WTRWNS Chapter 5 —The Fifth Harmony
Written by: Kei Lavender
——————————————————————————
"Ang ganda ng suot, ha? Saan ka ba pupunta ngayon at ayos na ayos ka, aber?"
Nandito parin ako sa bahay kasama ang housemate kong si Jheene na biglaang napauwi mula sa trabaho dahil naiwan nya raw ang cellphone nya kanina bago umalis.
Nadatnan nya naman ako sa kwarto na nagaayos ng sarili. Well, hindi naman talaga ako bihis na bihis. Kumbaga, mas better lang 'to kumpara sa mga nakaraan kong suot tuwing may job interview.Proud ko s'yang hinarap bago sya sagutin, "May meeting ako with Mr.Crisostomo, eh." Sagot ko na ngiting-ngiti. Inabot ko mula sa mesa at isinuot ang blazer na ibinagay ko sa suot kong casual dress ngayon."Bagay ba?" Tanong ko sabay iniharap sa kanya ang suot ko.
Binigyan nya ko ng nagtatakang tingin, "Bagay naman. Pero teka nga, ayun yung naginterview sa'tin kahapon kung saan pareho tayong hindi natanggap, di'ba? Hwag mong sabihing....?"
Umiling ako, "Ayun nga din ang akala ko. Pero mali ka, hindi ako natanggap. But I think may mas better pa kesa sa matanggap ako sa trabaho na 'yun." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya, "Alam mo, feeling ko talaga malapit ko nang marating yung pangarap ko. Ito na yung first step, eh. Pag nakapasok na 'ko sa kumpanyang 'yun, hindi na 'ko magaaksaya ng panahon. Talagang itatake ko na yung kung anumang chance na ibibigay nila sa'kin."
Mas lalong kumunot ang noo ni Jheene, "Eh ano ba 'yun? Hindi ko naman kasi maintindihan. Kung hindi ka natanggap, eh bakit ka pa pinapatawag ulit ni Mr. Crisostomo?"
Napakibit-balikat nalang ako. "Ewan ko rin, eh. Pero atleast, alam kong may kinalaman yun dun sa kwento ko."
"Kwento mo?"
I nod, "Hm, yung kwento ko. Yung ginawa ko pa sa laptop ko dati? Diba, pinabasa kona sa'yo yun noon?"
"Ah, yung Call of Angels ba 'yun?"
"Oo! Natapos mo yun, di'ba?"
"Hindi, hanggang chapter 15 lang ata ako. Hindi kasi ako mahilig sa mga fantasy, eh. Anyway, ano nga pala ang kinalaman nun sa pupuntahan mo ngayon?"
"Wala akong idea. Pero hindi ba magandang senyales na yun? Ibigsabihin, paguusapan na namin yung tungkol sa work ko. It also means na nakuha ng kwentong gawa ko ang attentions nya! Interesado sya sa story ko!"
"Sus! Hwag kang pakampante. Baka naman kukuha lang sila ng idea, but it doesn't mean na kapag nai-feature na nila yung gawa mo sa kung saan man ay makakakuha ka ng full credits, diba?"
"Hmph! Sige, salamat sa supportive remarks mo, ha? Salamat!"
She gave me a sweet smile, "You're welcome."
Tumayo ito at inayos ang damit nya. "Oh s'ya, mauna na 'ko. Sumaglit lang kasi ako mula sa trabaho, eh. Maiwan na kita, ha? Bye-bye!"
Bago pa man ako makapag salita, nilayasan na 'ko nito.
Napabuntong hininga nalang ako.
Grabe talaga ang isang yun.Itinuloy ko nalang ang pag aayos ng suot ko at nang makuntento na 'ko sa attire ko, naisipan ko nang umalis ng boarding house.
Bago tumuloy sa D.C., dumaan muna ako sa paborito kong bakeshop na binilhan ko na rin kahapon. Bukod kasi sa palaging fresh at masarap ang mga tinapay dito ay mura lang rin ang tinda nila. Pinili ko yung specialty nila na red bean bun. Tamang tama, kagagaling lang sa kugon at dahil medyo mainit pa,hindi pa nila nilalagay sa packaging nito. Nang mabayaran ko na ay nagtungo na 'ko sa train station at nagcommute. Sinimulan ko na ring kainin yung dala kong bun sa loob ng train. Mahirap na, baka bigla nanaman akong makaramdam ng gutom, eh. Okay na yung sigurado.
YOU ARE READING
When The Rain Won't Stop
RomanceAt the age of sixteen, Magda had her first heartbreak by her first ever love, Clarhens. There where she thought of no matter how sweet a candy is, there are always a time where it comes to a bitter end. Akala niya s'ya na, she never thought na pwede...