Chapter 57 ~ Iisang kwarto
Mia's POV:
Sabay kaming bumaba ni Bryle. As usual, nasermonan na naman siya ni Mama. Heto namang si Bryle, sumasagot pa.
"Ilang beses kong sinabi sayo na hindi ka makikipag-away? Ba't ba ang tigas ng ulo mo?"
Inis na sabi sa kaniya ni Mama. Paulit-ulit itong pinagsasabihan si Bryle pero wala namang pakialam ang isa.
Habang kami ni Brenda ay tahimik lang. Nasa kusina kami ngayon at nanananghalian na. Advance mag-isip si Mama 'e. 10:30 pa lang ng umaga. Mas maganda na yung ganito kaysa sa late diba?
"Siya ang nagsimula!"
Asar na sagot ni Bryle. Mas lalo namang nainis si Mama kaya tuluy-tuloy na ang sermon niya.
"Eh kung hindi ka sana nagpunta sa bar at nakipagsuntukan doon? Tinawagan pa nila si Mia kaya sure akong hindi siya nakatulog ng maayos. Magmula pa nung bata ka, ganiyan ka na! Tapos makikipagsuntukan ka ngayon dahil hinawakan nila ang asawa mo? Kung ayaw mong ipahawak ang asawa mo, siguraduhin mo palagi ang kalagayan niya!"
"Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo! Pagsabihan mo nga Mia 'yang asawa mo! Magkakababy na kayo pero parang highschool student pa lang siya! Napakachildish!" Sigaw ng Mama niya.
Napatango-tango ako at hinawakan ang kamay ni Bryle sa baba ng mesa para pakalmahin ang nakakuyom nitong palad.
Mukhang napuno na si Bryle kaya tumayo ito at tuluy-tuloy na naglakad papunta sa hagdan. Pupunta na yata ito sa kwarto niya.
"Come back here! Hindi pa ako tapos!" Sigaw sa kaniya ni Mama pero hindi siya nilingon nito kaya mas lalong nainis si Mama.
"Maha-highblood ako ng dis-oras dito."
Umiiling ito at tinuloy na lang ang pagkain. Pati ang mga kasambahay ay takot na ring lumapit sa kaniya upang pagsilbihan siya.
"Hindi daw po siya sasama sa atin. Sinabi po niya kanina." Saad ko at ininguso si Bryle na paakyat ng hagdan. Napahilot ito sa kaniyang sentido at napabuntong-hininga.
"Maayos ba ang trato niya sayo? Hindi ka ba niya pinagbubuhatan ng kamay?"
"Hindi naman po. Pero kung minsan po, may kunting 'di pagkakaunawaan po kami pero naayos naman po."
"Kamusta ka naman Iha? Still experiencing morning sickness?" Nag-aalala nitong tanong.
"Minsan na lang po."
Napatango-tango ito at iniba agad ang usapan. Marami pa siyang tinanong na nasasagot ko rin naman.
"Maybe Bryle wants to rest. And he can't go outside with his bruised face. Kakalat lang 'yon sa media and his reputation may be ruined."
Nagkibit-balikat ako at baka tama siya. Mag-ingat dapat si Bryle dahil kilala siyang bilyonaryo sa bansa at ang mga pasa niya sa mukha ay kakalat ng mabilis kung lumabas ito sa media.
"Then we can go together without him. I'm pretty excited to buy for the twin's clothes. Gusto ko ulit maranasan ang ganitong feeling habang bumibili ng gamit para sa mga apo ko." Bakas sa kaniyang mukha ang kasiyahan kaya napangiti rin ako.
Masarap nga sa pakiramdam ang bumili ng mga gamit ng mga anak mo pero mas masarap siguro kung sarili kong pera ang ginagastos ko.
"Ipaparenovate ko nga pala yung kwarto ni Bryle Iha. A wife and husband must share in one room. Manang can take care of your clothes. Kaya nga lang may problema. I don't like the theme."
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...