko na hindi siya interesado sa date namin. At wala akong magawa kundi ang masaktan. This isn't the first time na ganito siya kung umasta. Maraming beses na pero pinapalampas ko na lang. Pinapatatag ko lang ang sarili ko. After all, a two-year relationship is never easy to attain. I'm holding on to the fact that this time, this day and this date could be something different and memorable.
BINABASA MO ANG
Gian Valentino
Short Story"It was valentine's day when I met him. And his name is Gian Valentino."