Chapter 59

19.6K 364 25
                                    

Chapter 59 ~ Luna

Mia's POV:

Sumakay ito sa dala nitong motor at nagmaneho ulit patungo sa itinuro kong gate. Kita ko rin kung paano ito magdoorbell at ilang sandali, lumabas ang isa sa mga katulong at sa tingin ko'y nag-usap na sila.

Napailing-iling ako at natatawa pa rin sa aking isipan na umorder nga si Bryle ng Shopee at Lazada. I mean wala sa itsura nito na may hilig din pala siya sa mga ganun. Parang ang hirap paniwalaan.

Habang iniinspeksyon ng katulong ang box, napatingin sa akin ang delivery man at walang anu-ano'y biglang ngumisi. Kumunot ang noo ko sa inasal ito at sigurado akong sa akin ito nakatingin dahil mag-isa lamang ako sa aking kinatatayuan.

Nangilabot ako at agad na tumalikod sa kaniyang direksyon. Nasa ganoon akong kalagayan ng may bumusina sa aking likod at rinig kong dumaan ito sa aking gilid. Hindi na ako nag-angat pa ng tingin at nanatiling nakayuko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa park ng village na ito. Tatanungin ko na lang siguro si Bryle mamaya kung ano 'yung nareceive niyang box. Umupo ako sa isa sa mga swing dito at hinyaan na maglakbay ang isipan ko.

Ilang buwan na lang at manganganak na ako. Kinakailangan kong ikondisyon ang aking sarili para hindi ako mahirapan sa panganganak lalo na't twins pa naman at first time ko ito. Sana lang maging maayos ang lahat.

Napabuntong-hininga ako.

"Are you sad po?"

Napabaling ang aking paningin sa aking likod nang makarinig ng mumunting boses. Agad akong napalingon sa paligid upang kompirmahin kung ako ba ang kausap nito.

"Come here baby girl." Utos ko dito at ngumiti.

Dahan-dahan itong naglakad patungo sa akin at umupo sa katabi kong swing. Mas lalo akong napangiti ng masilayan ko ng malapitan ang kaniyang mukha. Napakagandang bata at tiyak kong marami ang magkakagusto sa kaniya paglaki nito.

"Why are you alone po?"

"I'm not." Sagot ko at itinuro ang aking tiyan.

Naghugis bilog ang kaniyang bibig habang nakatingin dito. Napatawa ako sa kaniyang reaksyon. Lumapit ito ng mabilis sa akin at pinakatitigan ang aking umbok.

"Your tummy is big!" Namamangha nitong sagot at tinitigan ako. Tumango ako sa kaniya at unti-unti niyang hinaplos ang aking tiyan. Napatili ito at agad na napangiti.

"Because there are two babies inside of it."

Mas lalo itong namangha sa aking tinuran at napalakpak sa tuwa. Nakakatuwa itong pagmasdan at bilib na bilib itong napapatingin sa tiyan ko. Napakainosenteng bata.

"Is that possible po?"

"Ofcourse."

"I want mommy to have that too." Sabay turo sa aking tiyan. "But I don't have a mommy." Nagulat ako sa kaniyang sinabi at mas lalo itong napayuko. Konti na lang at paiyak na.

"Don't be sad baby girl. Maybe nasa malayo lang siya at nagtatrabaho para sa'yo." Ngunit umiling lamang ito at umiyak na ng tuluyan.

"But daddy said she was already dead po."

"Then I can be your temporary mommy. You can call me mommy too if you want." Awtomatikong napatigil ito sa pag-iyak. Unti-unti itong napangiti at napayakap pa sa akin.

"Let's go po to our house. We can play there po."

Inakay ako nito at wala akong nagawa kundi magpaakay na lang. Uuwi rin siguro ako maya-maya kaya walang problema sa akin at hayaang maaliw muna sa batang ito.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon