HALLOWEEN PARTY

10 0 0
                                    

Author's POV

Sa isang parke kung saan naglalakad ang magka kaibigan ay may batang nagbigay sa kanila ng imbitasyon.

"Para sa'min ba talaga ito bata?"

"Opo" ani ng bata saka tumakbo papaalis.

Binuksan ng magbabarkada ang imbitasyon at tama nga ang bata dahil sa kanila ito dahil sila ay may mga pangalan doon.

"Join us for a Bloody Night in Jane's Halloween Party. October 31, 2018. 07 15 15 04 02 25 05"

"Tara! Punta tayo! Kay Jane pala yung party oh!"

"Sige ba!"

"Pero ano itong numbers?"

"Hayaan mo na yan tara sa mall bili tayo ng costume. Bukas na yan eh"

"Let's goooo" mula sa parke ay dumeretso sila sa Mall para bumili ng kanilang sususotin.

*kinabukasan*

Sa isang libib na lugar may isang kasiyahan na nagaganap. Masayang nagsasayawan sa gitna ang ibang tao at ang iba ay masayang nakikipag kwentuhan habang kumakain naman ang iba. At halata na ang bisita dito ay mga piling tao lamang .

Someone's POV

Nandito ako sa isang silid naghahanda kasi ngayong gabi na ito ang gabi na makakabawi na rin ako sa wakas sa mga pumatay sa akin.

Oo patay na ako at nandito nalang ako sa mundo para makabawi sa mga taong pumatay sa akin.

Naka sapi ako ngayon sa aking matalik na kaibigan na si jannelle upang maisagawa ang aking plano, isa lang naman ang plano ko eh ang patayin sila isa isa sa kasiyahang nagaganap ngayon

--10:30 pm--

Author's POV

Sa isang gilid may naglalakad na babae at lalaki na may hawak na inumin at pagkain, pabalik sila sa kanilang mga kaibigan nang napa tigil nalang ang lalaki dahil pakiramdam nya ay may naka sunod sakanila kaya tumalikod sya, noong pagka talikod nya tatlong sunod sunod na putok ng baril ang sumalubong sakanya.

Gulat na gulat ang babae ng makita nya na nakahandusay na ang lalaki sa sahig ilang segundo ang lumipas yung babae naman ang tumumba.

Someone's POV

2 down

Agad akong nakarinig ng sigawan siguro ay nagpapanic na ang mga tao dito.

Sumenyas lang ako at nagsilabasan na ang mga lalaki na kasabwat ko dito pinanuod ko mula dito ang pagkamatay ng mga tao dito sa lugar na ito at napangiti nalang ako.

Isang sandali nagpaputok na ako ng nagpaputok at isa isa ko na silang pinapatay.

"ANO BANG PROBLEMA MO JANNELLE?! BAT MO SILA PINAGPAPA PATAY?!" Ani ng huling natitirang may buhay sa akin.

"WALA KANG ALAM KAYA WAG KANG MAKIALAM!" Galit na sigaw ko at pinagbabaril ang buong katawan nito.

Biglang nakarinig ako ng may umiiyak sa gilid at nakakita pa ako ng buhay pa na babae. Nilapitan ko ito at tinutukan ng baril.

"Bat buhay ka pa?" Sabay tawa kong nakakatakot.

"Dapat pala ikaw ang inuna ko eh. Kasi ikaw ang pinakamasama sa kanila!!!"

"Paki usap wag mo akong patayin" pagmamakaawa ng babae sa'kin

"Nagmaka awa rin ako non pero anong ginawa niyo? 07 15 15 04 02 25 05! GOODBYE" pagpapaalam ko sakanya at pinatay na siya.

Noong napatay ko na ang lahat sobrang saya ko ngunit may isang pakiramdam na parang kulang pa ito parang may isa pa dapat akong gawin pero di ko alam kung ano ito

---After 5 years---

Author's POV

Sa isang lugar kung saan ginanap ang halloween party noon ay may isang babae ang naglalakad.

Masaya syang naglalakad habang pinagmamasdan ang magagandang tanawin at masayang dinadama ang katahimikan ngunit...

Nakaramdam sya ng sakit sa tagiliran na para syang sinasaksak pagtingin nya walang tao unti unti syang nanghina at napa luhod sa sakit at bigla nalang syang nagulat noong may biglang may nakita syang multo na walang iba kundi si Jane.

Natatakot nyang tiningnan ang multo at sinabing

"J-jane"

"Akala ko tunay kitang kaibigan ngunit ikaw pala ang nagplano ng lahat, ikaw pala ang tunay na may kasalanan kung bakit ako namatay" sabi ni jane.

Isang saksak ulit ang naramdaman ng babae at tuluyan ng namatay ang babae.

Jane's pov

Siguro ay nagtataka kayo kung sino ang aking pinatay? Ang aking pinatay na babae naman ay walang iba kundi si Jannelle.

Oo, si Jannelle ang aking pinaka matalik na kaibigan. Akala ko ay kaibigan din ang turing nya sa akin ngunit hindi pala, siya pala ang may dahilan kung bakit ako namatay. Nakapatay ako ng mga inosenteng tao dahil sa kanya pero huli na ang lahat. Patay na silang lahat. Patay na kaming lahat.

THE END

 Halloween PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon