Chapter 8
Kadarating ko lang dito sa bahay, andami kasi naming napagkwentuhan nila Tonet.
Grabe pala yun sa daldalan. Di nauubusan.
Pero masaya naman sila kasama kaya kahit wala ng kwenta ang kinukwento ay hindi ka mabobored.
With action kasis sila magkwento.
Ansakit nila sa tiyan.
Walang tao sa sala kaya umakyat na ako sa taas para makapagbihis na ako. May trabaho pa ako eh.
I slowly open my door room.
Nanlaki naman ang mata ko dahil andito sa kwarto ko si Ande.
Nakatalikod siya mula dito sa pinto habang nakaharap naman siya sa cabinet ko at hawak-hawak ang wallet ko.
Kaya sigyuro hindi niya napansing bumukas ang pinto.
Lumapit ako sa kaniya at hinablot ang wallet ko mula sa kamay niya.
Halata sa mukha ang kaba at pagkagulat niya ng makita ako!
"Asan ang pera ko?"- mahinahon kung tanong sa kanya.
"Aba malay ko, nakita ko lang yan ditong naka kalat sa sahig. Ibabalik ko sana sa cabinet mo"- matapang na sagot niya sakin.
Napaka sinungaling mo.
Huling-huli kana sa akto, nakuha mo pang magdeny.
"Talaga? Eh bakit ka nandito sa kwarto ko?"- nagtataka kung tanong ko sa kanya.
"Hinahapa ko kasi yung ano ko, yung nail polish ko. Oo y-yun nga"- tanga kaba?
Paano mapupunta yun dito?
"At paano naman mapupunta yun dito. Alam mo Ande, ibalik mo nalang sakin yung pera ko"- sabi ko sa kanya.
Pinagipunan ko yun.
Halos di na nga ako nagrerecess para lang makapag ipon.
Para pagkagraduate ko. Makalayas na ako dito.
Almost 3 months kung inipon yan. Tapos ikaw kukunin mo lang ng isang araw?
"Pinagbibintangan mo ba ako? Ha Ella?"- pagtataray niya sakin.
"Di kita pinagbibintangan. Sapat na sakin ang mga nakita at nadatnan ko. AKIN NA YUNG PERA KO"- sigaw ko na sa kanya.
Masyado na siyang sinungaling.
Di paba sapat na nadatnan ko siyang andito sa kwarto ko habang hawak ang wallet ko.
10 thousands ang laman nun.
At walangya! Nagtira pa ng 500 pesos.
Nakakaiyak.
"PAANO KO NGA IBIBIGAY SAYO? KUNG WALA NAMAN SAKIN."- sigaw niya pabalik.
"Ayokong makipagtalo. Ibalik mo nalang please. Hindi naman sayo yan eh"- maluha-luha kung sabi.
Pinaghirapan ko naman kasi yun.
Di na nga ako humihingi ng baon. Ako na.mismo ang nagpapaaral sa sarili ko.
"Wal--BAKIT BA KAYO NAGSISIGAWAN"- biglang sulpot ni mama.
"Ito kasing si Ella. Kinuha ko daw yung pera niya. Badtrip"- sabi niya then she cross her arm.
Napaka walang hiya mo!
Masasabunutan na kita.
Bwiset ka sa buhay?!
Tanggalin ko ang ngala-ngala mo eh.
"Ba't kaba namimintang Ella?"- tanong sakin ni mama.
Hindi ako basta-basta namimintang. Alam kung nasa kaniya ang pera ko. Dahil kung wala sa kanya bakit gulat na gulat siya kanina ng makita ako? At bakit hawak niya ang wallet ko?
"Hindi ako namimintang ma, Sapat na ang mga nakita ko. Hawak niya ang wallet ko"- explain ko.
"Hawak niya lang ang wallet mo, sya na agad ang kumuha?"- si mama.
Ha? Yun na nga eh, siya yung nay hawak. Wala naman akong ibang nakita na kasama niya dito sa kwarto ko.
"Hawak niya po yung wallet ko, bukas yung cabinet ko. Malamang kinuha niya po yung wallet ko sa cabinet"- sabi ko ulit. Naiiyak na ako.
Ma? Kahit hindi mo naman po ako tunay na anak, kampihan nyo ako kahit ngayon lang?!?
Kumampi ka naman po sa alam mo'ng tama.
Maging patas naman po kayo kahit minsan.
"Alam mo Ella. Kahit hindi kita tunay na anak, minahal at tinuring naman kitang tunay na anak ah. Dahil yun ang bilin sakin ng papa mo. Then after all what i'm done , ganito ang igaganti mo sakin? Pinagbibintangan mo ang anak ko na kinuha niya ang pera ko. Walang kang utang na loob. Pareho lang kayo ng walang kwenta mong ina"- pagsusumbat niya sakin.
Tumulo na talaga ang mga luha ko.
Ang sakit niya magsalita.
Kinampihan niya pa talaga ang anak niyang may kamalian.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bigla nalang akong sumagot.
"Wow? Totoo po ba lahat ng narinig ko? Minahal at tinuring mo ako na para mong tunay na anak. Parang hindi ko naman po naramdaman yun. Because after my dad is gone. Puro sama nalang ng loob ang nakukuha ko sainyong mag-ina. At isa pa, hindi ako namimintang. Sinasabi ko lang po yung alam kung totoo at mga nakita ko. At ano nga po ulit yung sinabi mo? Wala akong utang na loob at pareho kami ng wala kong kwentang ina? Paano ba ako magkakameron ng utang na loob sayo kung puro pananakit at pagpapahirap ang nakukuha ko sainyo, yun ba ang sinasabi mo'ng utang na loob? And my mom? Walang kwentang ina. Iniwan man niya kami ni papa, ramdam ko ang pagmamahal niya kahit wala siya dito. Not like you, andito sa tabi ko pero puro pagpapahirap ang nakukuha ko. IKAW ANG WALANG KWENTANG INA"- tuloy-tuloy kung sabi kahit tumutulo na yung mga traydor kung luha.
Dahil sa sinabi ko
*pak*
Isang malutong na sapak ang nakuha ko mula sa palad niya.
Mas lalo akong naiyak.
Domuble kasi yung sakit na nararamdaman ko.
"Lumayas ka sa pamamahay ko"- sigaw niya sakin kaya medyo nagulat ako.
Ano? Lumayas ako sa pamamahay niya? Eh bahay ko'to.
"Lumayas? Bahay ko ito"- pagmamatigas ko.
"Bago mawala ang papa mo, pinirmahan niya ang kontrata na nakalagay dun na akin na itong bahay. Kaya umalis kana"- pinagtulungan nila ako hilahin palabas ng kwarto ko.
Pero buong pwersa ko silang tinulak kaya tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at nilock ang pinto.
"Lumayas ka dito, kung ayaw mong sirain ko ito"- sigaw niya mula sa labas.
Nakaupo lang ako sa sahig habang nakayuko at yakap ang tuhod ko .
Basang basa na yung short ko dahil sa mga luha ko.

YOU ARE READING
Love the Second time Around (Kathniel Story)
Novela JuvenilIf you love someone kahit nasaktan kana niya ng paulit-ulit. You give him/her the second time or chance.