Once upon a time, na-in love ako sa isang taong hindi ko kilala. Literal na hindi ko kilala. Hindi ko alam kung ano yung pangalan nya o kung ano yung hitsura nya.
Basta ang alam ko lang...
Na-in love ako sa boses nya.
***
Ako nga pala si Daniel, 20 years old. Aminado naman akong sintunado ako pero tulad nyo, biniyayaan ako ng magandang pandinig pagdating sa musika.
"DANIELLL! Bumangon ka na!!! Male-late ka na!!!" sigaw ni mommy galing sa baba.
Kakamut-kamot akong bumangon at naglakad papunta sa banyo. First day ng klase ngayon sa university na pinapasukan ko at hindi nga naman maganda kung ma-late ako. Baka hanggang katapusan na ng semester e lagi na akong late.
After 1 hour, nakarinig nanaman ako ng sigaw. Pero hindi na si mommy yung nagsalita.
"Daniel! Bumaba ka na kung ayaw mong mabaldado!!!"
Napangiti ako. Yung may-ari ng maangas na boses na yun e si Alice, yung best friend kong tomboy. Pareho kami ng course. Education.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Babaeng-babae naman sya noon. Ang natatandaan ko lang, isang araw noong first year high school pa lang kami, bigla syang nagbago.
Nagmadali na akong magbihis at pagbaba ko, nandun na din pala yung iba pa naming kabarkada.
"Putik naman Daniel. Dinaig ka pa ni Alice o!!" Rendell. Siya yung clown ng grupo. Siguro kung hindi dahil sa kanya e sobrang boring na ng buhay naming magkakaibigan.
"Baka kasi hindi sya naligo. Dumiretso na lang dito," sagot ko. Natawa sila. Si Alice naman, binatukan lang ako.
"Bawiin mo yan. Babae pa rin si Alice no. At ang mga babae, nirerespeto."
Galing yan kay Miko, yung casanova ng grupo. Ewan ko kung ano yung nakikita ng mga babae sa kanya. Gwapo lang naman sya. Yung tipong pang model? Matangkad din sya at laging nakangiti. Hindi ko talaga alam kung anong nakita nila sa kanya.
Hindi naman sa inggit ako.
Hindi talaga.
Hmmm... sige na nga. Slight lang.
Humarap sya kay Alice saka kumindat. Malamang binatukan din sya ni Alice. Buti nga.
"Tara na mga bata. Male-late na tayo," sa wakas e nagsalita na si Rex. Siya yung pinaka-seryoso sa grupo. Solong anak kasi sya kaya ngayon pa lang, ramdam na nya yung pressure ng pagiging nag-iisang tagapagmana ng negosyo ng pamilya nya.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
Подростковая литератураCollection lang po ito ng mga one-shot stories na nagawa ko. Sana po ma-enjoy nyo. Thank you po :)