94. Sign Of Kamote Minion

53 1 13
                                    

Sa Kamote Dungeon kung saan nakakulong si Roy...

"Oh magsihanda na kayo mga kosa, isasagawa na namin ang PT." Anang kawal ng palasyo na animo'y nakangisi ng nakakaloko. Nag-ingay din ang kapwa niya kawal.

"Magdasal na kayo na huwag sanang mapili." Halakhak pa nito. Mga sampu silang nagtipon. Yung isa ay may hawak ng palabunotan habang yung iba naman ay may hawak na latigo at handcuffs para sa preso.

"O sige na, janken poi na tayo, kanina pa ako naeexcite sa mangyayari eh." Nag-aya na yung isang kawal. Sa tingin mo palang sa mga kawal ng palasyo ay mga may maaamo itong mukha. Malinis din ang mga ito tingnan. Hindi mo aakalaing may nakatago palang lihim ang mga ito. At ang kawawa sa kanilang libangan ay ang mga preso. Hindi pala sapat para sa mga may malaking kasalanan na pagbayarin ang kasalanan sa bilangguan.

Sa loob ng selda, si Roy lang mag-isa rito. Dahil nasa ilalim nga sila ng palasyo, ito'y napakalamig at gawa ito sa bato. Bawat selda ay may isang tao. Depende na rin kung pareho kayo ng kasalanan ay maaari kayong magsama sa iisang kulungan. Nakabase kasi yun sa sala nila.

Habang nananahimik si Roy, may mga naririnig siyang mga kakosa niya na natatakot at nagdadasal na sana huwag silang mabunot. Pwes, ibahin niyo si Roy dahil ito na ang kanyang pinakahihintay. Gusto niya na siya ang bubunotin at nang makalabas na siya ng kulungan na ito. At kung totoo man yung sinabi ni Ydann na may dinosaur sa palasyo, gagamitin niya lang ang kanyang Geass nang sa gayon, makatakas na siya. Ito ang kanyang briliant mind.

"Numero dos kwatro singko, ikaw ang mapalad na napili." Masayang sabi ng kawal. Lumapit yung dalawang kawal sa kulungan ng nasabing numero. Binuksan ang kulungan saka pinusasan na yung kosa. Naghuhumindi man ay wala na itong lakas. Palibhasa nangangayayat na siya. Nilatigo rin siya nung isa upang hindi na makapalag. Ang mga ito ay dumaan sa kulungan ni Roy kaya nakahanap siya ng pagkakataon.

"Sandali!" Pigil niya sa mga kawal.

"Ano yun?" Nagresponse naman yung isang kawal.

"Pwede bang ako nalang ang pumalit sa kanya? Kasi naman, tingnan nyo naman siya oh, ampayat. Baka kulangin yung dinosaur sa kanya." Suhestiyon ni Roy.

Nagkatinginan ang mga kawal sa narinig. Ngayon lang kasi may naglakas ng ganoong ideya. Pagkatapos nun ay saka sila nagsitawanan. Sumenyas yung isa na lapitan sa kulungan si Roy. At dito...

"Roy ang pangalan mo di ba?" Paniniyak ng kawal.

"Oo." Sagot naman ni Roy. Nagulat siya sa sumunod na ginawa ng kawal. teka, bakit bigla nalang siya nagsuot ng shades?

"Bagay ba sa akin?" May pagyayabang sa boses ng kawal, "Mahigpit kasing bilin ng aming mahal na hari na kapag tangkain mong kumausap ng sinuman sa amin ay magsusuot lang ng shades gaya nito."

"A-anong sabi mo?" Halatang hindi ito inaasahan ni Roy.

"Nagulat ka ba?" Mukhang namimihasa ang extrang kawal ha, ang haba ng exposure, "Lahat kaming mga kawal dito ay kilala ang mga preso. Alam na alam namin ang kanilang background at gaya mo, ikaw ay nagtataglay ng Geass. Makokontrol mo yung titingin sa mata mo di ba. Ang pagsuot ng shades gaya nito ay hindi tatalab sa kapangyarihan mo. Ang lakas din naman ng loob mo ano ha, ke bagu-bago mo pa lang dito sa kulungan, ang lakas na ng apog mong makatakas dito. Bwahahaha..."

"Grr." Wala ng masabi si Roy kundi ang sinuntok niya nalang ang pader. Iniwan na siya ng mga kawal. Naupo siyang isiniksik ang sarili sa mga tuhod. Wala na siyang ibang maiisip pa gayong ang kaisa-isa niyang alas ay nabulelyaso pa. Ilang sandali pa pagkatapos nun ay narinig na ng lahat ang pagsisigaw ng presong inialay di umano sa dinosaur. At dito na nagsimulang kabahan si Roy. Ngayon lang siya tinamaan ng takot sa pagkakakulong. Hindi naman ito ang unang beses na nakulong siya eh. Di ba?



Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon