Tatlong buwan na ng nakakalipas magmula ng magpropose siya sakin. Wala naman kaming masyadong nagiging problema sa loob ng tatlong buwan na yun. Iniintindi ko naman siya at iniintindi niya din ako sa propesyong kinagagalawan ko.
Para sa akin ay naging blessing ang October ko noon. Dahil nakagraduate na ako, nagpropose pa siya sakin, and then nakapasa ako sa exam for licenssure. Sobra-sobrang blessing 'yun para saakin dahil mas mapapaaga ang pag-iimbistiga ko sa mga magulang ko.
"Hey, mauuna na ako."wika ko sa kanila at isa-isa ko silang hinalikan sa pisnge. Maliban nga lang kay Axl na langing sa lips nagpapahalik.
"Ingat ka."wika nila sakin na tinanguan ko naman bago lumabas sa bahay.
Magmula ng magpropose siya sakin ay halos dito na siya sa bahay naglalagi. Kulang na nga lang ang damit niya para dito na rin siya tumira.
Pinara ko ang jeep na paparating ng makalabas ako sa kanto namin. Actually, gusto ni Axl na hatid sundo niya ako araw-araw pero tinanggihan ko iyon. Hindi naman porket fiancé ko na siya ay aarabyaduhin ko na. Ayoko ng ganun. May pera naman ako pangsakay ng jeep kaya magjejeep na lang ako. Tsaka sayang din yung time niya kung hatid-sundo niya ako.
"Kuya, sa COD po."wika ko sa driver sabay binigay ng bayad sa kanya. Nagsalute naman si kuya na siyang nginitian ko.
Tuwing sasakay kasi ako sa jeep ay laging siya ang nasasakyan ko. Advantage na yun dahil kakilala ko na siya. Tsaka sabi niya sakin noon, malako daw ang utang na loob niya sa mga pulis dahil sila ang lumutas sa kaso ng pagkamatay ng kanyang pamilya. Masaya ako dahil may mga pulis pa din na tuwid at may mga tao pa rin na naniniwala sa amin.
Ilang minuto lang ang nakalipas ng makarating ako sa tapat ng pinapasukan ko.
"Maraming salamat, kuya."
"Walang ano man. Basta ikaw, hija. Oh siya mag-iingat ka lagi-lagi ah. Kasi ang daming krimen na nagaganap ngayon."tumango ako kay manong dahil sa kanyang concern.
Naalala ko tuloy si lola noon. Sinabihan din akong mag-ingat kasi sunod-sunod daw yung patayang nagaganap. Hsst! Nakakamiss talaga ang lola ko.
"P.O1.Gonzalvo."bungad sakin ni Mark na siyang kasabay ko sa pag-akyat sa hagdan.
Kasunod ko lang si Mark na nakapasa sa pagpupulis at magkatrabaho kami ngayon. Swerte nga niya dahil tito niya yung Hepe dito kaya ang bilis niyang nakapasok.
"Nga pala, Kat. Natanong ko na yung tito ko tungkol sa nakwento mo sakin kahapon."napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
Sa kanya ko kasi nakwento sa kanya yung nangyari sa mga magulang ko. Pero syempre kinut ko yung ibang scene doon dahil ayokong katakutan niya ako.
"Anong sabi?"
"Meron daw, pero confidencial. Pero wag kang mag-alala dahil magmamakaawa ako sa tito ko para makita mo yun."nginitian ako siya dahil sa sinabi niya. Kahit hindi ko naman sinasabi sa kanya ay ginagawa niya pa rin. Ang swerte ko dahil may kaklase akong kagaya niya.
"Gonzalvo and Sandoval, pinapatawag kayo ng hepe."nagkatinginan kami ni Mark dahil sa sinabi ni P.O2 Cruz.
"Tara na. Ba'ka yun na yun."wika niya sakin kaya tumango naman ako.
"Anong yun na yun?"curious na tanong ni PO2.Cruz pero sabay naman kaming napailing ni Mark habang natatawa. Kaya napasimangot si Sir.
Actually, lahat ng PNP dito ay kaclose namin. Mababait sila at talagang maalagain. Lalo na sakin dahil ang bata ko daw na nakapasok sa pagpupulis.
Tumungo na kami ni Mark sa opisina ni Hepe at ng makatapat kami sa pintuan ay siya na ang kumatok doon.
"Pasok!"
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
AcciónWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)