PROLOGUE

46 0 0
                                    

'This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events, locales is entirely coincidental. '

----


AUTHOR'S JOT:


ISANG MALAKING BABALA!


Sobrang sama ng ugali ng author. Kung may problema kayo sa storyang ito ay maaari niyong i-exit at wag ng basahin pa. Wag na talaga! Nagtatampo na ako :'( 


HAHAHA! 


Gusto ko kayong i-entertain sa mga ginagawa kong mga storya kaya please, sumuporta po kayo. Hindi po ako katulad ng mga nag gagalingang author na kilala ninyo pero kahit ganun ay pagbubutihan ko. Salamat naman ng advance aber sa mga taong magbabasa ng storya nato. hehe basta mahal ko kayo guys <3 From the bottom of my hypothalamus. 


O sige na, ang dami ko na atang dada. 


Osiya! Simulan ang prologue!



___

Makihalubilo.


Makipagsagutan sa mga mas nakakatanda sa akin. 



Ang maging walang modo.


Ang manapak ng taong walang ibang ginawa kundi galitin ako.


Pagkawalan ng interest sa mga tao sa paligid.


Ang pagiging malamig ko sa lahat.


Masama.


Prangka


Tahimik.


Mag isa.




Oo, ako yan!


Ako ang lahat ng yan, simula nung mawala ang kambal ko. Yung saya, yung makulay na buhay na meron kami, na meron ako! Lahat yun naglaho.



Sumobra nga kami sa pera, nakulangan naman kami ng isang tao sa pamilya.




Akala ko, ganito nalang ako.


Akala ko, habang buhay nalang akong magpapakalunod sa sakit ng pagkawala ng kambal ko. Hindi naman kasi makatarungan eh. Hindi nga dapat nangyari. Pero wala, umabot sa ganung punto.



Akala ko hindi na ako makakaramdam ng kiliti sa tiyan, ang marinig ang malakas na pagtambol ng puso ko. 



Ang ngumiti, ang sumaya.





Akala ko.



Pero dumating siya.



Ang hindi ko kailanmang naramdamang inis, ay nakaratay na sa buong sistema ko. Sa lahat ng mga ginagawa niya sa akin, walang-wala lang yun kasi kaya ko naman siyang tapatan. Pero ang hindi ko maintindihan, yung inis na bumabalot sa buong pagkatao ko ay unti-unti akong dinadala sa maingay na musika ng puso ko.



Wala akong pakealam sa kanya, hindi ako interesado sa lahat. Pero may mga bagay talaga na hindi umaayon. At isa siya dun, isa siyang malaking EPAL sa buhay ko.



Ang EPAL na hindi ko inaasahang makakapagparamdam sa akin ng kakaiba.




Ang EPAL na kung saan unti-unting dinadagdagan ang nabawasan kong buhay.




Ang EPAL na nakapagpalambot sa matigas kong puso.




Ang EPAL na nagpainit at ginawang masaya ang malamig kong mga mata.




Siya lang. Siya lang ang bumago ng blangko kong nararamdaman.




Siya lang.





_______

AUTHOR'S JOT:


Woshoooo! Magpapasalamat lang ulit ako ng advance sa mga taong MAG-babasa palang ng storyang ito. 



Sana sa huli ay masuportahan niyo ito at ng sumaya naman ang author. Hahaha! 




Enjoy reading  <3


His Apathetic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon