Chapter 55 ~ Happy Bar
Mia's POV:
"Saan po tayo pupunta Young Lady?"
Tanong ni Melon sa akin sabay baling ng kaniyang ulo. Nasa passenger seat ako habang si Brenda ang nasa back seat.
"Alam mo ba kung saang lugar ang Happy Bar?" Balik-tanong ko sa kaniya. Kanina pa ako kinakabahan at natataranta na rin.
Lagot ka sakin Bryle!
Tumango-tango ito tanda na alam nga niya kung nasaan iyon. Napangiti ako pero agad ring napawi ng maisip ko si Bryle. Makikipagpatayan na yata ang mokong na iyon.
Ano bang ginawa niya at nakikipagsuntukan siya ngayon? Napaaway na naman siya kaya tiyak na sesermonan na naman siya ni Mama.
"Pakibilisan na lang Melon ha?"
Pakiusap ko sa kaniya. Kailangan naming maabutan doon si Bryle. Mas delikado kung hindi namin siya madatnan doon.
Alam kong nagpakalasing na naman siya kaya hindi niya alam ang ginagawa niya. Ganun yata kapag lasing ka?
Hindi ko pa kasi naranasan na malasing.
Mas bumilis ang takbo ng kotse. Mga ilang minuto pang biyahe ang ginugol namin ng makarating kami doon.
Nasa labas pa lang kami ay naririnig na ang malakas na tugtog sa loob. Hindi ba naririndi ang mga nagpupunta dito dahil sa ganiyang kalakas na music?
Masisira pa yata ang eardrums ko!
"Ako na lang po ang maiiwan dito. Kayo na lang po ni Melon ang pumasok sa loob." Saad ni Brenda habang nakanhiti ng pababa na kami sa kotse.
Tumango naman kami ni Melon sa kaniya at naglakad papunta sa loob ng bar. Hinarang pa kami ng bouncer at ayaw papasukin.
"Sige na Manong. Kilala namin ang nakikipagsuntukan sa loob." Saad ni Melon sa isang bouncer. Dalawa kasi ang nagbabantay kaya ang hirap lumusot.
Plus malalaki ang mga katawan nila kaya mahirap makipag-away. Napatingin ako sa loob peromay daan pa itong papasok at hindi pa 'yon ang mismong bar.
"Hinde nga pwede! Ba't ba ang kulit niyo? Ilalabas na lang namin ang taong 'yun." Inis na sagot nito. Kanina pa kasi kami nakikiusap sa kaniya pero ayaw niya talaga.
Kailangan daw ng ID para makapasok ka. Hindi naman namin alam ni Melon na may ganito pala. Ang alam ko kasi basta may pera ka,pwede kang pumasok!
"Saglit lang po kami. May susunduin lang kaming tao kasi nakipagsuntukan siya sa loob." Ako na ang nakiusap.
Napatingin naman sa akin ang bouncer na ito at ni-head to foot ako. Napataas din ang kilay niya na waring tinatansya kung nagsasabi ako ng totoo.
"Yung nakipag-away kanina na mukhang mayaman?" Tanong nito sa akin. Napatango naman kami ni Melon. Si Bryle yata ang tinutukoy niya.
"Sige! Papasok kayo pero saglit lang." Paninigurado nito. Muli kaming tumango ni Melon para matapos na ang usapan. At dali-dali kaming pumasok.
Mas lalong lumakas ang tugtog. Nakakarindi na sa tenga at mabaho rin dito. Nagtipon-tipon ang amoy ng alak at sigarilyo.
Pero kung sanay ka rito, tiyak kong hindi ka mababaho'an. Mas maganahan ka siguro. Nang makatungtong sa mismong bar, maraming tao ang nagkalat sa dancefloor.
Nakakaengayo ring sumayaw dahil maganda ang pinapatugtog ng dj nila. Halatang propesyonal at maalam sa kaniyang trabaho.
Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko makita si Bryle sa dami ng tao. Bukod doon, nakakahilo ang disco lights nila. Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Roman d'amour"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...