CHAPTER 3

32 1 0
                                    


Charize's POV

"Diba sya yung tinulungan nila Stacey?"
"Oo nga, sya yung diba?"
"Newbie sya diba?"
"Yup, Mayaman nga daw sya eh."
"Mayaman? Sa itsura na yan?!"
"Yun yung na kita ko.. Nag search ako kahapon tungkol sa kanya."
"Grabe.."

Bakit ba ang big deal ng pag tulong nung dalawang babae sakin kahapon? First time ba nila makakita ng ganon?

"Hi Cha!"
"Oh ikaw pala Lizz." Ngumiti sya ulit sakin. Dito sa school na toh sya ang una kong naging kaibigan. Mabait at masayahin, may pagkaamazona rin sya. Pero ang liit nya.. Hahahahaha cute nga eh. Amazona na maliit

"Cha totoo ba yung balita na tinulungan ka nila Sofie?"
"Oo. Bakit ba ang big deal ng pagtulong nila sakin? Bawal ba sila tumulong?" Sarcastic kong tanong. Totoo naman eh! Napaka BIG DEAL ng pagtulong ng dalawang babaita na yun..

"Eh kasi naman Cha pano hindi magiging big deal yun eh yung dalawang yun kilalang mean girls dito! Partida bago ka palang tapos tinulungan ka! Hindi ka pa inaway o tinarayan! Baka nga kung ako yun wala na akong buhok ngayon dahil sa sabunot nila!"
"Eh ba't ka nagagalit?!"
"Hindi ako galit! I'm just shook okey?! NAGULAT AKO!"
"Ang ingay mo.." Natatawang saad ko.
"Sorry naman." Nag pout pa sya. Psh! Mas lalo tuloy sya nga mukhang goldfish! HAHAHAHAHA

-CLASSROOM-

"Hi Charize." Siya yung tumulong sakin kahapon. Pano naging isa toh sa mean girls eh ang inosente ng itsura, parang anghel.
"Ah hello." Awkward na bati ko. Sana wag nya na ako kausapin kasi issue na naman toh. >____<
"I'm Stacey." Stacey.. Grabe pang anghel na pangalan.
"Ahh hello Stacey." Please stop talking to me. Please stop talking to me..
"Kamusta na pakiramdan mo? Okey ka na ba?" Di naman ako nag kasakit.
"O-okey lang naman." Why the hell is she talking to me?
"Hmm. Okey." " Okey." Humarap na ako sa board at hinintay teacher namin. "Umm Charize.. May ballpen ka pa ba? Ubos na kasi tinta ng ballpen ko ehh." Ito yung isa pang tumulong sakin kahapon. "Here." Abot ko sa kanya ng pen. "Thanks." Tumango lang ako. 

Uwian na. Yes! Makakain ko na rin yung cake sa bahay. Inayos ko yung bag ko at tumayo. Paalis na sana ako ng tawagin ako ni Stacey. No choice lumingon ako, ngumiti ako ng kunti para hindi halatang naiilang ako. Ayaw ko lang sa issue, yun lang. "Charize, yung ballpen mo pala pinabibigay ni Sofie." Ngumiti sya kaya ngumiti rin ako pabalik. Kinuha ko yung ballpen ko at nilagay ko sa bag ko. "Thanks." Ngumiti ako at tumalikod na. Binilisan ko na yung lakad ko ng kunti dahil baka nakauwin na si Vale. Ubos yung cake panigurado. "Wait Charize!" Napapikit ako sa inis. What does she want this time? "Yes?" Pilit na ngiti kong tanong. "Umm, I just want to ask something?" "Ano yun?" "Umm, can i- we be friends?" Friends? She wants to be friends with me? Luh? Bakit? "Actually di lang sya gusto makipagkaibigan sayo.." Dugtong ng isa nyang kasama. Siya yung Sofie diba?
"Gusto namin makipagkaibigan sayo." "Yeah, you look really beautiful and friendly. Hope we can be friends?" Naka ngiwing tanong ni Sofie. Okey..?  Bakit nila gusto makipagkaibigan sakin? "Ahh s-sure. We can be friends." "Really?!" Di makapaniwala na tanong nila. Sabay pa sila partida. "Yeah sure." Nakangiti kong sagot. Well it won't hurt to be their friend right? Mukha naman silang mabait. Maybe they're not really a mean girl.

Nag apir pa silang dalawa. What's with this two? Hahahahaha "KYIEEE BESTFRIEND NA KAMIII" Niyakap nila akong dalawa. Grabe tuwang tuwa? "Ahh kailangan ko na umalis baka hinahanap na ako dun saamin." Pag papaalam ko sakanila. "Yeah. Sa bahay nyong tagpi tagpi." Bigla siniko ni Sofie si Stacey at pinlakihan sya ng mata. "Ha?" Nalilito kong tanong. Ano daw? Di ko narinig masyado sinabi ni Stacey ehh. "Ahh wala wala." Nakangiti na sabi ni Sofie. "Ahh okey, sige bye." Ngumiti ako at kumaway sa kanila. "Ingat ka baka masubsob ka!" Ha? Di ko masyado narinig yung huli nyang sinabi.

Time skip

Lumipas ng ilang araw at linggo mas lalo kami naging close sa isa't isa. Mabait naman sila. Nakilala rin nila si Lizzy. Nung una halos magtago na sa likod ko si Lizzy. Sinabihan nya rin ako na lumayo at itigil na ang pakikipagkaibigan ko kanila Sofie pero sabi ko mabait at di talaga sila kagaya ng iniisip nila pero ang sabi nya lang sakin ay pinaplastik lang daw nila ako. Backstabber daw sila. Grabe naman yung backstabber. Di naman sila ganon.

Backstabber Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon