CHAPTER: SAWI SI MARIA KLARA
Third Person pov's
"Tih? Bakit ba naki pag break si ruju mo?"
"Kasi hindi nya ako mahal!"
"Huh? Bakit ka niya Gi-nirlfriend?"
"Kasi ako, hindi nga nya ako mahal. Kasi ang mahal nya. Huhuhu!" Lumagok muna si clare-(Mariclare) ng alak habang humikhikbi dahil sa pag iyak. "Yung.. Yung ano ko, kimchi ko! Huhuhu!" Lalo syang humagulgol ng maalala niya ulit ang nangyari.
"Mi-minahal ko naman sya e. Kaso Yung hinihingi nya, hindi ko pa kayang ibigay sa ngayon. Alam ko namang pangangailangan nya din yon. Kaso hindi pa kami kasal para ibigay ko sa kanya yon. Saka mga bata pa kami, lalo na ako. Hindi lang sa bata e, babae pa ako! Diba? Mali yon!"
Sobra ang pag hihinahon ang ginagawa sa kanya ng bestfriend niya -(Mara) sa kanya. Simula pa kasi nang mag punta sila sa Club nito, sobra na ang pag iyak ni clare. Pulang pula na ang mata nito, at sabog sabog na ang buhok.
"Kaya wala akong choice kungdi... Makipag hiwalay sa gagong yon! Mara malandi lang ako pero virgin pa."
Tango na lang ng tango si mara sa sinasabi ng kaibigan. Ilang segundo pa nung tumigil si Clare sa pag iyak at nag yaya itong sumayaw sa dancefloor.
"Bakit ba ako umiiyak dahil sa gagong ruju na yon?!" Tumayo si clare at inayos ang damit, hinawi ang buhok na parang buhok ng bruha. "Sya ang nawalan hindi ako!" Bago mag lakad na paika ika sa dance floor at doon sumayaw na parang lokaloka.
"Wohhhhhh!" Sayaw dito sayaw doon ang ginawa ni clare.
"Ano ba miss?"
"Ngayon lang yata yan naka punta sa Club."
"She crazy!"
"Mukang malalim pinag dadaanan. Hayaan na."
Sari sari ang mga kumento ang nababanggit ng mga nababangga ni clare habang sumasayaw, at ng mga nandoon sa club na naka tingin na sa kanya.
Samantalang si mara naman na kanina pa inaawat si clare sa walang humpay na pag sayaw nito. Ay napagod na lang kaya na papunta na siya sa isang stole na upan sa counter, at umorder na lang ng alak.
Habang umiinom at pinag mamasdan lang ang kaibigan, May lumapit na tatlong lalaki sa counter at umupo din sa stole. Napatingin si Mara sa gawi ng mga lalaki pero saglit lang. Dahil hindi naman na pukaw ang atensyon niya dito.
Titig na titig lang si mara sa kaibigan na walang humpay na pag sayaw ng mapansin niyang isa sa mga lalaki sa counter na nakita niya ang lumapit sa kaibigan at nakipag sayaw.
Nung dapat ay pupuntahan niya ang kaibigan para hilain sa kasayaw nito. Ay hinarangan siya ng dalawang lalaki na kasama nung isang lalaking ka sayaw ni clare.
"HEY!" Bati ng dalawang lalaki kay Mara. Pero hindi niya to pinansin.
Umalis sya sa counter ng club at pumunta kung nasaan kanina si clare. Pero na wala na ito, maging yung lalaking kasayaw niya.
sobra ang pag aalala ni Mara sa kaibigan. Kaya tinawagan niya ito, Pero hindi sinasagot ang tawag. Kaya bumalik sya kanina sa counter para puntahan ang dalawang lalaki na kasama nung kaninang kasayaw ni clare. Para tanungin kung nasaan na din yung lalaking kasayaw ni clare kanina.
Nung bumalik si mara doon sa counter. Naka hinga siya ng maluwag ng makita si clare na naka upo doon katabi nung lalaking kasayaw niya. At kasama ang dalawang lalaki ng humarang sa kanya kanina.
Dali dali siyang lumapit don para hilain sana si Clare ng mismong si clare ang pumigil sa kanya.
"Mara ano ba?! May kausap ako O?" Suway kay mara ni clare.
"Tara na uuwi na kita." Aya ni mara kay clare, Dahil hindi maganda ang kutob niya dito sa mga lalaking kausap ni clare.
"Nag eenjoy pa ako. Kung gusto mo ikaw na lang muna ang umuwi."
"Hindi pwede clare! Lasing na lasing kana oh!"
Ayaw parin ni clare umuwi. hindi niya pinakikinggan ang sinasabi ni mara. Nakikipag kwentuhan lang si clare sa mga lalaki. Hindi umuwi si Mara, hinintay niya lang sa katabing stole si clare. Hanggang sa niyaya siya nito sa isang laro.
"Sali ka Mara para naman hindi ka napapanisan ng laway dyan." Aya ni Clare.
"Ayoko. Kayo na lang."
"SIge naa miss, Wag kanang KJ dyan oh."
"Sino Kj?!" Inis na sabi ni Mara sa lalaking isa.
"Ikaw. Mag lalaro lang naman tayo."
Papatulan pa sana ni Mara yung Lalaki ng awatin siya ni Clare."Op! Tama na yan, sumali ka na lang kasi Mara." Ayaw masabihan ni Mara ng kj, kaya sumali na lang sya sa laro.
"Ganto yung laro, Kapag may tinanong kami, tapos ayaw ninyo sagutin iinom kayo ng alak." Sabi nung isang lalaki.
kahit inis si Mara, Pumayag na lang sya. Alang ala sa kaibigan niya. Marami ng natanong sa bawat isa sa kanila. Nalalasing na din si Mara, dahil may mga tanong na ayaw nyang sagutin dahil pribado.
Maging si clare ay langong lango na sa alak. "Laro pa tayo!" Kahit sobra ng lasing si clare.
Maging si Mara ay nag sasayaw na rin dahil lasing din. Hanggang sa ang huling nakita na lang ni clare ay yung kaibigan na nag sasayaw dahil sobra na itong lasing. Tuluyan ng na walan ng malay si clare, dahil sa kalasingan.
BINABASA MO ANG
Maling Akala
Teen Fiction"Gusto ko, ang makakuha lang ng kimchi ko. Ay yung lalaking dadalhin ako sa altar." Siya si 'Marie clare tasia.' Isang dalagang sa unang tingin ay, ka diskri diskrimina dahil sa mga kanyang galaw. 'MALANDING VIRGIN' ang Bansag Sa Kanyang Sarili. Pe...