How do I save Us *PROLOGUE*

9 1 0
                                    

  "Pag lumingon ka, akin ka" yan ang sabi mo sakin habang vinivideohan mo ko gamit yang cellphone mo

"Hahaha sus kahit di naman ako lumingon, sayo pa rin ako"

"Yiiee kaya lab na lab kita e" kinikilig mong sabi sabay ng marahan mong pagyakap sakin

Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon naaalala mo pa rin ang simula kung paano naging tayo.

"Love?" pagtawag mo ng atensyon ko habang yakap mo ko patalikod.

"Hmmmm?"

"I just want you to know na araw araw kitang mamahalin at aalagaan. I want you to be happy kahit corny ang jokes ko. Cuddling, kissing, hugging, and saying 'I love you' to you, gagawin ko yun sayo araw araw cause I want you to feel the every bit of my affection for you. Gusto ko na ikaw ang pinakahuling tao na makikita ko bago matapos ang gabi at bantayan ka naman sa iyong paggising sa pagsapit ng umaga. Love, I'll never get tired of you and I promise that"

Sa pagkakataong iyon, hindi ko mapigilan ang kilig kaya't dinaan ko na lang sa pigil na ngiti.

Hinarap kita at yinakap ng mahigpit na mahigpit.

"Talaga?"

"Oo, promise ko yun sayo"

"Thank you and I love you, Love"

"I love you too"

Days.

Months.

Years have passed, napuno iyon ng mga masasaya at malulungkot nating ala-ala. Maraming problema ang dumating satin, but in the end, nasusulosyunan pa rin kaya mas lalong nagiging matatag ang relationship natin.
Although, we're busy on other matters, I'm sure na masaya pa rin ang relasyon natin.

Until one day, di ko alam kung ano ang biglang nangyari when you decided to break up with me.

"Ally, I want to end this relationship."

Nabigla ako sa sinabi mo.

"W-what?"

"Ayoko na."

"But why?"

Napamulagat ang mata mo sa tanong ko na animo'y di kapani paniwala.

"Allyson? Wake up! Di mo ba nakikita? Hindi na tayo masaya. Wala na yung spark, wala na yung dating tayo. Wala na."

"Mahal mo pa ba ako?"

"Ally, please. Let's break up"

Dahil dun napuno ng katanungan ang isip ko.

Bat di mo sinagot kung mahal mo pa ako?

Bakit?

What I have done to you?

May mali ba sa relasyon natin?

o ang totoo ako ang may mali?

Gusto ko lahat itanong iyon sayo pero ayaw sabihin ng bibig ko.

"No no no no ayaw ko!" mariing sabi ko

"ALLY ANUBA AYOKO NA SUKO NA KO. ITIGIL NA NATIN ITO"

Parang ayaw tanggapin ng buong pagkatao ko ang lahat ng sinabi mo. Wala akong maisip ng tamang sagot para sa mga katanungan ko. Di ako makahinga at nanghihina ang mga tuhod ko.

"Love wag ka namang ganyan. Wag mo kong iwan please." ani ko na lumuhod bigla sa harap mo bunga ng panghihina nito.

"Love..."

"Allyson, please..."

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?"

"Oo" walang kagatol gatol mong sabi.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at pinunasan ang namumuong luha sa mata ko.

"Sige, payag na akong makipaghiwalay ka sakin but in one condition. Give me 20 days na makapiling ka pagkatapos nun malaya ka na. Deal?"

"Yun lang ba? Sige, deal."

Love, di ko hahayaang maghiwalay tayo. Ayaw ko na sa bandang huli, magsisi ako dahil pinakawalan kita agad dahil sumuko ka. Love, I can't lose you, not now and will never be tomorrow. I'll do everything to save us.

-

-

-

please support How do I save Us 


Astro Cha Eun Woo as Zachary Lopez

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Astro Cha Eun Woo as Zachary Lopez


Twice Kim Da Hyun as Allyson Dior 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Twice Kim Da Hyun as Allyson Dior 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How do I save UsWhere stories live. Discover now