What if?

35 0 0
                                    

ISA ITONG TRUE STORY. NANGYARI TO SA KAIBIGAN KO. PINALITAN KO YUNG MGA PANGALAN NG MGA TAUHAN DITO PARA WALANG MAKAKILALA SA KANILA....

-KissTheRain-

What if kung...ako yung nauna?

What if kung ako siya?

What if kung binali ko yung pagkakaibigan natin?

What if kung nauna akong magtapat?

What if kung hindi ako nagpadala sa takot at naging matapang?

WHAT IF........

-------

Unang araw ng klase. Tang ina! Nawawala ako! Saan ba ko pupunta?!

Yung yung tumatakbo sa isip ko nang may bigla akong nabangga.

Ako: Sorry!

Siya: Okay lang.

Aalis na sana siya kaya lang desperate na ako kaya kinalimutan ko na ang hiya ko at hinawakan yung laylayan ng jacket niya.

Ako:Sorry! Alam ko hindi tayo magkakilala pero please! Tulungan mo naman ako!

Siya: Anong tulong?

Ako: Ano kasi....ummm.....nawawala kasi ako! Alam mo ba kung saan ang section Rose?!

Bahala na!

Siya: (Tumawa)

Bakit siya tumatawa? Dahil ba sa nawawala ako kahit na ang laki-laki ko na?! Sarap patayin!

Siya: (tumigil ng pagtawa) Ano rin kasi eh....ummm....

Ako:Ha? Ano?

Siya: Nawawala rin kasi ako eh. (Ngumiti siya)

Imbes na mabuysit ako sa kanya, tumawa na lang ako at tumawa rin siya. Para kaming mga baliw sa gitna ng field. Pinagtatawanan ang mga sarili namin. Pagkatapos no'n, gamit ang matalino niyang utak, nahanap namin 'yung mga section namin at magkaklase pala kami. Ang pangalan pala niya ay Mike (writers note: hindi po niya real name).

At ako? Ang pangalan ko ay Rain. Isang normal na babae na minsan ay abnormal. Ganun lang.

After nang incident na 'yun, naging BFF kaming dalawa at naging tapunan ng tukso dahil na rin sa babae ako at lalake siya. Naghihinala yung mga kaibigan namin na kami na raw. Pero hindi naman. Magkaibigan lang kami.

At least sa part niya.

Kasi ako...? Mahal ko siya. Oo. Totoo yan. Pagkatapos nang ilang buwan kaming magkasama at nakilala ko kung sino talaga siya, dun na nagsimulang mahulog yung loob ko sa kanya. Hindi siya mahirap mahalin. Kasi, mabait siya, maaalahanin at maalaga. Ilang beses rin akong umasa na baka may lihim rin siyang pagtingin sa akin at ilang beses rin akong nasaktan sa tuwing sinasabi niya sa akin na ang swerte niya at nakakita siya ng kaibigang tulad ko. Para akong na hit-and-run. Tae talaga.

AFTER FOUR YEARS---

Jane:Hoy Rain! Lika dito! Nasa baba yung amor mo!

Ako:Namputsa Jane! Hinaan mo yang boses mo at baka itapon kita sa baba mula rito sa second floor!

Jane: (Nag-peace sign) Hahaha~ Sorry po~

Napailing na lang ako tapos sabay silip sa baba.

At sino ng sinisilip ko?

Walang iba kundi si Mike.. Tatlong taon rin kaming naging magkaklase pero sa taon na 'to, siguro hindi na tumabla kay Lord yung pangungulit ko at hindi tinupad yung dalawang buwang dasal ko na sana maging magkaklase kami ni Mike. Hay...ang malas ko naman ngayong taon...

What if?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon